Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: ‘Walang-katapusang’ laban ni Duterte sa droga at korapsyon sa sarili niyang pananalita

Anim na taon matapos magdeklara ng giyera laban sa droga, walang nakikitang katapusan sa problema si Pangulong Rodrigo Duterte.

By VERA Files

Jun 24, 2022

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

(Una sa dalawang bahaging ulat) Sa kasagsagan ng kampanyang pampanguluhan noong 2016, sinabi ng noo’y Davao City mayor Rodrigo Duterte na ang tanging dahilan ng kanyang pagtakbo laban sa mga malalaking pangalan sa pulitika ng Pilipinas ay para sugpuin ang ilegal na droga at korapsyon sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Hindi nagbago ang kanyang posisyon, at inulit-ulit ito sa mga debate, talumpati sa kampanya, at, syempre, sa kanyang inaugural address noong Hunyo 30, 2016. Sa pag-upo bilang pangulo, dalawang giyera ang inilunsad ni Duterte — laban sa ilegal na droga at korapsyon sa burukrasya — at ang kanyang sariling deadline ay lumampas.

Pagkaraan ng anim na taon, ilang araw bago bumaba si Duterte sa posisyon sa Hunyo 30, ating balikan kung paano sumulong at umurong ang dalawang kampanya laban sa droga at korapsyon ng kanyang administrasyon, gamit ang kanyang sariling pananalita:

 

Sa ilegal na droga

 

 

Noong Setyembre 2021, ang ICC ay naglunsad ng isang malawakang imbestigasyon sa mga alegasyon ng mga krimen laban sa sangkatauhan na nangyari sa Pilipinas kaugnay ng kampanya laban sa droga mula noong Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019, nang ang bansa ay state party pa rin ng Rome Statute. (Tingnan ang ICC authorizes full-blown probe into Duterte’s drug war)

Gayunpaman, sinuspinde ng ICC ang imbestigasyon sa giyera laban sa droga ng bansa noong Nobyembre 2021, matapos hilingin ng pamahalaan sa isang anim na pahinang sulat na ipagpaliban ang pagsisiyasat sa mga “mamamayan at iba pang nasa hurisdiksyon nito.” (Tingnan ang ICC prosecutor: Gov’t request to defer drug war probe must be backed with ‘substantial’ evidence)

Sa isang public address noong Hunyo 6, hinimok ni Duterte ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na “panatiliin ang momentum laban sa problema ng droga” kahit pagkatapos niya bumaba sa posisyon.

Tala ng editor: Ang bahagi ng istoryang ito ay na edit unang itama ang mga petsa na saklaw ng imbestigasyon ng ICC.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

GMA News Youtube Channel, REPLAY: PiliPinas Debates 2016 (commercial-free), Pebrero 23, 2016

CNN Philippines Official Facebook, President Duterte on war on drugs: I saw the extent of drug problem in the country, Disyembre 29, 2016

RTVMalacañang, The Inaugural of Rodrigo Roa Duterte, 16th President of the Philippines, Hunyo 30, 2016

RTVMalacañang, 2016 State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte 7/25/2016, Hulyo 25, 2016

RTVMalacañang, 67th Founding Anniversary of the First Scout Ranger Regiment (FSRR) (Speech) 11/24/2017, Nobyembre 24, 2017

RTVMalacañang, Mass Oath Taking of Presidential Appointees (Speech), Disyembre 6, 2017

RTVMalacañang, Go Negosyo: “Pilipinas Angat Lahat” Launch (Speech), Agosto 14, 2018

RTVMalacañang, PDP – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Malabon City Campaign Rally (Speech) 4/2/2019, Abril 2, 2019

Real Numbers PH (PDEA), Year 5, Hulyo 28, 2021

Source: RTVMalacanang, Oath-Taking of the Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups (Speech), Hunyo 25, 2021

International Criminal Court, Situation in the Philippines: ICC Pre-Trial Chamber I authorises the opening of an investigation, Setyembre 15, 2021

RTVMalacanang, Part 1: President Rodrigo Roa Duterte’s Talk to the People, Hunyo 6, 2022

ABS-CBN News, Duterte urges police, military to continue war vs drugs, Hunyo 6, 2022

Inquirer.net, Duterte tells PNP to keep momentum vs illegal drugs beyond his admin, Hunyo 6, 2022

Philstar.com, Duterte urges PNP to maintain momentum vs drugs, Hunyo 8, 2022

International Criminal Court, Republic of the Philippines, Na-access noong Hunyo 27, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.