Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Panelo inulit ang maling pahayag na ‘walang hurisdiksyon’ ang ICC para imbestigahan ang drug war ni Duterte

WHAT WAS CLAIMED

Walang hurisdiksyon ang International Criminal Court sa mga sinasabing krimen laban sa sangkatauhan na nauugnay sa giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Nananatili ang hurisdiksyon ng ICC sa mga sinasabing krimen na sakop ng Rome Statute na ginawa sa Pilipinas nang state party pa ito mula Nob. 1, 2011 hanggang sa pag-withdraw nito, na nagkabisa noong Marso 17, 2019. Ito rin ang posisyon ng Korte Suprema tungkol sa isyu.

By VERA Files

Apr 8, 2022

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa hindi bababa sa pangalawang pagkakataon, inulit ni senatorial candidate Salvador Panelo ang isang maling pahayag na ang International Criminal Court (ICC) ay “walang hurisdiksyon” na imbestigahan ang mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan na nauugnay sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Panoorin ang video:

 

Ito rin ang posisyon ng Korte Suprema sa isyu.

Sa isang desisyon noong Marso 16, 2021 na isinulat ni Associate Justice Marvic Leonen sa isang petisyon na inihain ng mga senador ng oposisyon na nagprotesta sa unilateral na pagkalas ng bansa sa Rome Statute, sinabi ng mataas na hukuman na:

“…withdrawal from the Rome Statute does not affect the liabilities of individuals charged  before the International Criminal Court for acts committed up to this date (March 17, 2019).”

 

(…ang pag-alis mula sa Rome Statute ay hindi nakakaapekto sa mga pananagutan ng mga indibidwal na kinasuhan sa harap ng International Criminal Court para sa mga pagkilos na ginawa hanggang sa petsang ito (Marso 17, 2019).)

 

Pinagmulan: E-Library ng Korte Suprema, G.R. No. 238775, Marso 21, 2021

Na-flag ng VERA Files Fact Check ang isang katulad na pahayag ni Panelo noong 2021 nang banggitin niya ang isang “requirement” para sa Rome Statute na mailathala sa Official Gazette upang magkabisa ang tratado. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Panelo sa hurisdiksyon ng ICC, batayan ng drug war probe mali, nakaliligaw)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

ANC 24/7 Official Youtube Channel, Headstart: PH Senatorial aspirant Salvador Panelo | ANC, April 7, 2022

ANC 24/7 Official Youtube Channel, Panelo: Accusations against president over human rights violations in drug war absolutely not true, April 7, 2022

International Criminal Court, Rome Statute of the International Criminal Court, Accessed April 7, 2022

International Criminal Court, PRE-TRIAL CHAMBER 1: Decision on the Prosecutor’s request for authorisation of an investigation pursuant to Article 15(3) of the Statute (p. 38), Sept. 15, 2021

Presidential Communications Operations Office, Palace confirms PH withdrawal from ICC over prosecutor’s violation of complementarity rule, March 15, 2018

Supreme Court E-Library, G.R. No. 238775, March 21, 2021

Official Gazette, Executive Order 459, Jan. 9, 1998

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.