Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pacquiao kumambiyo; pagkatapos sabihin na ‘mas masahol pa sa mga hayop’ ang LGBTQ, hindi raw niya kinokondena ang sektor

Mula sa pagsabi noong 2016 na ang mga taong nasa same-sex marriage ay mas masahol pa sa mga hayop, iginiit ngayon ni Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao na hindi niya kinokondena o hinuhusgahan ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer (LGBTQ) community.

By VERA Files

Sep 27, 2021

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagsabi noong 2016 na ang mga taong nasa same-sex marriage ay mas masahol pa sa mga hayop, iginiit ngayon ni Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao na hindi niya kinokondena o hinuhusgahan ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer (LGBTQ) community.

PAHAYAG

Sa isang panayam sa vlog ni Celestine “Toni” Gonzaga-Soriano na na-upload noong Set. 19, tinanong si Pacquiao — na nag-anunsyo nang araw na iyon ng kanyang pagtakbo bilang pangulo sa pambansang eleksyon sa 2022 — tungkol sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag tungkol sa LGBTQ noong 2016. Ang sagot niya:

“Na-edit kasi masyado ‘yung statement kong ‘yon. Ang sinasabi ko palagi na hindi ko kino-condemn (kinokondena) ‘yung mga gay, mga LGBT. May mga pamangkin akong LGBT. Ang dami kong mga LGBT na workers sa bahay ko, kahit ‘yung mga kapatid ko. As a person, hindi mo sasabihing galit ka sa kanya, kinukundena mo siya. Who am I to judge a person (Sino ba naman ako para husgahan ang isang tao), ‘di ba?”

Pinagmulan: Toni Gonzaga Studio, Why Manny Pacquiao Is Running For President | Toni Talks, Set. 19, 2021, panoorin mula 8:58 hanggang 9:34

Ipinahiwatig ni Pacquiao na ang kanyang “mahabang” pahayag ay pinagputol-putol at mali ang naging konteksto.

ANG KATOTOHANAN

Bagama’t sinabi niya noong 2016 na hindi niya kinukundena ang mga bakla at lesbian, idineklara rin ni Pacquiao na ang same-sex marriage ay isang “kasalanan laban sa Diyos” at ang mga pumasok dito ay “mas masahol pa kaysa sa mga hayop.”

Binatikos nang husto si Pacquiao, noon ay isang kongresista na kumakatawan sa lalawigan ng Sarangani, sa kanyang paninindigan sa same-sex marriage matapos ang kanyang 29-segundong clip interview ay i-upload sa Bilang Pilipino Faceboook (FB) page ng TV5 bilang bahagi ng coverage ng news organization sa kumakandidatong senator.

Ito ang buong sagot ni Pacquiao sa panayam, base sa isang video news clip mula sa TV5:

As [a] Christian (Bilang Kristiyano), bawal naman ‘yung same-sex marriage. Ginawa ang babae para sa lalaki, ginawa ang lalaki para sa babae. Kasi para sa akin ito lang, common sense lang. Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa ‘yung hayop, marunong kumikilala kung lalaki o lalaki, [kung] babae, babae. O ‘di ba? Ngayon kung lalaki sa lalaki o babae sa babae eh mas masahol pa sa hayop ang tao. Ang hayop lang, hindi talaga pwedeng magsama ang lalake sa lalake. Pero I’m not condemning them. ‘Yung marriage (kasal) lang, ‘yung committing sin against God (pagkakasala sa Diyos).”

Pinagmulan: News5Everywhere YouTube, PACMAN, BINABATIKOS SA PAHAYAG TUNGKOL SA SAME-SEX MARRIAGE, Peb. 16, 2016

Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Pacquiao sa “nasaktang mga tao” nang ikumpara niya ang mga homosexual sa mga hayop. Gayunpaman, nanindigan siya sa kanyang paniniwala na tutol siya sa same-sex marriage.

Makalipas ang ilang araw, naglabas ng pahayag ang TV5 noong Peb. 21, 2016 matapos mag-viral ang isang minutong video na kasama ang paglilinaw ni Pacquiao tungkol sa LGBT.

Taliwas sa pahayag ni Pacquiao, ang same-sex sexual behavior ay nangyayari sa animal kingdom.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

Mga Pinagmulan

Manny Pacquiao Official Facebook page, PDP-Laban 11th National Assembly, Sept. 19, 2021

Toni Gonzaga Studio YouTube, Why Manny Pacquiao Is Running For President | Toni Talks, Sept. 19, 2021

Inquirer.net, Pacquiao compares gays to animals, draws flak on social media, Feb. 16, 2016

BBC News, Manny Pacquiao renews criticism of homosexuality, Feb. 19, 2016

The Guardian, Manny Pacquiao provokes storm by calling gay people ‘worse than animals’, Feb. 16, 2016

Bilang Pilipino Facebook page, “Mas masahol pa sa hayop.” Senatorial aspirant and Sarangani Rep. Manny Pacquiao had this to say when we asked him for his stand on same-sex marriage. #BilangPilipino, Feb. 15, 2016

News5Everywhere YouTube, PACMAN, binabatikos sa pahayag tungkol sa same-sex marriage, Feb. 16, 2016

Manny Pacquiao Official Facebook page, I’m sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals. Please forgive me for those I’ve hurt. I still stand on my belief that I’m against same sex marriage … , Feb. 16, 2016

Manny Pacquiao Official Instagram, I rather obey the Lord’s command than obeying the desires of the flesh … , Feb. 16, 2016

TV5 Corporate PR Twitter, TV5’s official statement re controversial video of Manny Pacquiao, Feb. 21, 2016

GMA News Online, TV5: Pacquiao video clip ‘minimally edited in good faith’, Feb. 22, 2016

Inquirer.net, TV5: Pacquiao video ‘minimally edited in good faith’, Feb. 21, 2016

Philstar, Media hit after Pacquiao’s complete same-sex marriage comment turns viral, Feb. 19, 2016

Sarah M. Lane, Alice E. Haughan, Daniel Evans et.al (2016), Same-sex sexual behaviour as a dominance display, Animal Behaviour Volume 114, pg. 113-118, Retrieved on Sept. 22, 2021

Popular Science, Why do some animals engage in same-sex sexual behavior? The better question is… why not?, Dec. 2, 2019

National Geographic, Homosexual Activity Among Animals Stirs Debate, July 23, 2004

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.