Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ng Surigao congressman na ‘hindi kailanman’ nag-utos si Duterte na patayin ang mga tulak ng droga HINDI TOTOO

WHAT WAS CLAIMED

Si dating pangulong Rodrigo Duterte ay “hindi kailanman nag-utos na patayin ang mga tulak ng droga.”

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Sa ilang pagkakataon mula noong 2016, may isang beses kahit paano sa isang taon na gumawa si Duterte ng mga pampublikong pahayag na nagpapahintulot sa mga alagad ng batas na pumatay ng mga suspek sa droga, partikular iyong mga pumapalag kapag inaaresto at lumalaban.

By VERA Files

Feb 24, 2023

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagpapaliwanag ng dahilan sa paghahain ng resolusyon sa House of Representatives na sumusuporta kay dating pangulong Rodrigo Duterte laban sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa mga pagpatay na may kinalaman sa giyera laban sa droga, sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na hindi kailanman iniutos ni Duterte ang pagpatay sa mga suspek sa madugong kampanya laban sa iligal na droga. Ito ay hindi totoo.

(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Dela Rosa sinasabing hindi kailanman nag-utos si Duterte na patayin ang sinumang sangkot sa droga. HINDI TOTOO.)

Panoorin ang video na ito:

Sa parehong panayam, sinabi ni Pimentel na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas kasunod nang pagkalas nito sa Rome Statute noong 2019.

Nakasaad sa Article 127, paragraph 2 ng Rome Statute, ang kasunduan na nagtatag ng ICC, na hindi nalilinis ng pag withdraw ng isang bansa ang mga obligasyon nito sa mga insidenteng naganap noong ito state party.

(Basahin ang Disinformation about ICC echoes Duterte’s defense, targets prosecutors)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

ABS CBN News Channel, Rep. Johnny Pimentel on Duterte defense vs ICC: These are all allegations, ICC has no jurisdiction, Feb. 17, 2023

News5Everywhere, President-Elect Rodrigo Duterte Victory Party, June 5, 2016

RTVMalacañang, Solidarity Dinner at Delpan Sports Complex (Speech) 6/30/2016, June 30, 2016

RTVMalacañang, 26th Anniversary of the Bureau of Jail Management and Penology (Speech) 7/12/2017, July 12, 2017

RTVMalacañang, Oath-Taking of the New Career Executive Service Officers (CESOs) (Speech) 9/27/2018, Sept. 27, 2018

RTVMalacañang, 45th Philippine Business Conference and Expo (Speech) 10/17/2019, Oct. 17, 2019

RTVMalacañang, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19, Aug. 31, 2020

RTVMalacañang, President Rodrigo Roa Duterte’s 6th State of the Nation Address, July 26, 2021

RTVMalacañang, Part 1: President Rodrigo Roa Duterte’s Talk to the People, Jan. 4, 2022

International Criminal Court, Rome Statute of the International Criminal Court, Accessed Feb. 21, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.