Kailangan ilagay sa tamang konteksto ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na wala sa U.S. 2020 budget law ang probisyon na nagbabawal makapasok sa Estados Unidos ang mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa “maling” pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima. Samantala, kinumpirma ng Malacañang na mayroong ban.
PAHAYAG
Sa isang panayam sa radyo noong Enero 4, sinabi ni Locsin na nagpadala siya ng isang memorandum kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng U.S. entry ban, na nagsasabing:
“We looked at the US Appropriations Act. There is no mention of denying visas to Filipinos and there is no mention of De Lima in the U.S. Appropriations Act. It’s in the Senate Resolution (Tiningnan namin ang US Appropriations Act. Walang binanggit na pagtanggi sa visa ng mga Pilipino at walang binanggit na De Lima sa U.S. Appropriations Act. Nasa Senate Resolution ito).”
Pinagmulan: ABS-CBN News, Locsin: Allowing foreigners to enter Philippines without visa is ‘wrong’ | DZMM, Enero 4, 2020, panoorin mula 0:04 hanggang 0:19
Idinagdag niya:
“Walang ban. Right now there’s no ban because there’s supposed to be a finding. But remember that’s a Senate resolution. It did not appear in the U.S. Appropriations Act (Sa ngayon, walang ban dahil kailangan ng kongklusyon. Ngunit tandaan na ito ay resolusyon ng Senado. Hindi ito lumitaw sa U.S. Appropriations Act).”
Pinagmulan: panoorin mula 4:52 hanggang 5:09
ANG KATOTOHANAN
Bagaman totoo na walang tahasang pagbanggit kay De Lima sa US Appropriations Act, saklaw din nito ang probisyon ng ulat ng Senado na nagbabawal sa mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa kanyang “maling pagkabilanggo” sa pagpasok sa US (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: US entry ban true; state secretary to determine De Lima accusers to be barred from US)
Ang Section 4 ng Batas ay nagsasabi na ang kasamang explanatory statement ay magkakaroon ng “magkatulad na epekto tungkol sa paglalaan ng mga pondo at pagpapatupad.…”
Ang mga explanatory statement o “report language” na kasama ng mga panukalang batas na naglalaan ng pondo ay nagbibigay ng “mas detalyadong patnubay” sa mga kagawaran at ahensya, at maaaring “humiling o humikayat [sa mga ito] na gumawa ng tinukoy na aksyon o pigilin sa paggawa ng isang tiyak na aksyon,” ayon sa isang 2010 explainer ng U.S. Congressional Service.
Bagaman ang isang explanatory statement “ay walang puwersa na ayon sa batas,” nangangahulugang ang mga kagawaran at ahensya ay “hindi ligal na nakatali ng [mga] deklarasyon,” ang mga ahensya ng ehekutibo ng Estados Unidos ay “sineseryoso ito” dahil dapat nilang bigyang-katwiran ang kanilang taunang kahilingan na budget sa Kongreso, ang karagdagang pagpapaliwanag ng explainer.
Sa ilalim ng Division G ng explanatory statement ng U.S. 2020 budget law — ang section na nagdedetalye ng mga paglalaan para sa Department of State, Foreign Operations at mga kaugnay na programa — ang ahensya ng U.S. Federal government ay inatasan na “sumunod sa mga direktiba” ng ulat kasama ang Senate Bill 2583, ang State Department budget bill ng Senado, at ang counterpart nito sa Kamara.
Ito ay humahantong sa U.S. Senate Committee Report 116-126 na naglalaman ng section 7022, ang probisyon na tahasang nagbabawal sa pagpasok ng:
“…government officials about whom the Secretary [of State] has credible information have been involved in the wrongful imprisonment of…Senator Leila de Lima who was arrested in the Philippines in 2017 (mga opisyal ng gobyerno na ang Secretary [of State] ay may kapani-paniwala na impormasyon na kasangkot sa maling pagkabilanggo ni … Senador Leila de Lima na inaresto sa Pilipinas noong 2017).”
Pinagmulan: U.S. Congress, S. Rept. 116-126, Set. 26, 2019
Si U.S. Secretary of State Mike Pompeo ang magpapasya kung sino sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbabawalan na pumasok sa U.S.
Sinabing ang impormasyon ay mula kay Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel “Babe” Romualdez, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na totoo ang ban noong Dis. 29, 2019.
Mga Pinagmulan
ABS-CBN News, Locsin: Allowing foreigners to enter Philippines without visa is ‘wrong’ | DZMM, Jan. 4, 2020
U.S. Congress, H.R.1865, Dec. 20, 2019
U.S. House of Representatives, Explanatory Statement submitted by Mrs. Lowey, Chairwoman of the House Committee on Appropriations Regarding H.R. 1865, Dec. 16, 2019
U.S. Congress, Appropriation Bills: What is Report Language?, March 23, 2010
Phoenix Sky Harbor International Airport, Explanatory Statements Attached to Congressional Legislation, n.d.
U.S. Senate, Conference Reports and Joint Explanatory Statements, June 11, 2015
U.S. House of Representatives, Division G – Department of State, Foreign Operations, and related programs Appropriations Act 2020, Dec. 16, 2019
U.S. Congress, S. Rept. 116-126, Sept. 26, 2019
Inquirer.net, BREAKING: Palace says entry ban of PH officials in US is ‘true’, Dec. 29, 2019
Manila Bulletin, Palace: US travel ban vs. PH officials ‘true’, Dec. 29, 2019
Philstar.com, Palace: Provision barring De Lima jailers from US actually exists, Dec. 29, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)