Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos sa hurisdiksyon ng ICC nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Ang International Criminal Court ay walang hurisdiksyon upang imbestigahan ang mga pagpatay na may kaugnayan sa droga sa Pilipinas. Nanghihimasok ito sa mga panloob na usapin ng bansa at banta sa soberanya ng Pilipinas.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

May hurisdiksyon ang ICC sa mga krimen na naganap sa Pilipinas sa panahon ng pagiging miyembro nito mula Nob. 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019, batay sa Article 127, paragraph 2 ng Rome Statute, ang founding treaty ng ICC.

By VERA Files

Feb 22, 2023

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Kinuwestiyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan na nangyari sa pagpapatupad ng war on drugs ng administrasyong Duterte. Ito ay nangangailangan ng konteksto.

Si Marcos ang pinakabago at pinakamataas na opisyal ng gobyerno na kumukuwestiyon sa hurisdiksyon ng ICC upang imbestigahan ang mga pagpatay na may kaugnayan sa kampanya laban sa droga sa ilalim ng administrasyong Duterte, na nagsasabing gumagana ang sistema ng hustisya sa bansa at ito ay kumalas na sa tribunal na nakabase sa Netherlands.

(Basahin ang Disinformation about ICC echoes Duterte’s defense, targets prosecutors)

PAHAYAG

Sa panayam ng mga mamamahayag sa 2023 alumni homecoming ng Philippine Military Academy sa Baguio City noong Peb. 18, tinanong si Marcos tungkol sa kanyang plano sa napipintong imbestigasyon ng ICC sa mga pagpatay na may kaugnayan sa droga sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi niya:

“My position hasn’t changed and I have stated it often even before I took office as president that there are many questions about their jurisdiction and … what can be — what we in the Philippines regard as an intrusion into our internal matters and a threat to our sovereignty.”

(“Hindi nagbago ang posisyon ko at madalas kong sinasabi bago pa man ako maupo bilang pangulo na maraming katanungan tungkol sa kanilang hurisdiksyon at … ano ang maaaring maging — kung ano ang itinuturing natin sa Pilipinas bilang panghihimasok sa ating mga panloob na usapin at isang banta sa ating soberanya.”)

 

Pinagmulan: RTVMalacanang official YouTube channel, Press Conference (02/18/2023) (transcript), Peb. 18, 2023, panoorin mula 00:13 hanggang 00:42

Idinagdag ni Marcos na hindi siya maaaring makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC hangga’t hindi nasasagot ang kanyang mga katanungan sa hurisdiksyon at epekto nito sa soberanya ng bansa:

“So, no, I do not see what their jurisdiction is. I feel that we have in our police, in our judiciary, a good system. We do not need assistance from any outside entity. The Philippines is a sovereign nation and we are not colonies anymore of this former imperialist. So that is not something that we consider to be a legitimate judgment.”

(“Kaya, hindi, hindi ko nakikita kung ano ang kanilang jurisdiction. Pakiramdam ko, mayroon tayo sa ating pulis, sa ating judiciary, magandang sistema. Hindi namin kailangan ng tulong mula sa anumang panlabas na entity. Ang Pilipinas ay isang sovereign nation at hindi na tayo mga kolonya ng dating imperyalistang ito. Kaya hindi iyon isang bagay na itinuturing naming isang lehitimong paghatol.”)

 

Pinagmulan: panoorin mula 00:42 hanggang 1:33

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos maghain ng resolusyon si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngayon ay senior deputy speaker sa House of Representatives, at 18 iba pang mambabatas noong Peb. 15 na humihimok sa Kamara na ipagtanggol si Duterte mula sa imbestigasyon ng ICC.

(Tingnan ang AT A GLANCE: House resolution to support Duterte vs ICC probe – VERA Files)

Si Macapagal-Arroyo ay isang kaalyado sa pulitika ni Marcos, na tinutukoy niya bilang isang “lihim na sandata” sa pagtulong sa kanyang mga state visit at mga paglalakbay sa ibang bansa.

ANG KATOTOHANAN

Nananatili ang hurisdiksyon ng ICC sa mga krimen na naganap sa Pilipinas noong ito ay isang state party mula Nob. 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019. Ang isang bansang tulad ng Pilipinas na kumalas sa korte ay hindi nawawalan ng mga obligasyon sa mga insidente na naganap sa panahon ng pagiging miyembro nito, batay sa Article 127, paragraph 2 ng Rome Statute, ang founding treaty ng ICC.

Sa kanyang panunungkulan bilang mambabatas, isa si Marcos sa 17 senador na bumoto noong Agosto 23, 2011 para pagtibayin ang Rome Statute. Hindi siya nagtanong tungkol sa mga probisyon ng ICC sa mga pagdinig ng Senado o nagpahayag ng mga reserbasyon sa kanyang boto ng pagsang-ayon.

Ang Senado ay nagbigay ng pagsang-ayon nito, alinsunod sa 1987 Constitution, sa desisyon ng noo’y pangulong Benigno Simeon Aquino III na gawing state party ang Pilipinas sa korte na nakabase sa Netherlands.

Gayunpaman, ang kahalili ni Aquino, si Rodrigo Duterte, ay nag-utos ng pagkalas ng bansa noong Marso 2018, na nagkabisa pagkaraan ng isang taon. Ginawa ni Duterte ang desisyon isang buwan pagkatapos maglunsad ng paunang pagsusuri ang noo’y ICC prosecutor na si Fatou Bensouda sa mga umano’y pagpatay at iba pang krimen na ginawa sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Noong Agosto 2022, idineklara ni Marcos na hindi na muling sasali ang Pilipinas sa ICC sa ilalim ng kanyang administrasyon. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Marcos’ about-face on Philippines’ membership to the ICC)

BACKSTORY

Noong Enero 26, pinagbigyan ng ICC Pre-Trial Chamber I ang kahilingan ni Prosecutor Karim Khan na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan sa ilalim ng digmaan laban sa droga ng administrasyong Duterte mula Hulyo 1, 2016 hanggang Marso 16, 2019. Saklaw din ng imbestigasyon ang extrajudicial na mga pagpatay at iba pang kaugnay na krimen sa rehiyon ng Davao mula Nob. 1, 2011 hanggang Hunyo 30, 2016.

Pinayagan ng chamber ang pagpapatuloy ng pagsisiyasat, na nasuspinde noong Nobyembre 2021, sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas kay Khan na ipagpaliban ang mga lokal na imbestigasyon.

Noong Peb. 3, inabisuhan ng gobyerno ng Pilipinas ang ICC Appeals Chamber, isang hiwalay na sangay ng hudikatura mula sa Pre-Trial Chamber, na tutol ito sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ni Khan. Ang gobyerno ay may hanggang Marso 13 upang magsumite ng isang brief para patunayan ang notice of appeal nito.

(Tingnan ang l Philippine government seeks to block resumption of ICC drug war probe at ICC grants PH government’s request to extend deadline for filing of appeal brief)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang official YouTube channel, Press Conference (02/18/2023) (transcript), Feb. 18, 2023

Presidential Communications Office official website, Departure Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. for his Official Visit to Japan, Feb. 8, 2023

Senate of the Philippines official website, Senate Journal for Session No. 12, Aug. 23, 2011

Senate of the Philippines official website, 15th Congress – Senate Resolution No. 546 (pdf), Accessed Aug. 2, 2022

Senate of the Philippines official website, Press Release – PRIB: Senate approves ratification of Rome Statute on final reading, Aug. 23, 2011

United Nations official website, Philippines ratifies the Rome Statute of the International Criminal Court, Aug. 30, 2011

United Nations official website, Notice of withdrawal to the Rome Statute of the Philippines, March 17, 2018

International Criminal Court official website, Rome Statute, Accessed Feb. 20, 2023

International Criminal Court official website, Statement of the Prosecutor of the International Criminal Court, Fatou Bensouda, on opening Preliminary Examinations into the situations in the Philippines and in Venezuela, Feb. 8, 2018

International Criminal Court official website, Public Redacted Version of “Authorisation pursuant to article 18(2) of the Statute to resume the investigation”, Jan. 26, 2023

International Criminal Court official website, Philippine Government’s Notice of Appeal against the Pre-Trial Chamber I’s”Authorisation pursuant to article 18(2) of the Statute to resume the investigation”(ICC-01121-56) with Application for Suspensive Effect, Feb. 2, 2023

International Criminal Court official website, Philippine Government’s Application Extension of Time to File the Appeal Brief, Feb. 17, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.