Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Kontra sa death penalty, Sen. Gordon ginamit ang pinawalang bisang batas sa pagbibigay ng babala sa ‘ninja cops’

Binalaan ni Sen. Richard Gordon ang "ninja cops" — mga opisyal ng pulisya na sinasabing sangkot sa iligal na droga — na nahaharap sila sa sentensyang kamatayan, na hindi na umiiral sa bansa.

By VERA Files

Oct 23, 2019

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Binalaan ni Sen. Richard Gordon ang “ninja cops” — mga opisyal ng pulisya na sinasabing sangkot sa iligal na droga — na nahaharap sila sa sentensyang kamatayan, na hindi na umiiral sa bansa.

PAHAYAG

Sa isang pakikipanayam sa media noong Okt. 21, si Gordon, na pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsisiyasat sa “ninja cops,” ay nagsabing:

That’s why I tell them (“ninja cops”), ‘Get a good lawyer because that’s capital punishment.’ When you plant evidence, when you sell the evidence — drugs — that’s capital punishment

(Kaya sinabi ko sa kanila (“ninja cops“), ‘Kumuha ng mahusay na abogado dahil iyan ay capital punishment.’ Kapag nagtatanim ka ng ebidensya, kung nagbebenta ka ng ebidensya — droga — iyan ay (may) parusang kamatayan).”

Pinagmulan: ANC 24/7, PH Senator: Justice Department, Ombudsman should file charges vs. Albayalde, ‘Ninja cops’, Okt. 21, 2019, panoorin mula 14:22 hanggang 14:34

Inulit niya ito sa kanyang opisyal na Twitter account:

Pinagmulan: Richard Gordon official Twitter account, Planting evidence…, Okt. 21, 2019

ANG KATOTOHANAN

Ang Republic Act (RA) 7659 o Death Penalty Law ay napawalang-bisa noong 2006.

Naipatupad noong 1993 upang matugunan ang “nakababahalang pagdami ng [karumaldumal] na mga krimen,” ang parusang kamatayan ay ipinagbawal ng RA 9346 at napababa sa alinman sa reclusion perpetua — 20 taon at isang araw hanggang 40 taong pagkabilanggo — o pagkabilanggo ng habangbuhay. (Tingnan How we kill: Notes on the death penalty in the Philippines)

Sa ilalim ng pinawalang-bisang Death Penalty Law, ang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot at “pagtatanim” ng ebidensya o ng anumang “mapanganib na droga” ng mga opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga pulis, ay maaaring maparusahan ng kamatayan.

Sa pagsunod sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa, maraming mambabatas sa Kongreso ang nagsampa ng mga panukalang death penalty. Hindi bababa sa pitong panukalang batas sa Senado at 10 sa House of Representatives ang tumutukoy sa mga pagkakasalang may kinalaman sa droga.

Si Gordon, na magsasagawa ng pagdinig para sa nasabing mga hakbang bilang tagapangulo ng Senate Justice and Human Rights Committee, ay kontra sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan, na nagsabing hindi siya “naniniwala sa bisa” nito na maiwasan ang krimen at paggamit ng droga sa bansa. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Then and now: How these lawmakers stand on the death penalty)

Isang high profile na insidente ng “ninja cops” ang nangyari sa Mexico, Pampanga, noong 2013 na kinasasangkutan ng 13 tiwaling opisyal ng kapulisan na sinasabing nag-recycle ng 160 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu. Nadawit sa insidente ang nagbitiw na police chief Oscar Albayalde na provincial director ng Pampanga noong panahon na iyon.

 

Mga Pinagmulan

ANC 24/7, PH Senator: Justice Department, Ombudsman should file charges vs. Albayalde, ‘Ninja cops’, Oct. 21, 2019

Richard Gordon official Twitter account, Planting evidence…, Oct. 21, 2019

Official Gazette, Republic Act 7659, Dec. 13, 1993

Official Gazette, Republic Act 9346, June 24, 2006

Presidential Communications Operations Office, State of the Nation Address (SONA) 2019 (Speech), July 22, 2019

Senate.gov.ph, Bills – 18th Congress

Congress.gov.ph, House Bills and Resolutions – 18th Congress

GMA News Online, Gordon not keen on sponsoring refiled death penalty bills in the Senate, July 7, 2019

Manila Bulletin, Gordon argues against efficacy of death penalty in combatting illegal drug trade, July 7, 2019

Abante TNT, Death penalty bill ayaw dipensahan ni Gordon, n.d.

ABS-CBN News, Albayalde tagged in Pampanga ‘ninja cops’ complaint, Oct. 21, 2019

CNN Philippines, Albayalde now included in PNP’s criminal complaint on ‘ninja cops’, Oct. 21, 2019

Rappler.com, Senate panels recommend criminal charges vs Albayalde, ‘ninja cops’ over 2013 drug raid, Oct. 18, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.