Editor’s note: The headline of this fact-check was updated to reflect the accurate translation of the claim rating.
Inalis ng administrasyong Marcos ang anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution sa listahan ng mga holiday para sa 2024 “dahil [ito] ay pumapatak sa araw ng Linggo.” Ito ay nakaliligaw.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation 368, na inilabas noong Okt. 13, sa pamamagitan ng awtoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
PAHAYAG
Sa parehong araw na inilabas ang mga kopya ng proklamasyon, naglabas ng pahayag ang Malacañang sa Facebook na nagsasabing:
“The Office of the President maintains respect for the commemoration of the EDSA People Power Revolution. However, it was not included in the list of special non-working days for the year 2024 because February 25 falls on a Sunday.
There is minimal socio-economic impact in declaring this day as a special non-working holiday since it coincides with the rest day for most workers and laborers.”
(“Nananatili ang paggalang ng Office of the President sa paggunita ng EDSA People Power Revolution. Gayunpaman, hindi ito isinama sa listahan ng mga espesyal na araw na walang pasok para sa taong 2024 dahil ang Pebrero 25 ay pumapatak sa araw ng Linggo.
Kaunti ang socio-economic impact sa pagdedeklara sa araw na ito bilang isang special non-working holiday dahil ito ay kasabay ng araw ng pahinga para sa karamihan ng mga manggagawa.”)
Pinagmulan: Office of the President official Facebook account, Statement on not declaring EDSA People Power Revolution as a non-working holiday, Okt. 13, 2023
ANG KATOTOHANAN
Sa parehong proklamasyon, ang Dis. 8, na pumapatak din sa araw ng Linggo, ay idineklara bilang isang special non-working holiday upang ipagdiwang ang Kapistahan ng Immaculate Conception.
Ang huling pagkakataon na ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay tumama sa araw ng Linggo ay noong 2018. Pinahintulutan ng noo’y pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita nito bilang isang special non-working holiday sa pamamagitan ng Proclamation 269.
Ito ang unang taon na nagdedeklara ng mga pambansang holiday ang administrasyong Marcos.
(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Marcos admin nag-flip-flop sa deklarasyon ng Feb. 24-25 bilang holiday)
Check out these sources
Official Gazette of the Philippines, Declaring the Regular Holidays and Special (Non-working) Days for the year 2018, accessed Oct. 13, 2023
Official Gazette of the Philippines, Declaring the Regular Holidays and Special (Non-working) Days for the year 2024, accessed Oct. 13, 2023