Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Marcos inulit ang pahayag na nakakuha siya ng pinakamataas na bilang ng mga boto, kailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Nakuha ni Ferdinand Marcos Jr. ang pinakamataas na bilang ng mga boto ng kahit na sinong kandidato sa kasaysayan ng Pilipinas.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Habang si Marcos ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng mga boto sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas, ang kanyang bahagi ng boto (58.7%) sa halalan noong Mayo 2022 ay ikatlo lamang sa pinakamataas na porsyento ng boto sa bansa, kasunod nina dating pangulong Manuel L. Quezon (67.9 %, 1935) at Ramon Magsaysay (68.9%, 1953).

By VERA Files

Nov 15, 2022

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagtatapos ng kanyang apat na araw na biyahe sa Cambodia para sa ika-40 at ika-41 ASEAN Summit and Related Summits, humarap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Filipino community doon kung saan muli niyang sinabi na nakuha niya noong nakaraang Mayo ang “pinakamaraming boto” sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas.

Ito ay nangangailangan ng konteksto.

PAHAYAG

Sa pagharap sa pamayanang Pilipino sa Phnom Penh noong Nob. 13, nagpasalamat si Marcos sa kanilang suporta at sinabing:

“Pagkakataon na namin ito na magpasalamat ulit sa inyong lahat sa suportang ibinigay ninyo at hindi pangkaraniwan na suporta. Ito ang pinakamalaking boto na nakuha ng kahit sinong kandidato sa buong kasaysayan ng Pilipinas.”

Pinagmulan: Radio Television Malacañang – RTVM, Meeting with the Filipino Community, Nob. 13, 2022, panoorin mula 56:48 hanggang 56:55

ANG KATOTOHANAN

Habang si Marcos ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng mga boto sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas, ang kanyang bahagi ng mga boto (58.7%) sa halalan noong Mayo 2022 ay ang ikatlo lamang sa pinakamataas na porsyento ng boto sa bansa, kasunod nina dating pangulong Manuel L. Quezon (67.9%, 1935) at Ramon Magsaysay (68.9%, 1953).

Nauna nang pinabulaanan ng VERA Files Fact Check ang mga katulad na pahayag ni Marcos sa talumpati sa kaniyang inagurasyon noong Hunyo 30 at ni Sen. Jinggoy Estrada sa isang press briefing noong Set. 20.

(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos Jr. na siya ay may ‘pinakamalaking mandato sa halalan’ nangangailangan ng konteksto at VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Jinggoy Estrada na nakakuha si Marcos Jr. ng ‘pinakamataas na bilang ng mga boto sa kasaysayan ng PH’ nangangailangan ng konteksto)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Radio Television Malacañang – RTVM, Meeting with the Filipino Community, Nov. 13, 2022

Presidential Communications Development and Strategic Planning Office, Philippine Electoral Almanac Revised and Expanded (Archived file), 2015

Philippine Presidency Project, Results of the Past Presidential & Vice-Presidential Elections (archived webpage), accessed on Nov. 14, 2022

Senate of the Philippines official website, Joint Public Session Resolution No. 1, May 30, 2016

Joint Session of Congress official website, National Canvassing 2022 results, 2022

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.