Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mula sa ‘posible’ hanggang sa ‘marami,’ paninindigan ni Duterte sa drug war abuses nagbabago ng direksyon

WHAT WAS CLAIMED

May posibilidad na sa ilang insidente ng pulis, mga pag-aresto, maaaring magkaroon ng mga pang-aabuso sa drug war.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Sa pagpapatupad ng batas, gagawin … hindi lang mga pang-aabuso, minsan mga pagpatay, na hindi kailangan.

By VERA Files

Jun 1, 2023

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sumang-ayon si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kahalili na si Ferdinand Marcos Jr. na ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao ay nangyari sa kanyang digmaan laban sa iligal na droga.

Ang pag-amin ni Duterte ay isang pagbaligtad mula sa kanyang mga naunang pahayag na may “posibilidad” ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa digmaan sa droga habang binibigyang-katwiran ang pangangailangan ng paggamit ng karahasan sa pagsugpo sa problema ng droga ng Pilipinas.

PAHAYAG

Sa Mayo 9 episode ng programa ni Duterte na Gikan sa Masa, Para sa Masa na ipinalabas sa Sonshine Media Network International, nag-react siya sa komento ni Marcos sa pagpapatupad ng war on drugs:

“He was right. Tama siya na along the way ([Marcos] was right that), in the enforcement of the law, a rigid attitude towards the enforcement of the law, abuses will be committed. Ngayon sasabihin ko (I’ll say it now), I’ll go farther, not only abuses, sometimes killing[s] … unnecessarily.”

(“Tama siya. Tama siya na, sa pagpapatupad ng batas, ang hindi mababali na ugali sa pagpapatupad ng batas, ang mga pang-aabuso ay mangyayari. Ngayon sasabihin ko, dadagdagan ko pa, hindi lang mga pang-aabusi, minsan may mga pagpatay… hindi kailangan.”)

 

Pinagmulan: SMNI News, LIVE: ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ kasama si dating Pang. Rodrigo Roa Duterte, Mayo 9, 2023, panoorin mula 51:52 hanggang 52:20

Idinagdag niya:

“… collateral damage, marami ‘yan, but those were never intended, I am sure … Pero abuses, marami, kasi high-handed talaga ang enforcement, eh. (But there were a lot of abuses because enforcement was high-handed.)”

(“… collateral damage, marami ‘yan, pero ang mga iyan ay hindi sinadya, sigurado ako … Pero pang-aabuso, marami, kasi marahas talaga ang pagpapatupad, eh.”)

 

Pinagmulan: panoorin mula 52:46 hanggang 53:06

Apat na araw bago nito, sinabi ni Marcos sa isang talumpati sa Center for Strategic & International Studies sa kanyang unang working trip sa United States:

“Most of the discussion (sic) that are critical of the human rights situation of the Philippines derive from the policy that we undertook to fight the drug war. And perhaps we – and in my view, what had happened in the previous administration is that we focused very much on enforcement. And because of that, it could be said that there were abuses by certain elements in the government, and that has caused some concern with many – in many quarters about the human rights situation in the Philippines.”

(“Karamihan sa mga talakayan na kritikal sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas ay nagmumula sa patakarang ginawa natin para labanan ang drug war. At marahil tayo – at sa aking pananaw, ang nangyari sa nakaraang administrasyon ay nakatutok tayo nang husto sa pagpapatupad. At dahil diyan, masasabing may mga pang-aabuso ng ilang elemento sa gobyerno, at nagdulot iyon ng ilang pag-aalala sa marami – sa maraming bahagi tungkol sa kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas.”)

 

Pinagmulan: RVMalacañang, CSIS ASEAN Leadership Forum kasama with President Ferdinand R. Marcos Jr., Mayo 5, 2023, panoorin mula 24:26 hanggang 25:07

ANG KATOTOHANAN

Sa mga unang taon ng kanyang termino, nagbabala si Duterte na maaaring mangyari ang mga pang-aabuso at pagpatay ng mga pulis sa pagpapatupad ng kanyang war on drugs. Inamin niya ito sa isang panayam sa media noong 2017:

I cannot discount the possibility, sabi ko nga (like I said), in my reply that there is a possibility that in some of the police incidents, arrests, there could be abuses. I admit that.”

(“Hindi ko maitatanggi ang posibilidad, sabi ko nga, sa ‘king sagot na may posibilidad na sa ilang insidente na kasama ang mga pulis, mga pag-aresto, maaaring magkaroon ng pang-aabuso. Inaamin ko iyon.”)

 

Pinagmulan: MindaNews (mula sa PCOO desk), Media Interview with President Rodrigo Roa Duterte, Ago. 21, 2017

Sinabi rin ni Duterte sa isang panayam kay Rappler CEO Maria Ressa noong Disyembre 30, 2016, anim na buwan sa kanyang termino, na kailangan ang karahasan sa pagsugpo ng kanyang administrasyon sa ilegal na droga:

RESSA: This is why you were elected, right? People feel … You feel what they’re going through, right? But, violence, and you say this, violence is okay …

(“RESSA: Ito ang dahilan kung bakit ka nahalal, di ba? Pakiramdam ng mga tao … Nararamdaman mo ang kanilang pinagdadaanan, tama ba? Ngunit, karahasan, at sinabi mo ito, ang karahasan ay okay …)

 

DUTERTE: Violence is my strength.

(DUTERTE: Karahasan ang aking lakas.)

 

RESSA: Violence is your strength! But let me ask you, is violence, actually we talked about this a year ago, is violence necessary?

(RESSA: Karahasan ang lakas mo! Ngunit tanungin ko kayo, ang karahasan ba, talagang napag-usapan natin ito noong nakaraang taon, kailangan ba ng karahasan?)

 

DUTERTE: Yes, it is. Unfortunately, it is.

(DUTERTE: Oo nga. Sa kasamaang palad, ito iyon.)

 

RESSA: You use violence in language … Is it necessary to lead?

(RESSA: Gumagamit ka ng karahasan sa pananalita … Kailangan ba ito para mamuno?)

 

DUTERTE: There is a need because there is a war. And with that kind of problem (points to drug papers), in my hands now. I tell you, Maria, until I see the last pusher is out of the street, until the last drug lord is killed, this campaign will continue until the very last day of my term.”

(DUTERTE: Kailangan kasi may giyera. At sa ganyang klase ng problema (itinuro ang mga papeles kaugnay ng droga), nasa kamay ko na ngayon. Sinasabi ko sa iyo, Maria, hanggang sa makita ko ang huling pusher sa labas ng kalye, hanggang sa mapatay ang huling drug lord, ang kampanyang ito ay magpapatuloy hanggang sa huling araw ng aking termino.”)

 

 

Pinagmulan: Rappler, Duterte: The Wartime President, Dis. 30, 2016, panoorin mula 16:18 hanggang 17:06

Sa kampanya para sa 2016 presidential elections, nangako si Duterte na aalisin sa Pilipinas ang iligal na droga sa loob ng anim na buwan. Ang pangakong ito ay nagbago-bago sa kabuuan ng kanyang termino. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: ‘Walang-katapusang’ laban ni Duterte sa droga at korapsyon sa sarili niyang pananalita)

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

SMNI News, LIVE: ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ kasama si dating Pang. Rodrigo Roa Duterte, May 9, 2023

RTVMalacañang, CSIS ASEAN Leadership Forum with President Ferdinand R. Marcos Jr., May 5, 2023

MindaNews (from PCOO desk), Media Interview with President Rodrigo Roa Duterte, Aug. 21, 2017

Rappler, Duterte: The Wartime President, Dec. 30, 2016

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.