Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Panelo na laging bukas si Duterte sa usapang pangkapayapaan sa mga Komunista hindi totoo

Mali ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na si Pangulong Rodrigo Duterte ay palaging nag-iiwan ng isang "bintanang" bukas para sa usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines (CPP) at founding chair na si Jose Maria Sison.

By VERA Files

Jan 19, 2020

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na si Pangulong Rodrigo Duterte ay palaging nag-iiwan ng isang “bintanang” bukas para sa usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines (CPP) at founding chair na si Jose Maria Sison.

PAHAYAG

Sa isang panayam sa radyo noong Enero 2, tinanong si Panelo tungkol sa sitwasyon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyernong Duterte at ng CPP, ang armadong puwersa nito, ang New People’s Army, at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi niya:

“Unang-una palaging sinasabi niya (Duterte) na, ‘Meron akong puwang diyan, may bintana ako palagi diyan. Sapagkat para sa akin ayaw ko nang magkaroon ng patayan ng mga kapwa Pilipino’…”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Interview with Secretary Salvador Panelo by Ted Failon/Failon Ngayon/DZMM, Enero 2, 2020

ANG KATOTOHANAN

Salungat sa pahayag ni Panelo, si Duterte, batay sa kanyang pahayag sa publiko, ay hindi palaging “bukas” sa usapang pang kapayapaan sa CPP-NPA-NDF. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte blows hot and cold with the Reds)

Pa iba iba ang paninindigan ng pangulo sa kanyang pakikitungo sa mga rebeldeng komunista kahit na bago at matapos na opisyal niyang wakasan ang negosasyong pangkapayapaan noong Nobyembre 2017 at idineklarang isang teroristang organisasyon ang CPP-NPA makalipas ang isang buwan. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Bakit peligroso ang ‘red tagging’)

Noong 2019 lamang, ilang ulit nagbago ng isip ni Duterte tungkol sa isyu. Panoorin ang video na ito.

VERA FILES FACT CHECK: Panelo falsely claims Duterte has always been open to peace talks with Reds from VERA Files on Vimeo.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Interview with Secretary Salvador Panelo by Ted Failon/Failon Ngayon/DZMM, Jan. 2, 2020

Official Gazette, Proclamation No. 360, Nov. 23, 2017

Official Gazette, Proclamation 374, Dec. 5, 2017

Radio Television Malacañang official YouTube channel, Situation Briefing on the Effects of Tropical Depression Usman, Jan. 4, 2019

Joma Sison welcomed Pres. Rodrigo Duterte’s call to resume peace talks

Radio Television Malacañang official YouTube channel,, Visit to the Victims of the Jolo Cathedral Bombing (Speech) 1/28/2019, Jan. 29, 2019

Radio Television Malacañang official YouTube channel,, Peace and Order Summit for Barangay Officials (Speech) 02/08/2019, Feb. 10, 2019

Jose Maria Sison official website, Joma slams Duterte’s ‘insulting’ offer to revive peace talks, Feb. 8, 2019

Radio Television Malacañang official YouTube channel, 9th Anniversary of the MinDA and 25th Anniversary of the BIMP-EAGA (Speech) 02/19/2019, Feb. 19, 2019

Jose Maria Sison official website, Response to Duterte Statement, Feb. 20, 2019

GMA News Online, Joma says Duterte ‘must be crazy’ for asking NPA to drop their guns, March 14, 2019

Business World, Sison again says Duterte’s demands to resume peace talks unacceptable, March 14, 2019

Radio Television Malacañang official YouTube channel, 122nd Philippine Army (PA) Founding Anniversary (Speech) 3/21/2019, March 21, 2019

Radio Television Malacañang official YouTube channel, Partido Demokratiko ng Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Cabadbaran City Campaign Rally (Speech), April 22, 2019

CNN Philippines, 4 cops killed by NPA rebels in Negros Oriental – PNP, July 19, 2019

Philstar.com, Raps filed vs NPA rebels for killing Negros cops, July 23, 2019

Radio Television Malacañang official YouTube channel Mindanao-Wide Turnover and Distribution of CLOA to Agrarian Reform Beneficiaries (Speech) 8/2/2019, Aug. 2, 2019

Radio Television Malacañang official YouTube channel, Oath-Taking of the Newly Promoted Star Officers of the Philippine National Police (Speech), Aug. 8, 2019

Radio Television Malacañang official YouTube channel, Media Interview – Malacañan Palace 9/10/2019, Sept. 10, 2019

Presidential Communications Operations Office, Inauguration of the Bataan Government Center and Business Hub ‘The Bunker’ (Speech) 9/12/2019, Sept. 12, 2019

Presidential Communications Operations Office, Situation Briefing on the Effects of Typhoon Tisoy in the Bicol Region Legazpi City Convention Center, Legazpi City, Albay December 5, 2019, Dec. 5, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.