Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: PEKE ang mga post tungkol sa pagbebenta ng NAIA ng mga hindi nakuhang maleta

WHAT WAS CLAIMED

Naglilinis ng bodega ang NAIA at nagbebenta raw ng mga maletang hindi nakuha sa presyong P556 per bag

OUR VERDICT

Peke:

Sa Facebook post ng NAIA noong Nov. 23, nilinaw nilang hindi sila nagbebenta ng mga hindi nakuhang maleta at may patakaran sila para maibalik ang mga ito.

By VERA FILES

Dec 24, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Nov. 30.)

Dalawang pekeng Facebook page ang nag-post na naglilinis ng bodega ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at nagbebenta raw ng mga maletang hindi nakuha. Hindi ito totoo.

Ang mga picture sa mga pekeng post ay luma na at walang kinalaman sa NAIA.

Ini-upload noong Nov. 21, sinasabi ng mga pekeng post na: 

Ninоy Aquіno International Airport. Start of sales in 2023! From now on, we will clear out the airport warehouse and sell luggage that has gone unchecked for 6 months. Ninоy Aquino Airport can dispose of these suitcases, organise a charity event and distribute the forgotten luggage for only ₱556.54 per suitcase!

Ang mga post ay may picture ng mga “nawalang” bag at maleta na nakapila sa loob ng airport at ibinebenta sa presyong P556. Ilan sa mga comment na nagsasabing totoo raw ito ay sa parehong araw at oras ipinost, kaya pinagdududahang peke rin ang mga comment.

Sa Facebook post ng NAIA noong Nov. 23, nilinaw nilang hindi sila nagbebenta ng mga hindi nakuhang maleta at may patakaran sila para maibalik ang mga ito. 

Kapag isinearch, matutuklasang luma na at hindi sa NAIA ang dalawang picture ng pekeng post. Ang isa ay picture sa isang German airport.

Note: Pindutin ang mga litrato para makita ang totoong kopya at konteksto.

Ini-upload ang mga pekeng post nang hikayatin ng isang kongresista ang Senado na aprubahan ang panukalang magpapataw ng mas mabibigat na parusa sa mga manloloko online o scammer

Ang mga pekeng Facebook page na Ninoy Aquino announcement (ginawa noong Nov. 21), Lost baggage (Nov. 22) at Lost luggage (Nov. 23) ang nag-upload ng mga pekeng post na may kabuuang higit 9,400 reactions, 5,100 comments at 1,400 shares.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.