Umani ng batikos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) noong nakaraang linggo mula sa mga estudyante, mga alagad ng sining at mga human rights activists/tagapagtaguyod ng karapatang pantao matapos na inilabas nito ang isang hindi beripikadong listahan ng mga paaralan na sinasabi nitong bahagi ng pinaghihinalaang planong tinatawag na “Red October” na pinangungunahan ng mga komunista.
Pinangalanan ng AFP Assistant Deputy Chief of Staff for Operations Antonio Parlade Jr. noong Okt. 3 ang 18 mga paaralan sa Metro Manila kung saan sinabi niya ang Communist Party of the Philippines (CPP) ay nagsagawa ng mga screening ng pelikula tungkol sa batas militar ni Marcos para mag-recruit ng mga bagong miyembro.
Pinasinungalingan ng marami sa mga paaralan ang pahayag at nanawagan na maglabas ng patunay. Samantala, idiniin ng mga balita na walang eskwelahan na “Caloocan City College” ay sa mga opisyal na rekord.
Sa gitna ng kontrobersiya, inamin ng AFP na ang ilan sa mga paaralang tinukoy nito ay “paksa pa rin ng patuloy na pagpapatunay” – dalawang araw pagkatapos na gawin ni Parlade ang pahayag.
Ang isang Commission on Human Rights (CHR) sa isang pahayag ay nagsabi na ang “pagkalahatang ginawa ng AFP na red-tagging” ay “naglalagay sa mga estudyante sa peligro.”
Ano ba ang “red-tagging” at bakit ito mapanganib? Narito ang apat na bagay na kailangan mong malaman.
Ano ang “red-tagging” aka “red-baiting”?
Tinutukoy ng Oxford Living Dictionary ang “red-tagging” o red-baiting bilang panliligalig o pag-uusig ng isang tao dahil sa “kilala o pinaghihinalaang simpatya sa komunismo.” ”
Sa kanyang dissenting opinion sa Zarate vs Aquino III, binanggit ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang isang artikulo sa 2011 journal na naglalarawan sa red-baiting bilang:
“ang pagkilos ng pag-label, pagba-brand, pagbibigay ng pangalan at pag-aakusa sa mga indibidwal at / o mga organisasyon ng pagiging maka-kaliwa, subersibo, komunista o terorista (ginamit bilang) isang estratehiya … ng mga ahente ng Estado, partikular na mga ahensiyang nagpapatupad ng batas at militar, laban sa mga na itinuturing na ‘banta’ o ‘mga kaaway ng Estado’. “
Ang mga petisyoner sa kaso ay humingi sa korte ng writ ng amparo at writ ng habeas data –parehong naglalayon na protektahan ang karapatan ng isang tao sa buhay, kalayaan at seguridad – dahil sa umano’y panliligalig matapos na tukuyin ng militar bilang “mga pangunahing organisasyon ng komunista. ”
Habang pinawalang-bisa ng korte ang petisyon, sinabi ni Leonen na ang kaso ay may kasamang red-baiting.
Ang CHR sa isang text message sa VERA Files ay nagsasabing ginagamit nito ang pakahulugan ng nonprofit na International Peace Observers Network (IPON):
“Isang gawa ng mga aktor ng Estado, partikular ang mga ahensya na pagpapatupad ng batas, na hayagang bigyan ng tatak ang mga indibidwal, grupo, o institusyon bilang … kaalyado ng komunista o mga maka-kaliwang terorista.”
Ang terminong Red ay ginagamit bilang isang impormal at tatak para sa mga Komunista o Sosyalista. Tinutukoy nito ang dating Union of Soviet Socialist Republics, sa heograpiya ang pinakamalaking bansa sa mundo mula 1922 hanggang 1991. Ang bandera ng Soviet ay pula, dinisenyo na may gintong martilyo, karit at bituin sa itaas na kaliwang sulok nito.
Isa bang teroristang organisasyon ang CPP-NPA?
Ang CPP at ang kanyang armadong grupo, ang New People’s Army (NPA), ay nakalista bilang isang dayuhang teroristang organisasyon sa Estados Unidos noong 2002.
Noong Disyembre 5, 2017, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang CPP-NPA bilang isang teroristang organisasyon.
Tinukoy ng Human Security Act of 2007 (HSA) o Republic Act 9372 ang isang organisasyong terorista bilang anumang grupo ng mga tao na gumawa ng ilang mga krimen sa Revised Penal Code — tulad ng paghihimagsik, kudeta, kidnapping, at pagpatay, at iba pa — upang maghasik ng “laganap at pambihirang takot at sindak sa mga mamamayan upang pilitin ang pamahalaan na bumigay sa isang labag sa batas na kahilingan.”
Gayunpaman, ang pamahalaan, ayon sa seksyon 17 ng HSA, ay kailangang humingi ng pahintulot mula sa korte bago opisyal na ideklara ang isang organisasyon na “terorista.” Ang Departmnet of Justice ay nagsampa ng petisyon sa Manila regional trial court noong Pebrero 21, ngunit hindi pa nakapagpapasya ang korte sa kaso.
Ano ang maaaring mangyari kung ikaw ay red-baited?
Kung ang korte ay pumabor sa gobyerno, ang mga tao at grupo na pinaghihinalaang — hindi kinakailangang napatunayan — na may kaugnayan sa CPP-NPA ay maaring ilagay sa ilalim ng pagmamatyag, ang kanilang mga pag-aari ay ipagbawal na magalaw, o kahit ikulong ng walang isinasampang kaso.
Inilista ng HSA ang apat na uri ng mga kasong terorismo:
Ang red-baiting sa pinakamalubha/pinakamalalang kaso ay maaaring humantong sa mga walang warrant na pag-aresto, tortyur, enforced disappearances (ED), o pinakamasama, ekstrahudisyal na pamamaslang (EJK), ayon sa pag-aaral ng IPON noong 2012.
“Bagaman ang Red-baiting ay hindi kinakailangan na magwakas sa mga paglabag sa mga karapatang pantaong ito, maraming mga kaso ng EJK at ED ang may kinalaman sa Red-Baiting (sic),” sabi ng IPON.
Nagkaroon ba ng red-baiting noong nakaraan?
Oo.
Ang isa sa mga pangunahing estratehiya ng militar laban sa CPP-NPA na nasa ilalim ng noon’y presidente Gloria Macapagal-Arroyo ay “pagbubuwag ng mga civil society organization ” na umano’y “mga pangkat na sumusuporta sa CPP,” kahit na walang patunay, batay sa 2008 na ulat ng United Nations human rights special rapporteur Philip Alston. Tinawag niya itong “paninirang-puri ng mga kaaway.”
Nagresulta ito sa labis na ekstrahudisyal na pagpatay ng mga aktibistang maka-kaliwa, kabilang ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, mga unyonistang manggagawa at mga aktibista para sa reporma sa lupa, mula noong umupo si Arroyo sa panguluhan noong 2001, sinabi niya.
Sa isang ulat ng balita, ang executive secretary ni Arroyo, si Eduardo Ermita ay nagsabi na ang mga pagpatay ay “hindi isang pambansang patakaran.”
Ang taliwas na opinyon/dissenting opinion ni Leonen ay binanggit ang mga natuklasan ni Alston sa mga red-baiting na nangyari.
Ang HSA, ang pangunahing batas ng bansa na lkontra-terorismo, ay pinagtibay noong panahon ni Arroyo.
Mga pinagkunan ng impormasyon:
CNN Philippines, AFP official: CPP recruits in Manila schools through martial law film screenings, Oct. 3, 2018.
ABS-CBN News Online, AFP bares Metro Manila schools linked to ‘Red October’, Oct. 3, 2018.
GMA News Online, AFP officials name schools where Reds allegedly recruit students for ouster plot, Oct. 3, 2018.
Philstar.com, Universities deny alleged ‘Red October’ involvement, Oct. 3, 2018.
ABS-CBN News Online, Universities reject military allegations linking them to ‘Red October’, Oct. 4, 2018.
GMA News Online, More schools deny AFP’s accusation of CPP recruitment, Oct. 4, 2018.
Philstar.com, AFP ‘red-tagged’ schools using unverified information, Oct. 4, 2018.
News5, NOT VERIFIED | AFP: List of schools linked to Red October plot ‘under validation’, Oct. 4, 2018.
Rappler.com, AFP admits list of schools linked to Red October not yet fully verified, Oct. 4, 2018.
Commission on Human Rights official Facebook page, ON THE LIST OF UNIVERSITIES ALLEGEDLY LINKED TO “RED OCTOBER”, Oct. 4, 2018.
Senate of the Philippines, Committee of Finance (Subcommittee “E”) (Oct. 2, 2018), Oct. 2, 2018.
Supreme Court, G.R. No. 220028 J. Leonen Dissenting Opinion, Nov. 10, 2015.
IPON, Red-Baiting: Civil Society under general suspicion, Nov. 2, 2011.
IPON, Red-Baiting in the Philippines, December 2012.
History, Red Scare, June 1, 2010.
International Business Times, Why is The Color Red Associated With Communism?, June 30 , 2011.
The Times of India, Why are Communists called ‘reds’?, Feb. 11, 2007.
Official Gazette, Proclamation 374, s. 2017.
GMA News Online, DOJ asks Manila court to declare CPP-NPA as terror group, Feb. 21, 2018.
Inquirer.net, Declare CPP-NPA as terrorist group, gov’t asks court, Feb. 21, 2018.
Rappler.com, DOJ formally seeks court declaration of CPP-NPA as terrorists, Feb. 21, 2018.
Senate of the Philippines, RA 9372 (Human Security Act of 2007).
United Nations, Report of the Special Rapporteur on extrajudicial, summary or arbitrary executions, Philip Alston, April 16, 2008.
BISIG, FAQs on the Human Security Act, July 15, 2007.
The New York Times, UN expert urges Philippines to solve political killings, Feb. 21, 2007.