Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Janette Garin na ‘wala kahit isa ang binawian ng buhay’ sa kampanya kontra droga ni Marcos NAKAPANLILIGAW

WHAT WAS CLAIMED

Wala ni isang drug user, peddler o trafficker ang napatay sa anti-drug campaign sa ilalim ng administrasyong Marcos.

OUR VERDICT

Nakapanliligaw:

Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Oktubre 9 na bumaba ang bilang ng mga nasawi sa anti-drug operations ng ahensya mula 40 noong 2020 – 2021 hanggang 19 noong 2022 – 2023. Bukod dito, ang Dahas Project ng UP Third World Studies Center, na sumusubaybay sa mga pagkamatay na may kaugnayan sa droga sa bansa, ay nagtala ng 438 na pagpatay na may kaugnayan sa droga mula Hunyo 30, 2022 hanggang Oktubre 15, 2023. Ayon sa database nito, 195 sa mga ito ay may kinasasangkutan ng mga ahente ng estado at 145 ay may “hindi kilalang” mga salarin na nananatili malaya.

By VERA Files

Oct 28, 2023

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Marami sa mga ulat ng balita ang sumipi kay Iloilo Rep. Janette Garin, deputy majority leader sa House of Representatives, na nagsasabing “wala kahit isang buhay” ng pinaghihinalaang drug traffickers, peddlers at users ang nasawi sa pagpapatupad ng anti-drug operations sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay nakapanliligaw.

PAHAYAG

Pinupuri ang “pagiging makatao” ng diskarte ni Marcos sa paglaban sa iligal na droga, sinabi ni Garin, isang dating kalihim ng health department:

Not a single life of a drug user, peddler, or trafficker was taken. It’s a testament to the belief that bloodshed isn’t the answer to this crisis. This administration will not stand by and watch small-time drug users and street pushers face dire consequences while the major importers and suppliers of these illegal drugs operate with impunity.”

(“Wala ni isang buhay ng gumagamit ng droga, nagbebenta, o trafficker ang nasawi. Ito ay isang patunay ng paniniwala na ang pagdanak ng dugo ay hindi sagot sa krisis na ito. Ang administrasyong ito ay hindi panonoorin na lamang ang mga maliliit na gumagamit ng droga at mga pusher sa kalye na nahaharap sa kakila-kilabot na kahihinatnan habang ang mga pangunahing importer at supplier ng mga ilegal na droga ay malayang kumikilos nang hindi napaparusahan.”)

 

Pinagmulan: Abante Tonite, Anong sey mo Digong? PBBM suwabe diskarte sa giyera vs droga, Oktubre 15, 2023; Manila Bulletin, Ranking solons hail PBBM’s ‘bloodless drug war’ after Duterte hits House, Oktubre 15, 2023; NET25, Bloodless Illegal Drug Campaign ni PBBM Suportado ng Liderato sa Kamara, Oktubre 17, 2023

Ang parehong mga ulat ng balita ay sumipi kay Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na sinasabing ang anti-drug campaign ni Marcos ay “hindi madugo.”

(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ng mambabatas ng Surigao Del Norte na ‘hindi madugo’ ang kampanya laban sa droga ni Marcos NAKAPANLILIGAW)

ANG KATOTOHANAN

The Philippine Drug Enforcement Agency reported on Oct. 9 that the number of deaths from the agency’s anti-drug operations has gone down from 40 in 2020 – 2021 to 19 in 2022 – 2023.

Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Oktubre 9 na bumaba ang bilang ng mga namatay sa mga operasyon ng ahensya laban sa droga mula 40 noong 2020 – 2021 hanggang 19 noong 2022 – 2023.

Bukod dito, ang Dahas Project ng Third World Studies Center sa University of the Philippines ay nakapagtala ng 438 na pagpatay na may kaugnayan sa droga mula Hunyo 30, 2022 hanggang Oktubre 15, 2023. Ayon sa database nito, 195 sa mga ito ay may kinalaman sa mga ahente ng estado at 145 ang nagkaroon ng “hindi kilalang” mga salarin na nananatiling malaya.

Pahayag ni Janette Garin na ‘wala kahit isa ang binawian ng buhay' sa kampanya kontra droga ni Marcos NAKAPANLILIGAW

Sinusubaybayan ng Dahas Project ang mga pagkamatay na may kaugnayan sa droga sa bansa. Kumukuha ito ng datos mula sa mga ulat ng balita na mula sa mga opisyal na nagpapatupad ng batas.

(Tingnan ang Who says Marcos war on drugs is ‘bloodless’? at VERA FILES FACT SHEET: Pagkakaiba sa bilang ng katawan ng mga biktima ng giyera laban sa droga ipinaliwanag)

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

Inquirer.net, PNP: 46 killed in drug war under Marcos ‘very minimal’, Nov. 16, 2022

CNN Philippines, PNP records 46 killed in drug operations under Marcos, Nov. 14, 2022

One PH, PNP: 46 Killed In Drug War Under Marcos, Nov. 15, 2022

Dahas Project, About, accessed Oct. 25, 2023

House of the Representatives of the Philippines, Committee on Dangerous Drugs, Oct. 9, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.