Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Infographic ng Bani Police Station mali sa pagsabi na ang pagmumura ay ‘ipinagbabawal’ ng batas

WHAT WAS CLAIMED

Ang pagmumura ay ipinagbabawal at may parusa sa ilalim ng Safe Spaces Act.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Walang kaparusahan sa Safe Spaces Act ang pagmumura lamang. Ang ipinagbabawal ng Republic Act No. 11313 ay ang “hindi kanais-nais at hindi inanyayahang mga aksyon o pananalita” na patungkol sa kasarian o oryentasyong sekswal ng isang tao at sa kanilang hitsura.

By VERA Files

Sep 2, 2022

-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Isang infographic na iniuugnay sa Bani Municipal Police Station sa Pangasinan ang nagsasaad na ang pagmumura ay “ipinagbabawal” at “may parusa” sa ilalim ng Safe Spaces Act. Ito ay hindi totoo.

PAHAYAG

Sa isang Facebook post na tinanggal na ngayon, ipinakita ng infographic ang:

“May kilala ka bang mahilig magmura? Alam mo bang ipinagbabawal na ito ayon sa Bawal Bastos Law o Safe Spaces Act? Parusa: makukulong ng 30 araw at magkakamulta hanggang P10,000.”

 

Pinagmulan: Malabon Times, MALABON: Mahilig ka bang…, (archive) Agosto 22, 2022; Rommel Lopez Twitter Account, Meron po kaming kilala… (archive), Agosto 24, 2022

ANG KATOTOHANAN

Ipinagbabawal ng Republic Act No. 11313, o ang Safe Spaces Act, ang pagmumura kung ito ay may bahid ng diskriminasyon laban sa kasarian o sekswal na oryentasyon at hitsura ng isang tao.

“Ang krimen ng harassment sa kalye at pampublikong espasyo na nakabatay sa kasarian ay isinasangalang-alang ang mga hindi kanais-nais at hindi inanyayahang sekswal na mga aksyon o pananalita. Nangangahulugan ito na ang simpleng pagmumura ay hindi mapaparusahan sa ilalim ng batas na ito,” paliwanag ng abogadong si Jake Bekema, chief legislative officer ni Sen. Risa Hontiveros, ang punong may-akda at sponsor ng naging RA 11313 sa 17th Congress.

BACKSTORY

Ang Safe Spaces Act, na nilagdaan bilang batas ni dating pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 17, 2019, ay nagtataguyod ng proteksyon ng lesbian, gay, bisexual, at transgender community mula sa gender-based harassment sa lansangan.

Ipinagbabawal nito ang paggamit ng mapanirang pananalita tulad ng catcalling at paggamit ng sexist, misogynist, homophobic at transphobic slurs. Pinarurusahan din nito ang iba pang anyo ng panliligalig tulad ng pag-i-stalk, hindi nararapat na paghawak sa mga bahagi ng katawan ng ibang tao, at masturbation sa pampublikong lugar.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Official Gazette of the Philippines, Republic Act No. 11313, Abril 17, 2019

Malabon Times, MALABON: Mahilig ka bang…, (archive) Agosto  22, 2022

Rommel Lopez Twitter Account, Meron po kaming kilala… (archive), Agosto 24, 2022

Personal Communication, Lawyer Jake Bekema (Office of Sen. Risa Hontiveros), Setyembre 1, 2022

News 5, ‘BAWAL BASTOS’ BILL | Safe Space Act lapses into law, Mayo 28, 2019

Philstar.com, With Duterte as president, implementing ‘Bawal Bastos’ law will be hard — Gabriela, Hulyo 16, 2019

Philippine News Agency, Senate ratifies Safe Spaces bill, Pebrero  6, 2019

Office of the Ombudsman, Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 11313 (Safe Spaces Act)

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.