Binaluktot ng website na The Daily Sentry (thedailysentry.net) ang isang ulat kamailan ng Commission on Audit (COA) tungkol sa Commission on Human Rights (CHR). Ang The Daily Sentry ay may rekord ng paglalathala ng huwad at nakaliligaw na nilalaman.
PAHAYAG
Isang post ng The Daily Sentry noong Hulyo 21 ang may headline na nagsasabing inimbestigahan ng COA ang CHR at nalamang gumasta ito ng milyun-milyong pondo sa “luho”:
COA siniyasat ang CHR at natuklasan ang milyun-milyong pisong gastos sa luho
Pinagmulan: The Daily Sentry, Hulyo 21, 2018
Tila para masuportahan ang headline, ipinahayag sa post na ayon sa COA:
- Ang CHR ay “nag-iwan ng mga papeles ng perang binale na hindi ipinaliwanag kung saan ginasta” na nagkakahalaga ng “halos P3.6 milyon … sa 2017”
- Ang opisina nito sa “Zamboanga Peninsula” ay “iresponsable sa pera”
- Ito ay “waldas pagdating sa mga seminar at pagpupulong na kanilang ginawa, na gumastos ng P5.404 milyon sa isang taon lamang, halagang maaaring nabawasan kung ang CHR ay hindi nagkunwaring mayaman at hindi gumasta para sa tirahan ng kalahok “
FACT
Hindi sinusuportahan ng ulat ng COA sa 2017 badyet ng CHR ang mga pahayag na ito.
Sa mga pondo hindi naipaliwanag kung saan ginasta:
Inirekomenda ng COA na ipaliwanag ng CHR kung saan napunta ang mga cash advance pagkatapos makita na ang mga special disbursing officer, na nakatalagang mag-rekord ng cash disbursements at sumubaybay sa balanse ng cash advance sa araw-araw, ay nabigong gawin ito.
Sa halip na maayos na natapos ang mga rekord ng cash disbursement (CDR), ang CHR ay nakapagsumite lamang sa COA ng buod ng mga gastusin, sinabi ng COA.
Sinabi rin ng mga state auditor na ang CHR ay sumang-ayon na hilingin sa mga opisyal nito na agad ipaliwanang kung saan napunta/ano ang pinagkagastahan ng mga cash advance.
Kabuuang P3.6 milyon ang talagang nananatiling kailangang i-liquidate ng CHR.
Sa ‘iresponsableng’ ‘tanggapan ng Zamboanga Peninsula:
Ang pabayang regional office na sinabi ng COA na nabigong “mahigpit na subaybayan” ang paglabas at pag-liquidate ang mga cash advance ay hindi ang tanggapan ng Zamboanga Peninsula, tulad ng sinabi ng The Daily Sentry, kung hindi ang tanggapan ng Davao Region:
Breakdown hindi naipaliwanag kung saan ginasta |
||
Office/RO |
Amount |
Remarks/Observation |
RO XI |
61,300.00 |
Ang namamahala ay hindi naging mahigpit sa pagsubaybay sa pagbibigay at pag-liquidate ng mga cash advance na nagresulta sa akumulasyon ng mga hindi na-liquidate na cash advances noong Disyembre 31, 2017. Gayundin, ang paglipat ng cash advance mula sa disbursing officer sa ibang mga empleyado na hindi naka-bond ay nagpapahiwatig ng hindi sapat na kontrol ng cash advance, salungat sa Seksyon 4.1.6 ng COA Circular-97-002 na maaaring magresulta sa posibleng pagkawala ng mga pondo ng pamahalaan. |
Pinagmulan: #7, Observation and Recommendations, 2017 COA Audit of CHR, Hulyo 9, 2018
Ang COA, sa audit report nito, ay tumukoy sa mga rehiyon sa pamamagitan ng kanilang Roman numeral na ngalan. Ang Rehiyon XI ay tumutukoy sa rehiyon ng Davao; ang Peninsula ng Zamboanga ay Rehiyon IX.
Dalawang iba pang mga media, ang Rappler at ang broadsheet na The Daily Tribune na pinagkukunan ng impormasyon ng The Daily Sentry, ay nakagawa ng parehong pagkakamali sa kanilang mga ulat.
Sa ‘maluhong’ mga training sa hotel:
Ang mga state auditor, nang natuklasan na ang CHR ay gumastos ng P5.4 milyon sa mga live-in training sa iba’t ibang mga hotel, ay nagsabing maaaring mas mababa ang ginugol ng komisyon kung:
“nagbigay ng mga lugar para sa training sa loob mismo ng mga opisina o ginagamit ang mga kagamitan at mga pasilidad ng pamahalaan; o kung ang 20 mga seminar / workshop ay ginawang non-residential (live-out)”
Pinagmulan: #48, Observation and Recommendations, 2017 COA Audit of CHR, Hulyo 9, 2018
Hindi nito sinabi na ang Commission ay kumikilos na parang isang “gastador” o mayaman, tulad ng sinabi ng The Daily Sentry.
Wala sa mga establisimiyento na ginamit ng CHR para sa kanilang mga training noon ang may rating na five- o four-star na hotel sa listahan ng Department of Tourism (DOT) noong 2017. Ang mga hotel na may ganitong mga rating ay inuri ng DOT bilang “primera klase” at “maluho.”
Ang Seda Vertis North sa Quezon City, kung saan ang CHR na nagkaroon ng tatlong araw na training noong Hulyo 2017, ay binigyan ng five-star rating ng DOT noong nakaraang Marso lamang.
Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline De Guia sa isang pahayag na kinailangan nilang gawin ang kanilang mga training sa labas ng kanilang opisina dahil sa “mga limitasyon sa espasyo ng opisina,” bilang ang Komisyon ay nasa isang “luma, at ipinahayag na hindi na dapat gamitin na gusali.”
Kinailangan ding ipahiram ng CHR ang kanyang natataning Multi-Purpose Hall sa Human Rights Victims’ Claims Board matapos na pinalawig ang termino nito sa 2016, dagdag ni De Guia.
Ang komisyon ay nagsagawa mula noon ng mga hakbang upang matugunan ang mga obserbasyon ng COA:
Gumawa kamakailan laman ng mga bagong espasyo, ganap na gumagana at mahusay na ginagamit ng Komisyon hanggang sa ngayon. Ito ay isang kongkretong pagkilos ng CHR na isinaalang-alang ang mga rekomendasyon ng aming mga state auditor bago pa lumabas ang balita.
Pinagmulan: Commission on Human Rights official Facebook page, Hulyo 10, 2018
Ang nakaliligaw na istorya ng The Daily Sentry, na maaaring umabot sa higit sa 2.7 milyong katao, ay nai-post halos dalawang linggo pagkatapos na ilabas ng COA ang audit nito sa CHR.
Ang trapiko ng kuwentong ito ay halos nabuo sa social media sa mga pahina ng The Filipino News, The News Gear at News Wire PH. Ang The Daily Sentry ay nilikha noong Enero 10.
Mga pinagkunan ng impormasyon:
Commission on Audit. (2018, July 9). Observations and Recommendations. Commission on Human Rights 2017 Audit Report.
De Guia, J. (2018, July 10). On the audit observations on the CHR’s training expenses. Commission on Human Rights of the Philippines Facebook page.
Finally… Quezon City Gets the Five-Star Hotel It Deserves. (2018, March). Sedahotels.com.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON THE NATIONAL ACCOMMODATION STANDARDS FOR HOTELS, RESORTS AND APARTMENT HOTELS. (n.d.). Accreditationonline.tourism.gov.ph