VERA FILES FACT CHECK: Marcoleta mali ang pahayag na ‘huli’ ang mga guro sa COVID-19 vaccination priority
Sa isang pahayag sa video noong Peb. 21, sinabi ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta na ang mga guro ay panghuli sa sa listahan ng gobyerno ng babakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Nagkakamali si Marcoleta.