Sa kanyang verified Facebook (FB) page, binilang ni dating Public Works and Highways secretary Mark Villar ang Skyway Stage 3 project bilang accomplishment sa ilalim ng “Build, Build, Build” program, ang infrastructure master plan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay nangangailangan ng konteksto.
Hiniling ng isang mambabasa ng VERA Files Fact Check na suriin ang pahayag ni Villar, na nagbitiw sa unang bahagi ng buwang ito para tumakbong senador sa May 2022 elections.
PAHAYAG
Ang post noong Okt. 14 ay may mga pinagsama-samang litrato na nagpapakita ng “bago” at “pagkatapos” ng pagtatayo ng Skyway 3 segment sa Makati City at may label na 2016 at 2021, ayon sa pagkakabanggit. Nakasulat sa caption:
“The Skyway Stage 3 project is one of 25 projects under the EDSA Decongestion Program. Soon, every city in Metro Manila will be connected within a 20 to 30 minute timeframe. #BuildBuildBuild”
(Ang Skyway Stage 3 project ay isa sa 25 mga proyekto sa ilalim ng EDSA Decongestion Program. Sa lalong madaling panahon, ang bawat lungsod sa Metro Manila ay magiging konektado sa loob ng 20 hanggang 30 minutong timeframe. #BuildBuildBuild)
Pinagmulan: Mark Villar official Facebook page, The Skyway Stage 3 project…, Okt. 14, 2021 (naka-archive)
Noong Okt. 22, umani na ang post ng 157,000 reactions, 11,000 comments at 18,000 shares.
ANG KATOTOHANAN
Ang Metro Manila Skyway 3 — isang elevated expressway na nag-uugnay sa North at South Luzon Expressways (NLEX-SLEX) — ay inaprubahan noong 2013 sa ilalim ng administrasyon ng yumaong Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) agreement sa Citra Central Expressway Corp. (CCEC) at San Miguel Corp. (SMC), ang inisyal na 14.2-kilometrong toll expressway mula Buendia sa Makati City hanggang Balintawak sa Quezon City ay inilunsad ni Aquino noong Enero 22, 2014.
Orihinal na target na matapos noong Abril 2017, ang konstruksyon ng Skyway 3 ay ginawa para lumuwag ang trapik sa EDSA at iba pang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Gayunpaman, dahil sa mga isyu sa right-of-way, naantala ang pagpapatupad ng proyekto.
Sa website ng DPWH, ang orihinal na kabuuang halaga ng proyekto na P37.43 bilyon ay ginawang P44.86 bilyon dahil sa karagdagang gastos para sa mga realignment sa tabi ng San Juan River.
Noong Pebrero 2020, isang malaking sunog ang nagpabagsak sa isang bahagi ng Skyway 3 sa Pandacan, Manila, na nagpapataas pa ng kabuuang gastos sa P54.23 bilyon.
Ang haba ng proyekto ay binago din sa 18.83 kilometro dahil sa extension mula Balintawak hanggang sa NLEX footbridge.
Bagama’t natapos ito noong Oktubre 2020, pormal na binuksan ang Skyway 3 expressway noong Enero 15, 2021 upang payagan ang mga motorista na makakuha ng mga autosweep RFID (Radio Frequency Identification) sticker para sa kanilang mga sasakyan na kailangan para sa pagbabayad ng toll na di gumagamit ng cash, sabi ni SMC president Ramon Ang.
Ang Skyway 3 ay bahagi ng apat na yugto ng Metro Manila Skyway Project (SMMSP) na binuo noong 1993 sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-flag ang VERA Files Fact Check ng pahayag na nagbibigay ng kredito sa “Build, Build, Build” program para sa mga proyektong pang-imprastraktura na sinimulan bago ang 2016 nang manungkulan ang administrasyong Duterte. Tingnan ang mga sumusunod na fact check:
- VERA FILES FACT CHECK: Crediting Mark Villar, Duterte’s ‘Build, Build, Build’ for Cebu bridge started during Aquino’s term needs context
- VERA FILES FACT CHECK: Online post claiming 10 projects under Build, Build, Build are Duterte’s projects MISLEADING
- VERA FILES FACT CHECK: Photo misleads; 22-year-old Marcelo Fernan Bridge NOT a Duterte project
- VERA FILES FACT CHECK: Anti-Duterte blogger posts inaccurate claim on ‘Build, Build, Build’ project
- VERA FILES FACT CHECK: Clip MISLEADS with photos, projects that are not under Build, Build, Build program
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Google Maps, Metro Manila Skyway. Retrieved on Oct. 20, 2021
Mark Villar official Facebook page, The Skyway Stage 3 project…, Oct. 14, 2021 (archived)
Official Gazette of the Philippines, Metro Manila Skyway stage 3 project approved by Malacañang, Sept 27, 2013
Official Gazette of the Philippines, Speech of President Aquino at the launch of the Metro Manila Skyway Stage 3 Project, Jan. 22, 2014
RTVMalacanang YouTube, Launching of Metro Manila Skyway Stage 3 (Speech), Jan. 22, 2014
Department of Public Works and Highways, METRO MANILA SKYWAY STAGE 3 (MMSS-3), Oct. 20, 2021 (archived)
Public-Private Partnership Service, METRO MANILA SKYWAY STAGE 3 (MMSS-3), March 25, 2015
Business Mirror, Skyway Stage 3 project 28.7% complete, operational in 3 years, June 29, 2017
Philippine News Agency, Duterte admin’s ‘political will’ key to completion of Skyway 3, Jan. 31, 2021
ABS-CBN News, DPWH confident it could address EDSA traffic, April 3, 2019
Manila Standard, SMC completes ‘new’ bridge over San Juan River, March 12, 2020
San Miguel Corporation, SMC revises proposed toll matrix for Skyway 3, to charge lower rates starting July 12, July 6, 2021
Philstar.com, Portion of Skyway Stage 3 collapses in Pandacan blaze, Feb. 2, 2020
ABS-CBN News, Part of Skyway Stage 3 collapses amid fire in Pandacan warehouse, Feb. 1, 2020
CNN Philippines, Part of Skyway Stage 3 collapses due to warehouse fire, Feb. 1, 2020
San Miguel Corporation YouTube, SMC completes Skyway 3, Oct. 51, 2020
San Miguel Corporation, SMC completes target 156 RFID installation stations, tollways to go 100% cashless by January 11, Jan. 5, 2021
Toll Regulatory Board, South Metro Manila Skyway Project, Oct. 22, 2021 (archived)
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)