Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Jay Sonza nanliligaw sa pagsabi na kokopyahin ni Trump ang giyera ni Duterte laban sa droga

Ang dating mamamahayag ng broadcast na si Jay Sonza, na dati nang nagkakalat ng maling impormasyon online, ay nagbitaw ng maling pahayag na “nais kopyahin” ni United States President Donald Trump ang giyera laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

By VERA Files

Nov 22, 2019

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang dating mamamahayag ng broadcast na si Jay Sonza, na dati nang nagkakalat ng maling impormasyon online, ay nagbitaw ng maling pahayag na “nais kopyahin” ni United States President Donald Trump ang giyera laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang post ni Sonza ay umikot sa web tatlong araw pagkatapos sabihin ni Vice President Leni Robredo, co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD), na makikipagpulong siya sa mga opisyal ng U.S. at United Nations upang pag-usapan ang tungkol sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga. Nauna nang natukoy din ng VERA Files ang maling pag-ugnay ni Sonza sa administrasyong Duterte ng proyektong integrated terminal for public utility vehicles.

PAHAYAG

Sa isang post noong Nob. 12 sa Facebook (FB), sinabi ni Sonza na balak ni Trump na muling buhayin ang kampanya ni Duterte laban sa iligal na droga matapos na pagbabarilin ang isang pamilyang mamamayan ng US-Mexico dahil sa sindikato umano ng droga sa Mexico.

Sinulat niya:

Pres. Donald Trump wants to replicate DU30’s War On Drugs in the USA after massacre of Americans by a Drug Cartel

(Nais ni Pres. Donald Trump na kopyahin ang War On Drugs ni DU30 sa USA pagkatapos ng masaker ng mga Amerikano ng isang Drug Carte).”

Pinagmulan: Sonza, J., “Pres. Donald Trump wants to replicate,” Nob. 12, 2019

Siyam na miyembro ng pamilyang LeBaron na nakatira sa isang komunidad ng American Mormon sa Mexico ang namatay sa isang ambush na umano’y ginawa ng isang buktot na drug cartel. Napatay ang tatlong kababaihan at anim na menor de edad.

ANG KATOTOHANAN

Hindi totoo ang post ni Sonza. Hindi kailanman binanggit ni Trump ang drug war ni Duterte sa kanyang pahayag.

Ang U.S. president, sa kanyang opisyal na Twitter account, ay nanawagan lamang sa kay Mexico President Andrés Manuel López Obrador na hayaang tumulong ang U.S. sa Mexico na labanan ang mga drug cartel para “mawala na sila sa ibabaw ng mundo”:

@realDonaldTrump: This is the time for Mexico, with the help of the United States, to wage WAR on the drug cartels and wipe them off the face of the earth. We merely await a call from your great new president

(@realDonaldTrump: Ito ang oras para sa Mexico, sa tulong ng United States, na magsagawa ng GIYERA sa mga drug cartel at mawala na ang mga ito sa ibabaw ng mundo. Naghihintay lang kami ng isang tawag mula sa inyong dakilang bagong pangulo)!

Pinagmulan: @realDonaldTrump, “This is the time for Mexico,” Nob. 5, 2019

Ang kampanyang anti-illicit drugs ng administrayong Trump, tulad ng ipinahayag sa National Drug Control Strategy na inilabas ng U.S. Office of National Drug Control Policy noong Enero, ay nakatuon sa tatlong tiyak na pagsisikap ng pagbabawas: pagbabawas ng bilang ng mga gumagamit ng droga sa pamamagitan ng “edukasyon at evidence-based na mga programa ng pag-iwas; pagbabawas ng “hadlang” sa mga serbisyo sa paggamot sa mga indibidwal na may “substance use disorder“; at pagbabawas ng pagkakaroon ng iligal na droga sa U.S. sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas at patuloy na pakikipagtulungan sa mga internasyonal na organisasyon.

Tinanggihan na ni Obrador ang alok ni Trump, na nagsabing ang “digmaan ay hindi makatuwiran” at “hindi isang option.”

Ang nakaliligaw na FB post ni Sonza ay nagkaroon ng 2,200 mga reaksyon mula sa mga FB netizen, at naibahagi nang mahigit 300 beses. Maaari itong nakaabot sa halos 125,000 mga gumagamit ng social media. Ang mga nangungunang bumubuo ng trapiko nito ay ang mga pahina ng FB na Bayan Ko Ph at Bayan Bangon at Alamin.

BACKSTORY

Noong Abril 2017, isang tawag sa telepono sa pagitan nina Trump at Duterte ang naging balita matapos na pinuri ng Pangulo ng Amerika ang hakbang ni Duterte na makipagdigma laban sa mga iligal na droga sa Pilipinas. Ang isang transcript ng kanilang pag-uusap ay nagpapakita kay Trump na “binabati” si Duterte sa isang “mahusay na trabaho” sa problema sa droga.

Gayunpaman, hindi kailanman sinabi ni Trump na hihiramin niya ang paraan ng pangulo ng Pilipinas at gagamitin ito ng U.S. sa sariling problema sa iligal na droga.

Sa halip, si Sri Lankan President Maithripala Sirisena ang partikular na nagpahayag ng kanyang paghanga sa madugong digmaan laban sa droga ni Duterte. Noong nakaraang taon, inihayag ni Sirisena sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Rajitha Senaratne na sisimulan ng Sri Lanka ang pagbibigti na mga nagkasala bunga ng droga, bilang isang paraan ng “pag-uulit ng tagumpay” ng digmaan laban sa droga sa Pilipinas.

Inilunsad din ng Bangladesh noong 2018 ang sariling digmaan laban sa mga iligal na droga, na tinagurian ng media bilang “Philippines-style.” Dahil sa crackdown ng gobyerno, nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga napatay na pinaghihinalaang drug offender sa operasyon ng pulisya. Ang karaniwang salaysay sa likod ng mga pagpatay: ang mga suspek ay lumaban umano sa pag-aresto, na nagresulta sa isang “pakikipaglabanan” sa mga awtoridad.

Pinalakas din ng Indonesia ang sariling kampanya, na gumagamit ng tinatawag na mga ulat na “istilong Duterte.”

Habang ang mga awtoridad ng Bangladesh at Indonesia ay hindi kinikilala ang patakaran ni Duterte bilang inspirasyon para sa kanilang mga aksyon, ang kani-kanilang mga inisyatibo laban sa droga ay may mga pagkakapareho sa Pilipinas.

Ang “digmaan laban sa droga,” na idineklara ni Duterte nang umupo sa puwesto noong 2016, ay nagsimula 48 taon na ang nakalilipas noong 1971, nang idineklara ni Pangulong Richard Nixon drug abuse bilang “public enemy number one.”

 

Mga Pinagmulan

Sonza, J., “Pres. Donald Trump wants to replicate,” Nov. 12, 2019

Donald Trump Official Twitter Account, “This is the time for Mexico,” Nov. 5, 2019

Office of National Drug Control Policy, National Drug Control Strategy, January 2019

White House, Office of National Drug Control Policy, n.d.

The Guardian, Mexico: up to nine members of US Mormon family killed in ambush, Nov. 5, 2019

New York Post, Trump ready to help Mexico ‘wage war’ on drug cartels after US citizens are killed in crossfire, Nov. 5, 2019

Voice of America, Mexico’s President Dismisses Trump’s Suggestion About Waging War on Drug Cartels, Nov. 6, 2019

The Washington Post, Transcript of call between President Trump and Philippine President Duterte, May 2, 2017

Time, Sri Lanka Will Start Hanging Its Drug Dealers to ‘Replicate the Success of Philippines,’ July 12, 2018

The Guardian, Sri Lanka to begin hanging drug dealers to ‘replicate success of Philippines,’ July 11, 2018

Rappler, Sri Lanka to hang drug criminals, replicate Philippines ‘success,’ July 11, 2018

Time, Hundreds Killed in Bangladesh Since Philippines-Style Drug Crackdown Began, Rights Groups Say, July 17, 2018

Time, Indonesia’s Drug Czar is Threatening a Duterte-Style War on Drug Dealers, Oct. 20, 2017

Voice of America, Indonesia Borrows Philippines Rhetoric to Revamp Drug War, Aug. 11, 2017

Vice, The Body Count In Indonesia’s Increasingly Brutal Drug War Keeps On Rising, Nov. 23, 2017

The Straits Times, More than 100 dead as Bangladesh drug war escalates, May 29, 2018

Reuters, Arrested and killed: inside the Bangladesh prime minister’s war on drugs, Aug. 13, 2018

History, War on Drugs, May 31, 2017

Encyclopedia Britannica, War on Drugs, n.d.

The Guardian, Nixon’s ‘war on drugs’ began 40 years ago, and the battle is still raging, July 24, 2011

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.