Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: OVP spox salungat ang pahayag sa sinabi ni Sara tungkol sa paggamit ng presidential chopper

Matapos magalit ang online users na nagsabing dapat magpasalamat si Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga taxpayer, sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Reynold Munsayac sa mga mamamahayag na hindi ginagamit ng bise presidente ang chopper para sa mga personal na bagay.

By VERA Files

Sep 14, 2022

-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa isang pagbati sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipinost sa social media, pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang presidente at ang 250th Presidential Airlift Wing (PAW) “sa pagtitiyak na kahit saan man ako matagpuan sa bansa sa maghapon, nakakauwi ako sa oras para patulugin ang aking mga anak sa kama.”

Idinagdag niya, “Salamat sa pagbibigay ng importansiya sa pagnanais ng isang nagtatrabahong ina na laging maging bahagi ng buhay ng kaniyang mga anak.”

Matapos magalit ang mga online user na nagsabing dapat ay pasalamatan ni Duterte-Carpio ang mga taxpayer, sinabi ng kaniyang tagapagsalita na si Reynold Munsayac sa mga mamamahayag na hindi ginagamit ng bise presidente ang chopper para sa mga personal na bagay:

“Ginagamit lang po ang chopper kapag kailangan sa opisyal na trabaho at gawain, base sa lugar na pupuntahan at kahalagahan ng iskedyul.”

 

Mga pinagmulan: CNN Philippines, OVP defends Duterte’s use of presidential chopper, Setyembre 14, 2022; NewsTV5, ‘FAKE NEWS’ | Amid criticisms, OVP says Sara only uses PAF chopper for official functions, Setyembre 14, 2022; ABS-CBN News, Only when needed: OVP defends VP Duterte’s use of presidential chopper, Setyembre 14, 2022

Ang 250th PAW ay isa sa mga nangungunang flying unit ng Philippine Air Force. Nagbibigay ito ng sasakyang panghimpapawid para sa pangulo at kaniyang immediate family, bumibisitang mga head of state, at iba pang mga prominenteng lokal at dayuhang bisita.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Inday Sara Duterte official Facebook page, I told PBB, we need a selfie because the Social Media Team needs an obligatory birthday selfie, hence the smileys…, Setyembre 13, 2022

CNN Philippines, OVP defends Duterte’s use of presidential chopper, Setyembre 14, 2022

NewsTV5, ‘FAKE NEWS’ | Amid criticisms, OVP says Sara only uses PAF chopper for official functions, Setyembre 14, 2022

ABS-CBN News, Only when needed: OVP defends VP Duterte’s use of presidential chopper, Setyembre 14, 2022

Philippine News Agency, OVP debunks fake news on VP Sara’s ‘daily use’ of pres’l chopper, Setyembre 14, 2022

Manila Bulletin, OVP spox says Inday Sara uses gov’t chopper for ‘official work’, Setyembre 14, 2022

RTVMalacañang, 250th Presidential Airlift Wing (PAW) Bluebirds Night, Setyembre 14, 2017

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.