Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Dela Rosa sinasabing hindi kailanman nag-utos si Duterte na patayin ang sinumang sangkot sa droga. HINDI TOTOO.

WHAT WAS CLAIMED

Hindi kailanman ipinag-utos ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagpatay sa sinumang sangkot sa iligal na droga.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Sa buong panahon ng kanyang pamumuno, ilang ulit nagbitaw ng mga pahayag si Duterte na nag-uutos sa kapulisan na patayin ang mga drug pusher at trafficker ng droga.

Ang pinakahuli ay noong Abril 22 sa 43rd commencement exercises ng Philippine National Police Academy.

By VERA Files

Jul 29, 2022

-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa panayam sa Headstart ng ANC noong Hulyo 18, sinabi ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi kailanman ipinag-utos ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagpatay sa sinumang sangkot sa droga. Ito ay hindi totoo.

Ang dating Philippine National Police ay nakapanayam tungkol sa kanyang mga saloobin sa kahilingan sa Pre-Trial Chamber I kamakailan ng tagausig ng International Criminal Court na ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa drug war. Nasuspinde ang imbestigasyon noong Nobyembre 2021 nang aprubahan ng ICC ang kahilingan na pagpapaliban ng administrasyong Duterte, na binanggit ang sariling imbestigasyon ng gobyerno kaugnay ng mga napatay sa digmaan sa droga.

Sa kanyang anim na taong termino, ang mga kontrobersyal na pahayag ni Duterte na nag-uutos sa mga nagpapatupad ng batas na patayin ang mga lumalabag sa batas ay dokumentado.

Panoorin ang video na ito:

 

Ang mga talumpati ni Duterte sa buong panahon ng kanyang pagkapangulo ay pinalamutian ng marahas na retorika sa mga sangkot sa iligal na droga. (Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Ang ‘walang katapusang’ laban ni Duterte kontra droga at korapsyon sa sarili niyang pananalita)

Gumawa pa ang dating pangulo ng mga pahayag na ito noong Abril 22 sa 43rd commencement exercises ng Philippine National Police Academy.

Sabihin ko nakikinig naman lahat pati human rights: if you go into drugs, you will destroy my country. And if you destroy my country, I will kill you (kung ikaw ay mag droga, wawasakin mo ang bansa ko. At kung sirain mo ang aking bansa, papatayin kita). Iyon ang pinakaano ko — lalo na drugs.”

 

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, 43rd Commencement Exercises of the PNPA for BSPS ‘Alab-Kalis’ Class of 2022 (Speech) 4/21/2022, Abril 22, 2022, panoorin mula 44:17 hanggang 44:33

Humirit pa ang dating chief executive na kanyang titiyakin sa mga alagad ng batas na siya ang mananagot sa mga pagpatay. Ilang beses, gayunpaman, binaliktad ni Duterte ang kanyang mga utos na pagpatay, na sinasabi na ang kanyang mga off-tangent na salita sa mga pampublikong briefing ay hindi dapat ituring na opisyal na direktiba. (Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte backtracks on having killed, VERA FILES FACT CHECK: Duterte says he never ordered the police to kill anyone, backpedals less than a minute later)

Bagama’t iginiit ng Palasyo na ang mga pahayag ni Duterte ay hyperbolic quips na hindi dapat bigyan ng literal na kahulugan, sinabi ng mga human rights group na ang mga salita ng dating pangulo ay, sa katunayan, ay humuhubog sa patakaran, anuman ang umano’y impormal na diskarte nito.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

ABS-CBN News official YouTube channel, Headstart | ANC (July 18, 2022), July 18, 2022

RTV Malacañang, Arrival from Official Visit to Vietnam (Speech) 9/30/2016, Sept. 30, 2016

International Criminal Court, Statement of the Prosecutor of the International Criminal Court, Karim A. A. Khan QC, following the application for an order under article 18(2) seeking authorisation to resume investigations in the Situation in the Philippines, June 24, 2022

RTV Malacañang, 113th Bureau of Internal Revenue (BIR) Anniversary (Speech) 8/2/2017, August 3, 2017

Presidential Communications Operations Office official Facebook page, PDP-Laban Proclamation Rally Lapu-Lapu City March 31, 2022, March 31, 2022

RTV Malacañang, Speech of President Rodrigo Duterte during the Wallace Business Forum Dinner, Dec. 12, 2016

Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Hugpong ng Pagbabago Hugpong sa Tawong Lungsod (HNP-HTL) Miting de Avance, May 6, 2022

BBC News official YouTube channel, Duterte killings claim ‘not literal’ – BBC News, Dec. 16, 2016

Human Rights Watch, Asia’s ‘Shoot-to-Kill’ Republic?, July 22, 2016

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.