Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: HINDI totoong nagdagdag ng Grade 13 ang DepEd

WHAT WAS CLAIMED

Nagdagdag ng Grade 13 ang DepEd

OUR VERDICT

Mali:

Walang announcement ang DepEd na nagdagdag sila ng Grade 13 sa K to 12 Basic Education program. Wala ring mga panukala ang Kongreso para magdagdag ng Grade 13.

By VERA Files

Dec 23, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Nov. 28.)

May mga Facebook netizen na nagshe-share ng litratong nagsasabing nagdagdag ng Grade 13 ang DepEd. Hindi totoo ito at napasinungalingan na noon pang 2020.

Isang Facebook netizen ang nag-upload ng kumakalat na graphic na may picture ni dating DepEd secretary Leonor Briones at may nakasulat na:

“Congrats grade 12 you are moving to grade 13”

Ini-upload ulit noong Nov. 15 ang graphic bilang Reel at may caption na:

“Good luck sa mga grade-11 and grade-12 may grade-13!!!:

Kumalat din ulit ang isang lumang graphic na ginawa sa isang breaking news generator website.

Hindi totoo ang mga ito. Walang announcement ang DepEd na nagdagdag sila ng Grade 13 sa K to 12 Basic Education program. Wala ring mga panukala ang Kongreso para magdagdag ng Grade 13.

VERA Files ANO RAW?! ANG TOTOO Walang idinagdag ang Department of Education na "Grade 13" level sa basic education system ng bansa. Nauna nang kumalat ang maling impormasyon noong 2020.

Noong August, inilunsad ng DepEd ang binagong Matatag curriculum para sa kinder hanggang Grade 10. Samantala, pinag-aaralan pa ang pagbabago ng senior high school curriculum.

Marami-raming netizen, karamiha’y estudyante, ang nag-repost ng at nag-react sa mga kumakalat na litrato gamit ang Reels at TikTok videos. Maraming napaniwala sa maling impormasyon, habang ang iba’y kinukuwestiyon ang katotohanan nito.

Ang mga maling post ay kumalat noong panahong ginisa si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte sa paghingi ng 150 milyong pisong confidential funds para sa DepEd sa 2024.

Matagal nang pinasisinungalingan ng VERA Files Fact Check ang mga maling impormasyon tungkol sa K to 12.

Ang graphic na ini-upload ng Facebook netizen ay may higit 6,400 reactions, 598 comments at 23,000 shares. Ang Reel namang ini-upload ng iba pang netizen ay may higit 4,600 reactions, 3,000 comments, 1,300 shares at 110,000 views.

 

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.