Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Kaya bang puksain ng tabos ng kamote ang ‘cancer’?

Ang isang online post na nagsasabing ang katas mula sa "talbos ng kamote" o mga dahon ng kamote ay maaaring "pumatay ng cancer" ay kumakalat nang husto sa Facebook (FB) sa nakaraang tatlong buwan.

By VERA Files

Nov 7, 2019

9-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang isang online post na nagsasabing ang katas mula sa “talbos ng kamote” o mga dahon ng kamote ay maaaring “pumatay ng cancer” ay kumakalat nang husto sa Facebook (FB) sa nakaraang tatlong buwan.

Binusisi ng VERA Files Fact Check ito at pito pang ibang mga pahayag sa post, at nakitang kalahati lamang ang totoo. Ang iba ay alinman sa nakaliligaw, mali, o walang basehan.

PAHAYAG

Noong Hulyo 31, naglathala sa Facebook (FB) ang FB page Philippine Health Tips, na nagpo-post halos araw-araw ng mga gamot na herbal at mga benepisyo sa kalusugan ng iba’t ibang mga halaman, ng isang post na may pamagat na:

“TALBOS NG KAMOTE (Sweet potato leaves) KILLS CANCER

Sweet Potato Leaves Kill 94% of Prostate Cancer Cells in Vitro.

Binabanggit ang ilang mga hindi kinilalang mga pag-aaral na sinasabing sumubok sa mga epekto ng mga dahon ng kamote at katas nito sa mga tao at mga daga, sinabi ng page ang mga sumusunod:

  • ang katas ay nagpapabagal sa paglaki ng mga prostate cancer tumor sa mga daga ng 75%;
  • ang dahon ng kamote ay “aktibo laban sa” leukemia, pati na rin sa kanser sa suso, baga, colon, at tiyan;
  • ang pagkain ng hindi bababa sa 100 gramo bawat linggo ng talbos ay “nakababawas sa panganib ng kanser sa baga ng hanggang 57%”;
  • ang dahon ng halaman ay “nagtataas ng proteksyon sa sakit” sa mga tao at nagpapababa ng blood sugar sa mga daga na may Type II diabetes;
  • ang talbos ng kamote ay “isang mahusay na mapagkukunan” ng mga antioxidant na tinatawag na polyphenols, at anticancer peptides;
  • nagbibigay ito ng “400% alkalizing (sic) power ng purong lemon juice“; at
  • ang mga talbos ay nakabawas nang husto ng pagod sa mga daga, nakadagdag sa kapasidad sa pag ehersisyo, at pinalakas ang mga antas ng glycogen ng kalamnan.

Sa ngayon, ang post ay naibahagi nang higit sa 84,000 beses.

ANG KATOTOHANAN

Tanging mga pahayag tungkol sa epekto ng talbos ng kamote at ng katas sa mga daga ang totoo, pati na rin ang pahayag tungkol sa halaman na naglalaman ng mga antioxidant.

Ang dalawang pahayag na ang halaman ay puwedeng panlaban sa mga partikular na kanser sa tao ay tagilid, habang ang mga pahayag ng Philippine Health Tips tungkol sa mga kakayahan nito na pumipigil sa kanser sa baga ay may mga kamalian. Ang pahayag sa “alkalizing (sic) power,” sa kabilang banda, ay walang basehan.

Sa labis na nakakalason sa prostate cancer cells, pumapatay ng 94% sa vitro

Ang pangunahing pahayag ng Philippine Health Tips ay nakaliligaw. Hindi tinukoy ng FB page kung saang pag-aaral ito nagmula, ngunit lumalabas na ito ay sumangguni sa isang pananaliksik noong 2011 mula sa Oxford Journals sa Carcinogenesis. Hindi sinabi ng pag-aaral na ang katas ay “labis na nakakalason” sa prostate cancer cells, ngunit napag-alaman na mayroon itong makabuluhang “antiproliferative” na epekto sa mga prostate cancer cells — nangangahulugan na pinipigilan nito ang cancerous cells sa pagpaparami — habang hindi nagiging sanhi ng anumang “mapapansin na toxicity” sa normal na prostate cells. Nakapagpapa-“apoptosis” din ito o pagsira ng sariling cell sa prostate cancer cells ng tao.

Ang pagsasaliksik ay ginawa sa prostate cancer cells sa vitro, o sa isang artipisyal na setting tulad ng mga test tube o petri dishes, at sa vivo, o sa loob ng katawan ng buhay na organismo. Hindi sinabi ng pag-aaral na 94 porsyento ng mga cancerous cells ang namatay sa vitro. Ang napansin nito ay ang pag-inom ng katas ay “napigilan ang paglaki at pag-unlad” ng prostate tumors ng mga 69 porsyento sa mga daga sa lab.

Sa pagiging “aktibo” laban sa cancer sa suso, baga, colon at tiyan at leukemia

Habang natagpuan ng maraming pag-aaral na ang talbos ng kamote at katas nito ay maaaring labanan ang kanser sa colon at tiyan at leukemia, at makakatulong na maiwasan ang kanser sa baga, ang bisa ng mga dahon laban sa mga selula ng kanser sa suso ay hindi pa napapatunayan. Gayunpaman, may mga nalathalang pag-aaral na hindi sa mga dahon ngunit sa mga aktibidad ng halaman laban sa breast cancer, tulad ng isang pananaliksik noong 2015 sa Taiwan, at isang pag-aaral noong 2017 at 2019 sa China.

Sa 57% pagbawas sa panganib ng kanser sa baga sa pamamagitan ng pagkain ng 100g ng talbos ng kamote lingguhan

Ang isang pananaliksik na ginawa sa Taiwan hinggil sa bagay na ito ay hindi partikular na binanggit ang 57 porsyento na pagbaba sa panganib ng kanser sa baga dahil sa pagkain ng talbos ng kamote. Sa halip, itinuro ng mga resulta nito ang nalalaman ng karamihan ng mga tao: na ang pagkain ng mas maraming mga gulay, chrysanthemum, at talbos ng kamote — na mayaman sa bitamina A — ay binabawasan ang mga posibilidad na magkaroon ang isang indibidwal ng kanser sa baga.

Sa pagkakaroon ng 400% na alkalizing power ng purong lemon juice

Ang pahayag na ito ay walang ebidensya. Walang partikular na pag-aaral ang nagpapakita na talbos ng kamote o katas nito ay mayroong 400 porsiyento na higit na alkaline kaysa sa lemon juice.

Sa pagpapalakas ng immune system ng mga tao at pagbaba ng blood sugar sa mga daga na may diabetes

Isang 2005 na pag-aaral sa Taiwan sa epekto ng lilang talbos ng kamote ay nagpapakita na makakatulong ito sa pag-aayos ng mga immune function ng isang tao, na nagpapatunay sa naunang pahayag, habang ang isang eksperimento noong 2014 sa Japan kung paano pinapahina ng katas ng talbos ng kamote ang hyperglycemia o mataas na blood sugar sa daga, na nagpapakita ng antidiabetic na potensyal ng talbos ng kamore, na pinatunayan ng huli.

Sa pagiging isang mapagkukunan ng polyphenols at anticancer peptides

Maraming mga pag-aaral na binanggit sa istoryang ito ang nagpapatunay na ang talbos ng kamote ay naglalaman ng polyphenols at anticancer peptides, partikular ang 2007 na pag-aaral na nakatuklas na ang pagkalat ng mga selula ng kanser sa colon, tiyan, at leukemia ay maaaring mapigilan ng isang sangkap na matatagpuan sa polyphenols ng talbos ng kamote.

Sa katas ng kamote na nagpapabagal sa paglaki ng mga prostate tumor sa mga daga ng 75%

Isang pag-aaral noong 2013 ng parehong mga mananaliksik ng 2011 in vivo at in vitro research na nabanggit sa itaas ang nakakita na ang pag-inom ng isang bahaging mayaman sa polyphenol na mula na katas ng talbos ng kamote ang maaaring makahadlang sa paglaki ng prostate tumor sa mga daga ng humigit-kumulang sa 75 porsyento.

Sa pagtanggal ng pagod, pagtaas ng kapasidad na mag ehersisyo at glucose sa kalamnan sa mga daga

Ang pahayag ay tungkol sa isang pananaliksik noong 2013 na inilathala sa Indian Journal of Biochemistry & Biophysics. Tiningnan nito ang mga epekto laban sa pagkapagod ng mga flavonoid na nakukuha sa talbos ng kamote. Ang flavonoids ay mga phytochemical na naiulat na mayroong “antiviral, anti-allergy, anti-platelet, anti-inflammatory, antitumor, at antioxidant na mga aktibidad.”

Ang male Kunming mice, na tumanggap ng mga flavonoid mula sa talbos ng kamote sa panahon ng eksperimento, ay nakalangoy ng mas matagal at nagkaroon ng mas mataas na glucose content sa kalamnan o nakapag-imbak ng enerhiya pagkatapos maisagawa ang ehersisyo.

 

Mga Pinagmulan

Karna, P., Gundala, S. R., Gupta, M. V., Shamsi, S. A., Pace, R. D., Yates, C., Narayan, S., & Aneja, R. (2011). Polyphenol-rich sweet potato greens extract inhibits proliferation and induces apoptosis in prostate cancer cells in vitro and in vivo. Oxford Journals on Carcinogenesis, 32(12), 1872–1880.

Kurata, R., Adachi, M., Yamakawa, O., & Yoshimoto, M. (2007). Growth Suppression of Human Cancer Cells by Polyphenolicsfrom Sweetpotato (Ipomoea batatasL.) Leaves. Journal of Agricultural and Food Chemistry, 55,185−190.

Jin, Y.R., Lee, M.S., Lee, J.H., Hsu, H.K., Lu, J.Y., Chao, S.S., Chen, K.T., Liou, S.H., & Ger, L.P. (2007). Intake of vitamin A-rich foods and lung cancer risk in Taiwan: with special reference to garland chrysanthemum and sweet potato leaf consumption. Asia Pacific Journal of Clinical Nutrition, 16(3), 477-488.

Sugata, M., Lin, C.Y., & Shih, Y.C. (2015). Anti-Inflammatory and Anticancer Activities of Taiwanese Purple-Fleshed Sweet Potatoes (Ipomoea batatas L. Lam) Extracts. BioMed Research International. Retrieved from https://www.hindawi.com/journals/bmri/2015/768093/

Li, Z., Yu, Y., Wang, M., Xu, H., Han, B., Jiang, P., Ma, H., Li, Y., Tian, C., Zhou, D., Li, X., & Ye, X. (2017). Anti-breast Cancer Activity of SPG-56 from Sweet Potato in MCF-7 Bearing Mice in Situ through Promoting Apoptosis and Inhibiting Metastasis. Scientific Reports, 9, 146(2019) doi:10.1038/s41598-018-29099-x

Jiang, P., Han, B., Jiang, L., Li, Y., Yu, Y., Xu, H., Li, Z., Zhou, D., Jia, X., Li, X., & Ye, X. (2019). Simultaneous separation and quantitation of three phytosterols from the sweet potato, and determination of their anti-breast cancer activity. Journal of Pharmaceutical and Biomedical Analysis, 174, 718-727.

Chen, C.M., Li, S.C., Lin, Y.L., Hsu, C.Y., Shieh, M.J., & Liu, J.F. (2005). Consumption of purple sweet potato leaves modulates human immune response: T-lymphocyte functions, lytic activity of natural killer cell and antibody production. World Journal of Gastroenterology, 11(37), 5777–5781.

Nagamine, R., Ueno, S., Tsubata, M., Yamaguchi, K., Takagaki, K., Hira, T., Hara, H., & Tsuda, T. (2014). Dietary sweet potato (Ipomoea batatas L.) leaf extract attenuates hyperglycaemia by enhancing the secretion of glucagon-like peptide-1 (GLP-1). Royal Society of Chemistry Food and

Function Journal. Retrieved from https://pubs.rsc.org/en/content/articlelanding/2014/FO/C4FO00032C#!divAbstract

Gundala, S.R., Yang, C., Lakshminarayana, N., Asif, G., Gupta, M.V., Shamsi, S., & Aneja, R. (2013). Polar biophenolics in sweet potato greens extract synergize to inhibit prostate cancer cell proliferation and in vivo tumor growth. Oxford Journals on Carcinogenesis, 34(9), 2039-2049.

Li, C., & Zhang, L. (2013). In vivo Anti-fatigue activity of total flavonoids from sweet potato [Ipomoea batatas (L.) Lam.] leaf in mice. Indian Journal of Biochemistry & Biophysics, 50, 326-329.

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.