(Nai-update na) Nagkamali ang apat na grupo ng media sa pagpahayag sa isang ulat noong Mayo 3 na ang administrasyon nina Rodrigo Duterte at Benigno Aquino III ay nagtala ng tig-siyam na media killings sa kanilang unang 22 buwan sa panguluhan, ang pinakamataas mula 1992.
Ang dahilan kung bakit ang bilang ng mga napatay na alagad ng media sa unang 22 buwan ni Duterte ay katulad ng tala sa ilalim ni Aquino III ay binilang ng grupo ng media ang mga pamamaslang na may kaugnayan at walang kaugnayan sa trabaho sa panahon ni Duterte samantalang pagpatay na may kaugnayan lamang sa trabaho ang binilang sa ilalim ni Aquino III.
Hindi rin tama ang pahayag ng mga grupo ng media na ang rekord ni Duterte ay humigit sa naitalang media killings sa unang 22 ng mga panguluhan nina Arroyo, Estrada at Ramos.
Pinasinungalingan ni Palace Spokesperson Harry Roque ang ulat at nagbitaw ng dalawang pahayag: Una, ang media killings ay nabawasan sa ilalim ni Duterte; ikalawa, ang Pilipinas ay naging mas ligtas na lugar para sa mga mamamahayag.
Ang unang pahayag ni Roque ay totoo; ang pangalawang ay hindi totoo.
PAHAYAG
Noong World Press Freedom Day, ang Center for Media Freedom and Responsibility, National Union of Journalists in the Philippines, Philippine Press Institute and the Philippine Center for Investigative Journalism ay nagbigay ng bilang ng pagpatay sa miyembro ng mga alagad ng media:
“Ang siyam na mamamahayag na napatay sa unang 22 buwan ng pagkapangulo ni Duterte ay katugmang-katugma ng bilang na naitala sa parehong sakop na panahon sa ilalim ni Benigno S. Aquino III.
Gayunpaman, ang rekord ni Duterte ay lumampas sa mga unang 22 buwan ni Fidel V. Ramos, Gloria Macapagal Arroyo, at Joseph Ejercito Estrada.”
Pinagmulan: Center for Media Freedom and Responsibility, Mayo 3, 2018.
Sinuportahan nila ang kanilang pahayag ng isang graph ng media killings sa unang 22 buwan ng bawat administrasyon:
Pinangalanan din nila ang siyam na mamamahayag na napatay sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.
Pinagmulan: Philippine Center for Investigative Journalism, Mayo, 3. 2018
Nang hingan ng komento sa press briefing nang araw din iyon, sinabi ni Roque:
“Kung gayon, aking tininatanggi iyan po, kasi pagdating sa patayan, bumaba po talaga ang patayan sa Pilipinas at bumaba po ang ranggo ng Pilipinas doon sa mga listahan ng pinaka-peligrosong mga lugar sa mundo para sa mga mamamahayag. Ibigay natin ang kredito kung saan ito nararapat.”
Pinagmulan: Press Briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Mayo 3, 2018, panoorin mula 5:04 hanggang 5:17.
FACT
Ang bilang ng media killings sa unang 22 buwan ni Aquino III at ni Duterte ay hindi pareho, gaya ng pahayag ng mga grupo ng media.
Kung ang nakumpirma lamang na mga pamamaslang na may kinalaman sa trabaho ang bibilangin, may siyam sa ilalim ni Aquino III at lima sa ilalim ni Duterte, batay sa sariling database ng CMFR tungkol sa media killings.
At kung ang parehong nakumpirma na may kaugnayan at walang kaugnayan sa trabaho na media killings ang bibilangin, mayroong 18 sa ilalim ni Aquino III at siyam sa ilalim ni Duterte, ayon sa datos ng CMFR.
Sa kanilang ulat noong Mayo 3, ang mga grupo ng media ay binilang lamang ang mga pagpatay na may kaugnayan sa trabaho sa ilalim ng lahat ng administrasyon maliban kay Duterte, na ang rekord ay kasama pati ang mga pamamaslang na walang kaugnayan sa trabaho at mga hindi mapagpasiyahang kaso.
!function(e,t,n,s){var i=”InfogramEmbeds”,o=e.getElementsByTagName(t)[0],d=/^http:/.test(e.location)?”http:”:”https:”;if(/^/{2}/.test(s)&&(s=d+s),window[i]&&window[i].initialized)window[i].process&&window[i].process();else if(!e.getElementById(n)){var a=e.createElement(t);a.async=1,a.id=n,a.src=s,o.parentNode.insertBefore(a,o)}}(document,”script”,”infogram-async”,”https://e.infogram.com/js/dist/embed-loader-min.js”);
Ipinakikita rin ng online database ng CMFR na ang limang nakumpirmang mga pagpatay na may kinalaman sa trabaho sa unang 22 buwan ni Duterte sa panguluhan ay katugma — at hindi lumampas tulad ng sinabi ng mga grupo ng media sa kanilang ulat — ng mga rekord nina Gloria Arroyo at Fidel Ramos. Gayunpaman, ang administrasyong Duterte ay nalampasan si Estrada: Tatlong pagpatay sa media na may kinalaman sa trabaho ang naganap noong unang 22 buwan ni Estrada.
Tagapagbantay ng media, ang CMFR ay nagbigay sa VERA Files noong Mayo 8 ng listahan ng siyam na mamamahayag na pinatay sa ilalim ni Duterte.
Sa siyam na pamamaslang na nabanggit sa ulat, pito ang lumitaw sa online database ng CMFR, ang limang nito ay nakumpirma na may kaugnayan sa trabaho at ang natitirang dalawa ay nakumpirmang hindi kaugnay sa trabaho.
Ang iba pang dalawang pangalan na hindi kasama sa database, Marlon Muyco at Apolinario Suan Jr., ay nakuha mula sa data na pinagsama ng CMFR at NUJP. Ayon sa mga ulat, ang mga motibo ng kanilang mga pagkakapaslang ay hindi pa natitiyak.
Sa pagsusuri sa data ng CMFR sa media killings mula noong 1987 makikita na ang unang 22 buwan ng administrasyong Corazon Aquino ay nakasaksi ng pinakamataas na bilang ng mga pagpatay sa media na may kaugnayan sa trabaho — 11 at dalawa ang di-kaugnay sa trabaho.
Kahit na ang media killings ay nabawasan, na tamang sinabi ni Roque, ang estado ng kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas ay lumala, salungat sa kanyang pahayag.
Habang hindi binigay ni Roque ang batayan sa kanyang pahayag na ang ranggo ng bansa sa listahan ng mga pinaka-mapanganib na lugar para sa mga mamamahayag ay bumaba, ang pagraranggo ng media watchdog na nasa Paris na Reporters Without Borders (RSF) ay nagpapakita ng lumalalang sitwasyon ng media sa Pilipinas.
Sa 2018, ang Pilipinas ay 133rd sa World Press Freedom Index, anim na baitang sa ibaba ng ranggo nito noong 2017. Ito ay kulay pula sa global map, na nagpapahiwatig ng isang “masamang” sitwasyon sa kalayaan ng pahayag.
Screengrab mula sa website ng Reporters Without Borders
Ang index ay nagraranggo ng 180 bansa batay sa antas ng kalayaan ng mga mamamahayag, na nagbibigay ng sulyap sa sitwasyon ng kalayaan ng media batay sa pluralismo, kalayaan ng media, kalidad ng balangkas na batas at kaligtasan ng mga mamamahayag.
Ang index ay nagpapanatili din ng isang detalyadong listahan ng mga pang-aabuso laban sa media sa pamamagitan ng isang abuses indicator, na kinakalkula batay sa tindi ng mga pang-aabuso at karahasan sa isang patikular na panahon.
Noong 2018, nakakuha ang Pilipinas ng isang abuse score na 58.9, ika-18 ranggo sa hanay ng 180 mga bansa ay sinuri.
Ang pagsusuri ng press freedom index ng RSF sa 2018 ay nagsasabing:
“Ang linya na naghihiwalay sa karahasan sa pananalita mula sa pisikal na karahasan ay nabubura. Sa Pilipinas (bumaba ng anim na baitang sa ika-133), si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi lamang palaging iniinsulto ang mga reporter kundi hindi binalaan din sila na sila ‘ay hindi exempted sa assassination.'”
Pinagmulan: Reporters Without Borders, 2018
Higit pa rito, ang Pilipinas ay pang lima sa 12 mga bansa na pumasok sa 2017 Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists, na nagranggo sa mga bansa “kung saan ang mga mamamahayag ay pinapatay at ang mga pumatay sa kanila ay malaya.”
Sa pagkakasunud-sunod ng kanilang ranggo sa impunity index, ang ibang mga bansa ay Somalia, Syria, Iraq, South Sudan, Mexico, Pakistan, Brazil, Russia, Bangladesh, Nigeria at India.
Mga extremist at kriminal na grupo ang mga karaniwang pumapatay ng tao sa karamihan ng mga bansa, maliban sa Pilipinas, Russia at Brazil kung saan ang mga opisyal ng pamahalaan ay ang mga “hindi napaparusahan sa pamamaslang,” ayon sa index.
UPDATE: Sa isang payahag na inilathala sa Twitter, nandigan ang NUJP sa resulta ng kanilang pag-aaral na mayroong siyam na mamahayag ang napaslang sa ilalim ng Duterte administration.
Mga pinagmulan:
Center for Media Freedom and Responsibility, Database on the Killings of Journalists in the Philippines since 1986
Center for Media Freedom and Responsibility, Cotabato radio blocktimer shot dead, February 24, 2017
Center for Media Freedom and Responsibility, Blocktimer survives ambush, July 20, 2016
Committee to Protect Journalists, Getting Away with Murder, Oct. 31, 2017
Reporters Without Borders, World Press Freedom Index 2018
Reporters Without Borders, RSF Index 2018: Hatred of journalism threatens democracies