Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Hindi totoo ang sinabi ni Marcos Jr. na ‘walang pagkakataon’ ang kanyang pamilya na sagutin ang P203–B tax case

WHAT WAS CLAIMED

“Walang pagkakataon” ang pamilya Marcos na tumugon sa P203-bilyong estate tax case noong nasa korte ito dahil naka-exile sila sa Hawaii.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Tinukoy ng Korte Suprema, sa desisyon nito noong 1997 sa kaso, na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay naglabas ng humigit-kumulang 30 notices of levy para “bayaran” ang estate tax at deficiency income taxes sa mga ari-arian ng mga Marcos.

Si Marcos ay nagsisilbi bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte noong 1993 nang ihatid ang mga abiso.

By VERA Files

Sep 21, 2022

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa kanyang panayam kamakailan kay Toni Gonzaga, isang aktres at television host, iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang kanyang pamilya ay “hindi pinayagang mangatwiran” sa P203-bilyong real estate tax case dahil sila ay naka-exile sa Hawaii noong nasa korte ang kaso.

Ito ay hindi totoo.

PAHAYAG

Nang tanungin ni Gonzaga si Marcos Jr. tungkol sa kanyang mga saloobin sa isyu ng buwis sa real estate, sinabi niya:

“Ah, talagang gusto namin na matapos na ito dahil ayaw kong gumawa ng legal opinion kung saan hindi ako kwalipikado. Pero para sabihin na hindi kami kailanman pinayagan na sumagot dahil noong lumabas ang kasong ito kaming lahat ay nasa Estados Unidos. Kaya noong panahon na kami ay dapat sumagot, wala na kaming pagkakataon na sumagot kasi nakakulong kami sa Hickam Air Force Base.”

 

Pinagmulan: Toni Gonzaga Studio YouTube channel, An Exclusive Interview with President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. | Toni Talks, Setyembre 13, 2022, panoorin mula 37:54 hanggang 38:57

ANG KATOTOHANAN

Tinukoy ng Korte Suprema, sa desisyon nito noong 1997 sa kaso, na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay naglabas ng humigit-kumulang 30 notices of levy para “bayaran” ang estate tax at deficiency income taxes sa mga ari-arian ng mga Marcos.

Ayon sa desisyon, naglabas ang komisyoner ng BIR ng 22 notices of levy noong Pebrero 22, 1993 “laban sa ilang mga parsela ng lupa na pag-aari ng mga Marcos — para mabayaran ang umano’y estate tax at deficiency income taxes ng mag-asawang Marcos.”

Naglabas ang BIR ng apat pang notices of levy noong Mayo 20, 1993, at apat pa noong Mayo 26, 1993.

VERA FILES FACT CHECK: Marcos Jr. falsely claims his family ‘had no chance’ to respond to P203–B tax case

Si Marcos Jr. ay petitioner sa kaso na kumukuwestiyon sa pagkwenta ng BIR sa orihinal na P23-bilyong tax liability. Sinabi sa desisyon:

“Sa kabila ng nabanggit, ang talaan ay nagpapakita na ang mga abiso ng mga warrant of distraint at levy of sale ay ibinigay sa abogado ng petitioner noong Abril 7, 1993, at Hunyo 10, 1993, at sa petitioner mismo noong Abril 12, 1993 sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa. Hindi namin, samakatuwid, masasang-ayunan ang paggigiit ng petitioner na siya ay hindi nabigyan ng due process.”

 

Pinagmulan: Supreme Court E-Library, G.R. No. 120880, Hunyo 5, 1997

Bumalik si Marcos Jr. mula sa exile sa Hawaii noong 1991. Tumakbo siya at nanalo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte noong 1992, isang posisyon na inokupahan niya hanggang 1995 nang tumakbo siya para sa isang puwesto sa Senado ngunit natalo.

Naging isyu ang P203-bilyong tax liability ng pamilya Marcos noong May 2022 presidential elections. (Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Mga kailangan mong malaman tungkol sa mga kandidatong presidente at bise presidente)

Sa isang sulat noong Marso 11 kay Aksyon Demokratiko Chairman Ernesto Ramel Jr. na ipinost sa opisyal na Facebook page ng partidong pampulitika, ang Presidential Commission on Good Governance ay nagbigay ng breakdown ng orihinal na pagkakautang na buwis ng pamilya:

Description Halaga
Deficiency estate tax assessment laban sa estate ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. P23,293,607,638.00
Deficiency income tax assessments para kanila Ferdinand Marcos at dating first lady Imelda Marcos mula 1985 hanggang 1986 P184,159,289.70
Deficiency income tax assessment laban kay Ferdinand Marcos Jr. mula 1982 hanggang 1985 P20,410.00

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Toni Gonzaga Studio YouTube channel, An Exclusive Interview with President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. | Toni Talks, Setyembre 13, 2022

Supreme Court E-Library, G.R. No. 120880, Hunyo 5, 1997

Senate of the Philippines official website, Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Na-access noong Setyembre 20, 2022

Aksyon Demokratiko official Facebook page, PAHAYAG SA BIR, PCGG AT SUPREME COURT RULING LABAN SA MARCOS UNPAID ESTATE TAX!, Marso 16, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.