Sinabi ni Wang Wenbin, tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs ng China, na ang Ren’ai Reef (kilala bilang Ayungin Shoal sa Pilipinas) ay bahagi ng China. Ito ay hindi totoo.
PAHAYAG
Sa isang press conference noong Peb. 13 sa Beijing, tinanong si Wang tungkol sa insidente noong Peb. 6 na kinasasangkutan ng isang barko ng China Coast Guard (CCG) na nagtututok ng isang military-grade laser sa isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal.
Sumagot siya:
“The Ren’ai Reef is part of China’s Nansha Islands. On February 6, a Philippine Coast Guard vessel intruded into the waters off the Ren’ai Reef without Chinese permission. In accordance with China’s domestic law and international law, including the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), the China Coast Guard ship upheld China’s sovereignty and maritime order and acted in a professional and restrained way.”
(“Ang Ren’ai Reef ay bahagi ng Nansha Islands ng China. Noong Pebrero 6, isang barko ng Philippine Coast Guard ang pumasok sa katubigan ng Ren’ai Reef nang walang pahintulot ng Chinese. Alinsunod sa domestic law ng China at international law, kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), itinaguyod ng barko ng China Coast Guard ang soberanya at maritime order ng China at kumilos sa isang propesyonal at may pazgtitimping paraan.”)
Pinagmulan: China Ministry of Foreign Affairs official website, Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin’s Regular Press Conference on February 13, 2023 (official transcript) (archive), Peb. 13, 2023
Idinagdag ng tagapagsalita:
“We hope the Philippine side will respect China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea and avoid taking any actions that may exacerbate disputes and complicate the situation. China and the Philippines are in communication on this through diplomatic channels.”
(“Umaasa kami na igagalang ng panig ng Pilipinas ang soberanya ng teritoryo at mga karapatan at interes sa karagatan ng China sa South China Sea at iwasang gumawa ng anumang aksyon na maaaring magpalala sa mga hindi pagkakaunawaan at magpapalubha sa sitwasyon. Ang China at Pilipinas ay nakikipag-usap tungkol dito sa pamamagitan ng mga diplomatic channel.”)
Pinagmulan: China Ministry of Foreign Affairs official website, Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin’s Regular Press Conference on February 13, 2023 (official transcript) (archive), Peb. 13, 2023
ANG KATOTOHANAN
Ang Ayungin Shoal, na kilala sa buong mundo bilang Second Thomas Shoal at tinatawag na Ren’ai Reef ng China, ay bahagi ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf ng Pilipinas, ayon sa desisyon noong Hulyo 12, 2016 ng Permanent Court of Arbitration (PCA).
Nilinaw din ng tribunal na “walang entitlement sa exclusive economic zone o continental shelf na nabuo ng anumang feature na inaangkin ng China na mag-ooverlap sa mga karapatan ng Pilipinas sa lugar ng Mischief Reef at Second Thomas Shoal.”
Sa desisyon nito, inilarawan ng tribunal ang Ayungin Shoal bilang isang low-tide elevation (LTE) sa South China Sea na hindi bumubuo ng mga karapatan sa isang territorial sea, EEZ, o continental shelf. Sinabi nito na ang mga LTE ay “hindi mga feature na capable of appropriation” ng anumang bansa.
Ayon sa UNCLOS, ang LTE ay isang naturally formed na area ng lupain na napalilibutan ng at nasa itaas ng tubig kapag low tide ngunit nakalubog sa panahon ng high tide.
Sa pagbibigay ng “final at binding” na desisyon nito, sinabi ng tribunal na nilabag ng China ang mga sovereign right ng Pilipinas sa kanyang EEZ sa pamamagitan ng interference sa pangingisda at oil exploration ng huli at hindi mapigilan na pangingisda ng mga Tsino na nag-ooperate sa mga lugar tulad ng Ayungin Shoal, bukod sa iba pa. Pinawalang-bisa din nito ang malawak na nine-dash line claim ng China na sumasaklaw sa halos buong South China Sea, na kinabibilangan ng West Philippine Sea.
Inihain ng Pilipinas ang arbitration case laban sa China noong Enero 2013, pitong buwan pagkatapos ng standoff na tumagal ng dalawang buwan sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal (lokal na tinatawag sa Pilipinas na Panatag Shoal o Bajo de Masinloc), isang tradisyonal na lugar ng pangingisda na matatagpuan sa South China Sea.
Itinuturing ng bansa ang arbitral decision bilang muling pagpapatibay ng mga claim nito ngunit patuloy itong tinatanggihan ng China. Ang award ay sumasaklaw lamang sa mga karapatan sa soberanya batay sa kahulugan ng features sa lugar, hindi ang isyu ng soberanya o teritoryo.
(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Anim na maling kuro-kuro tungkol sa arbitral award ng Pilipinas sa South China Sea)
BACKSTORY
Sa isang pahayag noong Peb. 13, iniulat ng PCG na noong Peb. 6, isang Chinese coast guard vessel na may bow number 5205 ang nag-flash ng military-grade laser light ng dalawang beses sa barko nitong BRP Malapascua na sumusuporta sa rotation at resupply mission ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal. Sinabi ng PCG na ang insidente ay nagdulot ng pansamantalang pagkabulag sa mga miyembro ng BRP Malapascua crew.
“Ang sadyang pagharang sa mga barko ng gobyerno ng Pilipinas upang maghatid ng pagkain at mga suplay sa ating mga tauhan ng militar na sakay ng BRP Sierra Madre ay isang tahasang pagwawalang-bahala, at isang malinaw na paglabag sa, mga karapatan ng soberanya ng Pilipinas sa bahaging ito ng West Philippine Sea,” ang sabi ni PCG.
Ang insidente ay nag-udyok sa Department of Foreign Affairs na mag-isyu ng diplomatic protest sa China noong Peb. 14, na binanggit na ang barko ng China ay lumapit din sa BRP Malapascua sa “delikadong mga maniobra” na nagkaroon ng panganib ng banggaan at naglabas ng “mga iligal na hamon sa radyo” na nag-uutos sa barko ng PCG na umalis sa lugar.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
China Ministry of Foreign Affairs official website, Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin’s Regular Press Conference on February 13, 2023 (official transcript) (archive), Feb. 13, 2023
Philippine Coast Guard official Facebook page, PCG STATEMENT ON CHINESE VESSEL USING LASER AT PCG SHIP IN AYUNGIN (archive), Feb. 13, 2023
Permanent Court of Arbitration official website, Decision on the Philippines v. China regarding the South China Sea, July 12, 2016
United Nations official website, United Nations Convention on the Law of the Sea, Accessed Feb. 14, 2023
Official Gazette official website, Philippine position on Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) and the waters within its vicinity, April 18, 2012
Inquirer.net, What Went Before: Panatag Shoal standoff, April 21, 2021
Reuters, Philippines pulls ships from disputed shoal due to weather, June 16, 2012
GMA News Online, A year after Panatag stand-off, shoal firmly controlled by China, April 23, 2013
Department of Foreign Affairs official website, PH PROTESTS CN COAST GUARD USE OF MILITARY-GRADE LASER, DANGEROUS MANEUVERS AGAINST PCG NEAR AYUNGIN, Feb. 14, 2023
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)