Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT CHECK: Pangunahing diplomat ng PH, Locsin mali ang pahayag tungkol sa UN Human Rights Council

Ang Human Rights Council, ang institusyon ng UN na nilikha noong 2006 upang protektahan at itaguyod ang mga karapatang pantao, ay isang charter-based body, hindi treaty-based o batay sa kasunduan.

By VERA Files

Oct 25, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Ang bagong hinirang na Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr., na nag-tweet na siya ay “hindi kailanman mali,” ay nagpahayag sa parehong post nang hindi tama na ang United Nations Human Rights Council ay isang “treaty body.”

PAHAYAG

Noong Oktubre 18, isang araw matapos manumpa bilang pangunahing diplomat ng bansa, si Locsin ay nag-post sa kanyang Twitter account:

“Ako ay hindi kailanman mali ngunit tila ang isang presidente ay maaaring umalis mula isang treaty body ng walang ratipikasyon ng senado. Si Trump ay umalis mula sa UN Human Rights Council. Hindi kinailangan ang boto ng senado. “

Pinagmulan: @ teddyboylocsin, Okt. 18, 2018

PAHAYAG

Ang pahayag ni Locsin ay mali.

Ang Human Rights Council, ang institusyon ng UN na nilikha noong 2006 upang protektahan at itaguyod ang mga karapatang pantao, ay isang charter-based body, hindi treaty-based o batay sa kasunduan.

“Ang Human Rights Council at ang hinalinhan nito, ang Commission on Human Rights, ay tinatawag na “Charter-based “dahil sila ay itinatag sa pamamagitan ng mga resolusyon ng mga prinsipal na organo/ahensya ng UN na ang awtoridad ay dumadaloy mula sa UN Charter.”

Pinagmulan: UN Research, UN Documentation: Human Rights

Ang pagkakaiba ng dalawa: Ang Charter-based na mga ahensya ay nilikha sa pamamagitan ng mga resolusyon ng UN na itinataguyod ng mga bansang kasapi ng UN. Ang mga treaty-based na ahensya ay nilikha sa pamamagitan ng mga kasunduan na nilagdaan ng mga bansa na maaaring miyembro o hindi ng UN.

Ang charter-based na UN Human Rights Council ay sumusuri ng mga rekord ng karapatang pantao ng lahat ng 193 na miyembrong bansa sa pamamagitan ng Universal Periodic Review at gumagawa ng mga rekomendasyon upang mapabuti ang sitwasyon ng karapatang pantao ng bawat bansa.

Ang 47-miyembro na konseho ay naghahalal ng mga miyembro nito taun-taon, at ang mga bansa ay nagseserbisyo ng tatlong taon sa isang paikot na batayan. Ang mga posisyon ay inilalaan nang pantay-pantay sa pamamagitan ng heograpikal na rehiyon.

Noong Hunyo, ang United States ay umalis mula sa konseho dahil sa mga paratang ng pagkiling laban sa Israel, isang buwan pagkatapos bumoto ang konseho upang suriin ang pagpatay ng mga nagpoprotestang Palestino sa Gaza, kaya’t pinutol ang tatlong-taong termino nito na nagsimula noong 2017. Nauna itong nag-boycott konseho sa ilalim ng administrasyong Bush.

Noong Okt. 13, ang Pilipinas, kasama ang 17 iba pang mga bansa, ay muling inihalal upang maglingkod hanggang 2022 sa kabila ng matinding pagsalungat mula sa mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa mga pagpatay sa giyera ng gobyerno laban sa droga.

Samantala, ang mga treaty body ay binubuo ng mga independiyenteng eksperto na sumusubaybay sa pagsunod ng mga bansa sa mga obligasyon sa kasunduan tulad ng sa larangan ng mga karapatang pantao.

Ang isang 1997 executive order na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos ay nagtakda sa mga kasunduan bilang “internasyonal na mga kasunduan na pinasok ng Pilipinas na nangangailangan ng pambatasang pag-ayon pagkatapos ng pagpapatibay ng ehekutibo.”

Noong Marso, si Locsin, habang naglilingkod bilang embahador ng Pilipinas sa UN, ay nagsumite ng pag-withdraw ng Pilipinas mula sa Rome Statute ng International Court (ICC) – isang independiyenteng judicial body na naiiba mula sa UN na may hurisdiksiyon sa pagpatay ng mga lahi, mga krimen laban sa sangkatauhan at mga krimen sa digmaan. Nilagdaan ng Pilipinas ang Rome Statute noong Dis. 28, 2000 at pinagtibay at inendorso nito noong Agosto 2011.

Mga abogado, mga senador at mga argumento sa Korte Suprema ay nagsabing ang pag-withdraw ay “walang legal na batayan” dahil sa kakulangan ng pag-ayon mula sa Senado. Samantala, sinabi ni Locsin sa kanyang mga tweet na naghihintay siya sa pagpapatibay ng Senado sa pag-withdraw (sa ICC).

Sinabi rin niya na “walang kabuluhan” para sa Pilipinas na manatili sa ICC dahil walang “seryosong may kapangyarihang pang opensiba” tulad ng US, China o Russia dito.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

@teddyboylocsin, “PH withdrawal from ICC a completed act,” Sept. 4, 2018

@teddyboylocsin, “I don’t have to. I withdrew because..” Oct. 11, 2018

@teddyboylocsin, “Aggression is a crime..” Oct. 12, 2018

ABS-CBN News, Supreme Court told: PH withdrawal from ICC has no legal basis, Aug. 28, 2018

C-span.org, US Withdrawal from UN Human Rights Council, June 19, 2018

Official Gazette, Executive Order No. 459, s. 1997

Philstar.com, Petitioner insists Senate approval required for ICC withdrawal, Aug. 28, 2018

Rappler.com, Carpio: Duterte cannot withdraw from ICC by himself, Aug. 28, 2018

UN, General Assembly establishes new Human Rights Council by vote of 170 in favour to 4 against, with 3 abstentions, March 15, 2006

UN, General Assembly, by Secret Ballot, Elects 14 Member States to Serve Three-year Terms on Human Rights Council, Oct. 28, 2016

UN, General Assembly Elects 18 Member States to Human Rights Council, Allowing Vote by 3 Member States in Article 19 Exemption over Financial Dues, Oct. 12, 2018

UN General Assembly, Resolution 60/251, April 3, 2006 [Download as Word document]

UN Human Rights Council, Membership

UN Human Rights Council, Basic Facts about the UPR

UN News, Human Rights Council: 5 things you need to know about it, Oct. 15, 2018

UN Research, UN Documentation: Human Rights

UN Research, UN Documentation: International Law

UN OHCHR, Human Rights Bodies

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.