Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Marcos nag-iba ng posisyon sa posibilidad ng muling pagsali ng PH sa ICC

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “pinag-aaralan” ang posibilidad ng “muling pagsali” (ng Pilipinas) sa ICC.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Noong Agosto 2022, sinabi ni Marcos na ang Pilipinas ay “walang intensyon na muling sumali” sa Netherlands-based ICC.

By VERA Files

Nov 25, 2023

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagsasabi noong Agosto 2022 na ang Pilipinas ay “walang intensyon” na muling sumali sa International Criminal Court (ICC), sinabi ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbabalik ng Pilipinas sa Netherlands-based tribunal ay “pinag-aaralan.”

Tinukoy ng ilang public figure ang pag-alis ng bansa sa ICC bilang katwiran sa pagsasabing walang hurisdiksyon ang tribunal sa mga pagpatay na may kinalaman sa droga bago ang 2019 sa ilalim ng administrasyong Duterte. Paulit-ulit na pinabulaanan ng VERA Files Fact Check ang mga pahayag na ito. (Basahin ang Disinformation about ICC echoes Duterte’s defense, targets prosecutors)

PAHAYAG

Sa panayam ng media noong Biyernes, Nob. 24, pagkatapos ng inagurasyon ng isang ospital sa Taguig City, isang reporter ang nagtanong kay Marcos tungkol sa kanyang saloobin sa isang resolusyon na inihain noong Nob. 21 sa House of Representatives na humihimok sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na makipagtulungan sa pagsisiyasat ng ICC sa madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Inilarawan ang resolusyon ng Kamara bilang “hindi pangkaraniwan,” sumagot si Marcos:

“As I have always said, there are still some problems in terms of jurisdiction and sovereignty. Now, if you can solve those problems then that would be something else. […] There is also a question: Should we return under the fold of the ICC? So, thats again under study. So, we’ll just keep looking at it and see what our options are.”

(“Katulad ng lagi kong sinasabi, may mga problema pa rin sa usapin ng jurisdiction at sovereignty. Ngayon, kung malulutas mo ang mga problemang iyon, iba na iyon. […] Mayroon ding tanong: Dapat ba tayong bumalik sa ICC? Kaya, iyan ay pinag-aaralan na naman yan. Kaya, patuloy lang naming titingan ito at tingnan kung ano ang ating mga opsyon.”)

 

Mga Pinagmulan: RTVMalacañang Official Facebook Page, WATCH: President Ferdinand R. Marcos Jr. answers questions from the media | Nob. 24, 2023, Nob. 24, 2023, panoorin mula 00:50 hanggang 01:33

ANG KATOTOHANAN

Ito ay isang pagbabago mula sa pahayag ni Marcos noong Agosto 1, 2022, isang araw matapos makipagpulong sa mga legal executive ng kanyang administrasyon upang talakayin ang kanilang posisyon sa pagsisiyasat ng ICC. Sinabi ng pangulo noon:

“The Philippines has no intention of rejoining the ICC. […] Eh, sinasabi naman namin may imbestigasyon naman dito at patuloy rin naman ang imbestigasyon, bakit magkakaroon ng ganoon?”

(“Walang intensyon ang Pilipinas na muling sumali sa ICC. […] Eh, sinasabi naman namin may imbestigasyon naman dito at patuloy din naman ang imbestigasyon, bakit magkakaroon ng ganoon?”)

 

Pinagmulan: RTVMalacañang Official Facebook Page, WATCH: President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. visits a COVID-19 vaccination site at Pasig City Sports Center, Agosto 1, 2022, panoorin mula 10:30 hanggang 11:26

VERA FILES FACT CHECK: Noong Agosto 2022, sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na "walang intensyon na muling sumali" ang Pilipinas sa ICC. Ngayon, sabi niya, "pinag-aaralan" ang muling pagsali ng bansa sa ICC na nakabase sa Netherlands.

Noong Hulyo ng nakaraang taon, inimbitahan ng ICC Pre-Trial Chamber I ang mga biktima ng drug war at ang gobyerno ng Pilipinas na magsumite ng kanilang mga komento hanggang Set. 8, 2022 sa kahilingan ni ICC Prosecutor Karim Khan na ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa drug war.

(Basahin ang ICC chamber invites victims, PHL government to submit ‘views, concerns’ on call to resume drug war probe)

Bilang tugon, hiniling ng Pilipinas sa Pre-Trial Chamber na tanggihan ang kahilingan ni Khan na ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Noong Enero ngayong taon, ipinagpatuloy ng ICC ang imbestigasyon nito sa giyera laban sa droga at tinanggihan ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na suspindihin ang pagsisiyasat makalipas ang dalawang buwan.

(Basahin ang ICC resumes full-blown investigation into Duterte administration’s drug war at ICC denies PH request to suspend drug war investigation)

BACKSTORY

Kumalas ang Pilipinas sa ICC noong Marso 2018 bilang reaksyon sa paglulunsad ni dating ICC prosecutor Fatou Bensouda ng isang paunang pagsusuri sa mga pagpatay sa giyera laban sa droga sa ilalim ng termino ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang pagtiwalag ng bansa sa Rome Statute, ang founding treaty ng ICC, ay nagkabisa noong Marso 16, 2019.

(Basahin ang VP Sara, 2 senators named in ICC probe documents)

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

House of Representatives, House Resolution No. 01477, Nov. 21, 2023

RTVMalacañang Official Facebook Page, WATCH: President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. visits a COVID-19 vaccination site at Pasig City Sports Center, Aug. 1, 2022

International Criminal Court, Philippine Government’s Observation on the Office of the Prosecutor’s Request, Sept. 8, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.