(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Nov. 28.)
May impostor na Facebook page na ginagamit ang pangalan ng cardiologist na si Willie Ong para mag-endorso ng hindi aprubadong brand ng apple cider gummies. Pekeng ad ito.
Itinanggi ni Doc Willie na nag-eendorso siya ng Fitrum apple cider gummies at kinumpirmang peke ang ad. Sa isang Viber message noog Nov. 23, nilinaw ni Doc Willie na isang produkto lang ang ineendorso niya at ng asawa niya, at iyon ay isang brand ng gatas para sa matatanda.
Ayon sa pekeng ad, ang apple cider gummies ay puwede raw magtanggal ng cholesterol, maglinis ng atay, at magpapayat. Pero ang Fitrum apple cider gummies ay hindi aprubado ng Food and Drug Administration.
Ginawa noong Sept. 14, ang pekeng Facebook page na ??? ?????.? – ??????? ???? ay may mga post tungkol sa organic barley at mga vlog ni Doc Willie. Ang official Facebook page ni Doc Willie ay Doc Willie Ong, na ginawa noong Sept. 28, 2013, ay may verified blue checkmark.
Ang pekeng ad ay mayroon ding link sa website (marketph.asia) kung saan puwede raw makakuha ng 40% discount kapag umorder ng apat na bote ng apple cider gummies.
Ang mga ipinangangako ng website ay mga palatandaan ng pekeng pangakong pangkalusugan na nilista ng Department of Health:
- Ang produkto ay nangangako ng sobrang pagkaganda at madaling pagkapayat.
- Ang produkto ay ipinangangakong mabilis at mabisang gamot sa maraming sakit.
- Ang produkto ay mabibili sa isang tindahan lang.
Para magmukhang totoo, ang pekeng ad ay may edited picture ni Doc Willie at ng asawa niya na may katabing mga kahon ng pekeng supplement.
Ang totoong picture ay mula sa post noong Jan. 10, 2022 ni Doc Willie na katabi ng mga kahon ng molnupiravir. Iyon ay anti-viral na gamot na binili ng gobyerno ng Manila.
Ang pekeng ad na inilabas noong Nov. 13 ay may kabuuang higit 2,631 reactions, 1,432 comments at 199,000 views.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)