Sa paghahangad na matugunan ang gutom at kakulangan ng pagkain ng mga mahihirap na Pilipino, sinabi ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta na ang mga astronaut ay nagtatagal ng ilang buwan sa kalawakan nang hindi nagluluto o kumakain dahil kumakain sila ng pagkain na tumatagal ng mahabang panahon. Hindi ito totoo.
PAHAYAG
Sa deliberasyon ng Commission on Appointments sa nominasyon kay Renato Solidum Jr. bilang Science and Technology secretary noong Dis. 7, itinanong ni Marcoleta:
“Ano po ba ‘yung mga kinakain ng mga astronauts sent to the orbit? Kasi po kaya ko tinatanong ‘yon, they are in orbit, they spend days, even months, without cooking their food kasi po hindi naman sila pwedeng magluto doon sa kanilang spaceship. Tama po ba?”’
(“Ano po ba ‘yung mga kinakain ng mga astronaut na ipinadala sa orbit? Kasi po kaya ko tinatanong ‘yon, nasa orbit sila, ilang araw, ilang buwan pa nga, nang hindi nagluluto ng kanilang pagkain kasi po hindi naman sila pwedeng magluto doon sa kanilang spaceship. Tama po ba?”)
Pinagmulan: Commission on Appointments Official Youtube Channel, CA COMMITTEE MEETINGS ON DOE, DOST, DOTR, DFA, CAUCUS & PLENARY SESSION (12/07/22), Dis. 7, 2022, panoorin mula 2:33:08 hanggang 2:33 :35
Tinanong pa ng mambabatas kung naka-imbento ba ang DOST ng pagkain tulad ng mayroon ang mga astronaut at kung saan, aniya, ay makakapagpapanatili ng mga tao, lalo na ang mga mahihirap, kahit na hindi sila kumakain ng ilang buwan. Sumagot si Solidum na ang mayroon ang bansa ay mga ready-to-eat na pagkain na may anim na buwang shelf life para sa mga biktima ng kalamidad.
Pagkatapos, sinabi ni Marcoleta:
“Akin pong itinatanong kasi po ‘yung astronauts, ‘pag kinain niya ‘yon, it will last for several days, if not months.”
(“Akin pong itinatanong kasi po ‘yung mga astronaut, ‘pag kinain niya ‘yon, magtatagal iyon ng ilang araw, kung hindi man buwan.”)
Pinagmulan: panoorin mula 2:34:14 hanggang 2:34:22
ANG KATOTOHANAN
Taliwas sa pahayag ni Marcoleta, ang mga astronaut sa kalawakan ay nagluluto sa pamamagitan ng pag-iinit o muling pag-init ng pre-packaged na pagkain na inihanda sa Earth. Kumakain sila ng tatlong beses sa isang araw na may kasamang mga meryenda, na pinapanatili ang pang-araw-araw na pagkain ng 2,500 calories. Sa hindi bababa sa apat na uri ng pagkain sa panahon ng mga misyon sa kalawakan, dalawa ang nangangailangan ng pagpapainit ng mga pakete ng pagkain. Ang mga rehydratable na pagkain ay nangangailangan ng pagdaragdag ng mainit o malamig na tubig, na unang ginawa sa Apollo Program ng National Aeronautics and Space Administration noong huling bahagi ng 1960s. Noong Disyembre 2019, ang noo’y International Space Station Commander na si Luca Parmitano at U.S. astronaut Christina Koch ay nakapagluto ng chocolate chip cookie sa isang prototype oven.
BACKSTORY
Sa parehong pagdinig, pinalutang ni Marcoleta ang ideya ng pag-imbento ng food pills na maaaring ipamahagi sa mga pinakamahihirap sa bansa. Aniya, malaki ang maitutulong ng mga ito sa mga mahihirap na hindi na kailangang bumili o magluto ng pagkain sa loob ng dalawang linggo.
Sa kasalukuyan, walang food pills sa merkado na maaaring meal replacement. Pinaninindigan ng mga siyentipiko na angfood pill diet ay hindi mapapanatili sa katagalan, at hindi rin ito magagawa upang i-pack sa isang tableta ang lahat ng mga calorie na kailangan ng isang tao araw-araw.
Ang mga food pill ay isang trope sa telebisyon, na karaniwang makikita sa mga pelikulang science fiction.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Commission on Appointments Official Youtube Channel, CA COMMITTEE MEETINGS ON DOE, DOST, DOTR, DFA, CAUCUS & PLENARY SESSION (12/07/22), Dec. 7, 2022
Royal Museums Greenwich, What do astronauts eat in space?, Accessed Dec. 9, 2022
National Aeronautics and Space Administration (NASA), Eating in Space, June 27, 2018
America’s Test Kitchen, What Do Astronauts Eat Aboard the International Space Station?, Jan. 10, 2022
National Aeronautics and Space Administration (NASA), SP-368 Biomedical Results of Apollo: CHAPTER 1 APOLLO FOOD TECHNOLOGY, Jan. 1, 1975
National Aeronautics and Space Administration (NASA), Space Food, October 2002
European Space Agency, Luca takes leading role for Europe in space, Sept. 25, 2019
Christina Koch Official Twitter Account, We made space cookies and milk…, Dec. 26, 2019
Nanoracks, Zero G Oven, Accessed Dec. 10, 2022
British Broadcasting Corporation, Meal-in-a-pill : A staple of science fiction, Nov. 18, 2014
Popular Mechanics, Why Don’t We Have Food Replacement Pills?, March 21, 2013
Vice News, It’s 2016, So Where Are All the Meal-Replacement Pills Already?, Oct. 7, 2016
TV Tropes, Food Pills, Accessed Dec. 10, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)