Sa isang pahayag sa video noong Peb. 21, sinabi ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta na ang mga guro ay panghuli sa sa listahan ng gobyerno ng babakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Nagkakamali si Marcoleta.
Ito ay matapos niyang manawagan sa Department of Education (DepEd) na muling pag-isipan ang anumang mga plano na ipagpatuloy ang mga in-person o “face-to-face” na mga klase sa gitna ng pandemic.
Panoorin ang video na ito:
Batay sa anunsyo ni Roque, tagapagsalita rin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang pagkakasunud-sunod ng vaccination priority ay ang mga sumusunod:
Ang listahang ito ay lumabas din sa maraming mga ulat na balita bago ang pahayag ni Marcoleta.
Noong Peb. 22, sinabi ni Roque na tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangalawang pagkakataon ang panukalang pilot test study ng DepEd sa “limitadong pisikal na mga klase” sa mga lugar na may mababang peligro sa COVID-19:
“[N]agdesisyon na po ang Presidente ha, wala pa rin po tayong face-to-face classes (na mga klase) sa bansa …. [A]yaw po niyang malagay sa panganib o alanganin ang buhay ng ating mga mag-aaral at mga guro habang wala pa pong nababakunahan sa bansa.”
Pinagmulan: Office of the Presidential Spokesperson, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Peb. 22, 2021
Sinabi ni Duterte na maaaring makabalik ang mga estudyante sa silid-aralan sa Agosto, lalo na sa mga lugar na may mababang bilang ng mga kaso ng COVID-19, “sa sandaling mailunsad ang programa sa pagbabakuna,” ayon sa kanyang tagapagsalita.
Ang pangulo, noong unang bahagi ng Disyembre 2020, ay inaprubahan ang panukala ng DepEd — na naunang itinakda ang pagpapatupad sa Enero 2021 — ngunit ipinagpaliban ito sa buwan din na iyon dahil sa banta ng COVID-19 virus variant mula sa United Kingdom (UK), na, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention, ay kumakalat ng “mas madali at mabilis.”
Sa isang pahayag noong Peb. 24 kasunod ng pangalawang pagpapaliban, sinabi ng education department na “naiintindihan nito na ang pagkakaroon at paglulunsad ng mga bakuna sa bansa ay kritikal na mga kadahilanan para sa panukalang ito.” Pansamantala, sinabi nito na “magpapatuloy sa paghahanda ng mga plano sa pagkilos para sa aktibidad na ito sakaling ibigay ng pangulo ang kanyang pag-apruba sa mga darating na buwan.”
Itinakda ng DepEd ang tinawag nitong “mahigpit” na kundisyon sa mga field office nito para sa pilot study, kasama na ang:
- ang mga kalahok na lugar ay dapat nasa kategorya ng “mababang peligro;” ibig sabihin, sila ay hindi bababa sa status na modified general community quarantine;
- mayroong “shared responsibility” para sa programa ang DepEd, kasaling mga local government unit, mga magulang o guardian, at mga transportation provider; at may,
- mahigpit na pamantayan sa kalusugan at kaligtasan na sinusunod sa bahay, sa panahon ng paglalakbay sa at mula sa mga paaralan, at sa loob ng mga paaralan.
May 1,904 mga public school sa buong bansa ang kinilala bilang posibleng mga kalahok sa pilot study, sinabi ng DepEd sa pahayag nito.
Ilang mga senador ang humimok sa DepEd at sa gobyerno na ituloy ang pagpapatupad ng pilot ng mga in-person na klase kahit sa limitadong bilang ng mga paaralan.
Sa pagdinig ng Senate committee on basic education, arts, and culture, noong Peb. 24 din, sinabi ni committee chair Sen. Sherwin Gatchalian na ang pilot study ay isang “mabuting paraan para sa ating mga scientist na pag-aralan kung ano ang maaaring gawin upang mapagaan ang mga epekto ng COVID.”
Sa parehong pagdinig, iminungkahi ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na limitahan ang bilang ng mga pilot area sa “isang daan lamang,” at sinabing ang mahalaga ay para sa gobyerno na “makita ang mga butas” sa pagpapatupad habang maaga bago ito palawakin upang masakop ang mas maraming paaralan.
Mga Pinagmulan
Congress.gov.ph, Hon. Marcoleta, Rodente D., Accessed on Feb. 26, 2021
Rep. Rodante Marcoleta official Youtube channel, CONG. RODANTE MARCOLETA: FACE TO FACE CLASSES, HINDI PA NAPAPANAHON, Feb. 21, 2021
Office of the Presidential Spokesperson, Announcement of Presidential Spokesperson Harry Roque PTV Balita Ngayon, PTV-4 Manila Harbor Center Port, Feb. 5, 2021
PTV, ICYMI: Kabuuang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa mga bagong polisiya ng IATF kontra, Feb. 5, 2021
Inquirer.net, LIST: Priority groups for government’s Covid-19 vaccination program, Feb. 5, 2021
Rappler, Gov’t releases new vaccine priority list, includes persons with comorbidities, Feb. 5, 2021
CNN Philippines, LIST: Priority sectors, subgroups in COVID-19 vaccination program, Feb. 5, 2021
Office of the Presidential Spokesperson, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Feb. 22, 2021
Philstar.net, Duterte OKs pilot testing of face-to-face classes, Dec. 15, 2020
Daily Tribune, Duterte OKs pilot testing of face-to-face classes in January, Dec. 14, 2020
CNN Philippines, Duterte OKs pilot testing of face-to-face classes in low risk areas, Dec. 14, 2020
Presidential Communications Operations Office, President Duterte cancels in-person classes amid fears over new COVID-19 strain, Dec. 27, 2021
World Health Organization, SARS-CoV-2 Variant – United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, Dec. 21, 2021
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, About the Variants of the Virus that Causes COVID-19, Accessed on Feb. 26, 2021
Department of Education, On the Pilot Implementation of Limited Face-to-Face Classes, Feb. 24, 2021
Senate of the Philippines, ANC Matters of Fact interview of Sen. Win Gatchalian with Christian Esguerra on the pilot implementation of face-to-face classes, Feb. 25, 2021
Senate of the Philippines, Pangilinan calls for pilot opening of 100 schools, instead of 1,065, for face-to-face classes, Feb. 24, 2021
ABS-CBN News, ‘We need the experience’: Senators want dry run of face-to-face classes, Feb. 24, 2021
Rappler, Senators want pilot test of face-to-face classes to ‘fine-tune’ system, Feb. 25, 2021
BusinessWorld, Include teachers in vaccine priority list, government asked, Feb. 24, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)