Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: HINDI totoo ang chain message na guguho ang MOA

WHAT WAS CLAIMED

Guguho ang SM Mall of Asia dahil sira na ang pundasyon nitong nakalubog sa tubig

OUR VERDICT

Mali:

Noong Dec. 6, nilinaw ng SM Mall of Asia official Facebook page na HINDI totoo ang chain message. “The foundation of the SM Mall of Asia Complex is built on concrete piles that reach the bedrock and will withstand extreme situations,” sabi ng statement nila.

By VERA FILES

Dec 24, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Dec. 12.)

May chain message na unang kumalat noon pang nakaraang tatlong taon ang kumakalat ulit ngayon sa TikTok at Facebook, na nagbababalang guguho ang SM Mall of Asia dahil sira na ang pundasyon nitong nakalubog sa tubig. Hindi ito totoo.

Kumalat ulit ang chain message dalawang araw pagtapos lumindol nang magnitude 5.9 sa Lubang, Occidental Mindoro at naramdaman sa Metro Manila. Binalaan ng chain message ang mga netizen na huwag pumunta sa MOA dahil pumping system na lang daw ang pumipigil sa paglubog ng MOA. 

Sabi ng chain message:

“Guys, avoid niyo din pumunta sa MOA. 1 of the engineers is our family friend and pinatawag sila ng management dahil nasira na ang mga pondasyon sa ilalim causing the water from the bay to enter sa ilalim. Pumping system na lang yung tumutulak pabalik ng water sa bay. Pag nasira ang mga pumps pwedeng magcollapse ang MOA.”

Noong Dec. 6, nilinaw ng SM Mall of Asia official Facebook page na HINDI totoo ang chain message.

“The foundation of the SM Mall of Asia Complex is built on concrete piles that reach the bedrock and will withstand extreme situations,” sabi ng statement nila. 

Ang MOA Complex ay nakatayo sa 60 ektaryang lupang iniangat sa Manila Bay sa gilid ng Pasay.

Nagbabala rin ang Pasay City Public Information Office laban sa chain message sa pamamagitan ng pagshe-share ng official statement ng MOA.

Pinasinungalingan na ng SM Management ang chain message noon pang January 2020, November 2020 at March 2021, at itinangging ipinatawag nila ang mga engineer nila para ayusin ang pundasyon ng MOA dahil sa sitwasyong inilarawan sa chain message.

Ang chain message na ini-upload ng dalawang Facebook at limang TikTok netizen ay may kabuuang higit 22,406 views, 150 reactions, 47 comments at 97 shares.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.