Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Remulla na walang miyembro ang ICC sa ASEAN hindi totoo

WHAT WAS CLAIMED

Walang miyembro ng International Criminal Court mula sa Association of Southeast Asian Nations.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Ang Cambodia, isang miyembro ng ASEAN mula noong 1999, ay sumapi sa ICC noong Abril 2002.
Ang Timor-Leste, bagama’t hindi pa ganap na miyembro ng ASEAN matapos mabigyan ng observer status noong Nobyembre 2022, ay sumang-ayon sa Rome Statute, ang founding treaty ng ICC, at naging miyembro ng international tribunal noong Setyembre 2002.

By VERA Files

Jan 30, 2023

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Hindi totoo ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na walang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na miyembro ng International Criminal Court (ICC).

PAHAYAG

Sa isang press conference noong Enero 27 tungkol sa desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber I na ipagpatuloy ang imbestigasyon nito sa mga pagpatay na may kaugnayan sa war on drugs ng administrasyong Duterte, tinanong si Remulla kung tinatalakay ng administrasyong Marcos ang posibilidad na muling sumali ang Pilipinas sa tribunal na nakabase sa The Netherlands.

Sinabi niya:

“Walang discussion tungkol sa planong iyan… wala, dahil sa ASEAN, sa palagay ko … napagtanto lang namin na walang ibang lumagda sa ICC sa ASEAN.”

 

Pinagmulan: ANC official YouTube channel, LOOK: DOJ holds press conference as ICC allows resumption of PH drug war probe | ANC, Enero 27, 2023, panoorin mula 14:34 hanggang 14:45

Inulit ni Remulla ang maling pahayag sa isang hiwalay na panayam sa The Mangahas Interviews ng GMA-7 noong Enero 28.

ANG KATOTOHANAN

Taliwas sa pahayag ni Remulla, ang Cambodia at Timor-Leste ay mga signatory sa tribunal na nakabase sa The Netherlands.

Ang Cambodia, isang miyembro ng ASEAN mula noong 1999, ay sumapi sa ICC noong Abril 2002.

Ang Timor-Leste, bagama’t hindi pa ganap na miyembro ng ASEAN matapos mabigyan ng observer status noong Nobyembre 2022, ay sumang-ayon sa Rome Statute, ang founding treaty ng ICC, at naging miyembro ng international tribunal noong Setyembre 2002.

Ang Pilipinas ay miyembro ng ICC mula Nob. 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019. Mag isang nagdesisyon si dating pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pagkalas ng bansa sa ICC noong Marso 2018, na nagkabisa pagkaraan ng isang taon. Ang utos ni Duterte ay nangyari isang buwan matapos maglunsad si dating ICC prosecutor Fatou Bensouda ng paunang pagsusuri sa mga umano’y pagpatay at iba pang krimen na may kaugnayan sa kampanya ng kanyang administrasyon laban sa ilegal na droga.

Noong Agosto 2022, idineklara ng kapalit ni Duterte, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi na muling sasali ang Pilipinas sa ICC. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Marcos’ about-face on Philippines’ membership to the ICC)

BACKSTORY

Noong Enero 26, pinagbigyan ng ICC Pre-Trial Chamber ang kahilingan ng prosecutor ng korte, si Karim Khan, na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa mga sinasabing krimen laban sa sangkatauhan, tulad ng pagpatay at sapilitang pagkawala, na naganap sa giyera laban sa droga ng administrasyong Duterte mula Hulyo 1 , 2016 hanggang Marso 16, 2019.

(Tingnan ang Ang ICC at ang Pinoy (Bahagi 1) at Ang ICC at ang Pinoy (Bahagi 2))

Saklaw din ng imbestigasyon ang mga pagpatay sa Davao region na pangunahing ginawa ng mga vigilante group tulad ng tinatawag na “Davao Death Squad” mula Nobyembre 2011 hanggang Hunyo 2016. Si Duterte ay nagsilbi bilang alkalde ng Davao City mula 1988 hanggang 1998, at 2001 hanggang 2010 at 2013 hanggang 2016.

Nagsimula ang imbestigasyon noong Setyembre 2021 ngunit pansamantalang nasuspinde pagkalipas ng dalawang buwan sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas kay Khan na ipagpaliban ang mga local procedure.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

ANC official YouTube channel, LOOK: DOJ holds press conference as ICC allows resumption of PH drug war probe | ANC, Jan. 27, 2023

International Criminal Court official website, ICC Pre-Trial Chamber I authorises Prosecutor to resume investigation in the Philippines, Jan. 26, 2023

International Criminal Court official website, Statement of the Prosecutor of the International Criminal Court, Fatou Bensouda, on opening Preliminary Examinations into the situations in the Philippines and in Venezuela, Feb. 8, 2018

Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) official website, ASEAN member states, Accessed Jan. 30, 2023

International Criminal Court official website, Asia-Pacific States, Accessed Jan. 30, 2023

Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) official website, ASEAN Leaders’ Statement on the Application of Timor-Leste for ASEAN Membership, Nov. 11, 2023

Davao City government official website, Mayor’s Gallery – City Government of Davao, Accessed Jan. 30, 2023

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.