Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos na ‘maraming pulis ang nakakulong’ dahil sa mga paglabag na may kaugnayan sa droga nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

“Marami nang pulis ang tinanggal sa serbisyo dahil napatunayang may pananagutan sila, naisampa na ang mga kaso. Marami na ang nasa kulungan,” sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa pagbibigay ng hustisya ng kanyang administrasyon sa mga biktima ng giyera laban sa drogra ni Duterte.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Bagama’t 177 pulis ang iniulat na kinasuhan sa ilalim ng administrasyong Marcos dahil sa mga paglabag na may kaugnayan sa kampanya nito laban sa droga, mayroon lamang dalawang kasong nahatulan ng korte na may kaugnayan sa drug war ni Duterte, na nais imbestigahan ng International Criminal Court.

By VERA Files

Mar 20, 2024

4-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Sa isang panayam noong Marso 4 sa Australian Broadcasting Corporation (ABC) News, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “maraming pulis” ang pinanagot para sa mga paglabag na may kaugnayan sa droga at ang kanyang administrasyon ay “hindi interesado” sa mga small-time na adik. Ito ay nangangailangan ng konteksto.

PAHAYAG

Sa pagtugon sa tanong ni ABC journalist Sarah Ferguson kung paano ang plano ng kanyang administrasyon na bigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Marcos:

We have made a great deal of progress in that regard where many policemen have already been removed from service because they’ve been found to be liable. Cases have been filed. Many are already in jail.”

(“Malaki na ang naging progreso natin sa usaping iyon kung saan marami nang pulis ang tinanggal sa serbisyo dahil napatunayang may pananagutan sila. Naisampa na ang mga kaso. Marami na ang nasa kulungan.”)

Pinagmulan: ABC News In-depth, Single ‘mistake’ could trigger South China Sea conflict, warns Philippines President | 7.30, Marso 4, 2024, panoorin mula 10:06 hanggang 10:19

Kalaunan ay inulit niya ang pagbabago sa kampanya laban sa droga ng kanyang administrasyon, na nakatuon sa edukasyon at rehabilitasyon ng mga adik sa droga:

What we try to do is to now go back to the families of those [killed in the drug war] and see what we can do to make things right for them, as long as it can be shown, of course, that they were not actually involved in the drug trade. As I said very early on, we are not interested in a small-time addict, for example. An addict, you take them to the hospital, you take them to rehab… We dont [shoot them].”

(“Ang sinisikap naming gawin ay bumalik ngayon sa mga pamilya ng mga [napatay sa giyera laban sa droga] at tingnan kung ano ang magagawa namin para maitama ang mga bagay para sa kanila, basta maipakita, siyempre, na sila ay hindi talaga sangkot sa kalakalan ng droga. Tulad ng unang sinabi ko, hindi kami interesado sa small-time na adik, halimbawa. Ang adik, dadalhin mo sa ospital, dadalhin mo sa rehab… Hindi namin [sila binabaril].”)

Pinagmulan: panoorin mula 10:24 hanggang 10:57

ANG KATOTOHANAN

Bagamat 177 pulis ang iniulat na sinampahan ng kaso dahil sa mga paglabag sa ilalim ng kampanya laban sa droga ng administrasyong Marcos, mayroon lamang dalawang kilalang kaso na nahatulan ng korte na may kaugnayan sa digmaang droga ni Duterte, na iniimbestigahan ng International Criminal Court.

Nangangailangan ng konteksto ang pahayag ni Marcos na maraming pulis ang nakulong dahil sa paglabag sa drug laws. Bagama’t may naiulat na 177 pulis na nakasuhan sa ilalim ng Marcos administration, meron lamang dalawang court convictions kaugnay sa drug war ni Duterte.

Ang una sa mga hatol na ito ay ibinaba noong Nob. 29, 2018, nang mapatunayan sa regional trial court sa Caloocan City na nagkasala ang tatlong pulis sa pagpatay kay Kian delos Santos. Pagkalipas ng limang taon, noong Marso 13, 2023, hinatulan ng korte ng Navotas City ang na-dismiss na pulis na si Jeffrey Perez dahil sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo Kulot” De Guzman noong 2017.

Hindi pa sinasagot ng Philippine National Police ang kahilingan ng VERA Files para sa datos kaugnay ng bilang ng mga pulis na nakulong at/o tinanggal sa serbisyo sa ilalim ng drug war ni Duterte.

Bagama’t nangako si Marcos na ilipat ang pokus ng kampanya ng gobyerno sa pagtugon sa drug dependence sa pamamagitan ng community-based rehabilitation, ang Dahas Project ng Third World Studies Center sa University of the Philippines ay nakapagtala ng 331 na pagpatay na may kaugnayan sa droga noong 2023.

Sa mga nasawi, 17 ang mga gumagamit na natagpuang may maliit na halaga ng iligal na droga na tinutukoy na para sa personal na paggamit. Mahigit sa kalahati ang nakilala bilang mga pusher na, ayon sa mga ulat, “nauna nang bumaril sa pulisya” at mga indibidwal na may mga naunang rekord na nahatulan sa mga kaso sa droga o sumuko para sa lokal na rehabilitasyon, bukod sa iba pa.

(Basahin ang The 2023 Dahas Report: The casualties of Marcoss bloodless” drug war)

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Office, PBBM: 177 police officers charged with drug-related offenses in NCR; DOJ pursuing 151,818 court cases, Jan. 9, 2024

Presidential Communications Office, PBBM pushes for a new faceto campaign vs. illegal drugs, July 24, 2023

Conviction of police officers for the murder of Kian delos Santos

Conviction of dismissed police officer for the murder of two Cainta teens

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.