Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Panelo bumaligtad tungkol sa meeting ni Robredo sa mga opisyal ng US, UN

Mula sa pagtawag na "tamang hakbang," tinawag ngayon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pakikipagulong ni Vice President Leni Robredo sa mga opisyal mula sa US at UN na "maling hakbang" na humantong sa kanyang pagpapatalsik bilang co-chair ng kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

By VERA FILES

Dec 4, 2019

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagtawag na “tamang hakbang,” tinawag ngayon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pakikipagulong ni Vice President Leni Robredo sa mga opisyal mula sa United States (US) at United Nations (UN) na “maling hakbang” na humantong sa kanyang pagpapatalsik bilang co-chair ng kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Panelo negates Duterte, now says Robredo had ‘access to everything’ in ICAD)

Sa loob ng isang linggo matapos niyang tanggapin ang appointment bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), nakipagpulong si Robredo sa mga kinatawan ng UN Office of Drugs and Crime, at mga miyembro ng mga ahensya na nagpapatupad ng batas laban sa droga sa US.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo bilang co-chair ng ICAD matapos sabihin ng huli sa publiko na ang giyera ng gobyerno laban sa droga ay “malinaw na hindi gumagana.” (Tignan ang VERA FILES FACT CHECK: Robredo contradicts LP spox; accepts offer to lead efforts vs. illegal drugs)

Panoorin kung paano bumaligtad ang spokesman.

VERA FILES FACT CHECK: Panelo backtracks on stance about Robredo meeting with US, UN officials from VERA Files on Vimeo.

 

 

Sources

Presidential Communications Operations Office, Media Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo at the Haeundae Sunset Business Hotel in Busan, South Korea, Nov. 25, 2019

CNN Philippines, The Source: Sal Panelo, Nov. 14, 2019

ABS-CBN News, UN body, Robredo meet over new VP-led anti-drug campaign, Nov. 11, 2019

Rappler.com, Robredo, U.N. tackle ‘best practices’ on health-based approach vs drugs, Nov. 11, 2019

GMA News Online, Leni Robredo meets with representatives from UN Office on Drugs and Crime, Nov. 11, 2019

Vice President Leni Robredo official Facebook page, Vice President Leni Robredo meets with members of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, Nov. 8, 2019

Vice President Leni Robredo official Facebook page, Vice President Leni Robredo holds media briefing, Nov. 14, 2019

Vice President Leni Robredo official Facebook page, LOOK: Nakipagpulong kaninang umaga si VP Leni Robredo sa mga kasapi ng US Embassy, Nov. 13, 2019

Robredo’s visits to local stakeholders

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.