Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Report ng PNA sa PH COVID-19 vaccination rollout nangangailangan ng konteksto

Iniulat ng Philippine News Agency (PNA), newswire service na pinamamahalaan ng estado, na pangalawa ang Pilipinas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination rollout sa Southeast Asia. Ang batayan nito ay isang paghahambing ng bilang ng mga nagamit na bakuna bawat bansa sa rehiyon.

By VERA Files

Jun 7, 2021

8-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Iniulat ng Philippine News Agency (PNA), newswire service na pinamamahalaan ng estado, na pangalawa ang Pilipinas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination rollout sa Southeast Asia. Ang batayan nito ay isang paghahambing ng bilang ng mga nagamit na bakuna bawat bansa sa rehiyon.

Ngunit ayon sa isang dating tagapayo ng COVID-19 national task force, ang pag-usad ng vaccination rollout ng isang bansa ay dapat na batay sa porsyento ng vaccination target na nabakunahan na, at hindi sa bilang ng mga jabs na naiturok.

Ang artikulo ng PNA ay na-share ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang mga social media account, na naging sanhi ng mas malakas na traction online.

PAHAYAG

Noong Mayo 23, inilabas ng PNA ng istorya na ihinahambing ang pagsisikap ng bansa sa pagbabakuna sa mga kalapit nitong mga estado. Ang headline nito:

PH ranks No. 2 in Covid-19 vax rollout in Southeast Asia (PH No. 2 sa Covid-19 vax rollout sa Southeast Asia)”

Pinagmulan: Philippine News Agency, PH ranks No. 2 in Covid-19 vax rollout in Southeast Asia (Archived), Mayo 23, 2021

Ang kasamang graphic na nai-post sa opisyal na Facebook (FB) page ay may label na: “Vaccination rollout sa ASEAN,” kung saan ang Pilipinas ay nasa pangalawang pwesto.

Makalipas ang dalawang araw, ibinahagi ng opisyal na FB at Twitter accounts ni Marcos ang balita ng PNA at nag-post ng sarili nitong graphics na nagsabing: “Pilipinas # 2 sa COVID vaccine rollout sa Southeast Asia.”

Ang FB post ni Marcos ay nakakuha ng humigit-kumulang 13,000 reactions, higit sa 600 comments, at higit sa 850 shares, habang ang kanyang tweet ay nakakuha ng 150 likes at 33 retweets hanggang sa paglabas ng fact check na ito.

ANG KATOTOHANAN

Tinukoy ng PNA sa lead nito at social media caption na ang batayan nito sa mataas na pagraranggo sa Pilipinas sa vaccination rollout sa Southeast Asia ang bilang ng mga bakuna na nagamit ng bawat bansa hanggang Mayo 22, kumpara sa ibang mga estado.

Ito ay “nakaliligaw,” sabi ni Tony Leachon, dating special adviser to the National Task Force on COVID-19, sa isang tweet noong Mayo 25. Sinabi niya na ang vaccination status ng Pilipinas ay dapat iulat “batay sa [porsyento] ng populasyon na nabakunahan [kumpara] sa pangkalahatang goal o target para sa herd immunity, imbes na sa naibigay na dosis.”

Kasunod sa rekomendasyon ni Leachon, ang Pilipinas ay lalabas na nasa ika-9 na puwesto sa 10 mga bansa sa Southeast Asia pagdating sa vaccination status. Ang Timor-Leste ay hindi kasama sa pagraranggo dahil sa kakulangan ng datos sa pagpapatupad ng pagbabakuna.

Nang lumabas ang ulat ng PNA, 949,939 sa target ng pambansang pamahalaan na 50 milyon hanggang 70 milyong mga Pilipino ang nakakumpleto ng bakuna, na katumbas ng humigit-kumulang 1.37% hanggang 1.9% ng vaccination target ng bansa.

Ipinakikita ng datos mula sa opisyal na FB page ng Kementerian Kesehatan RI (Ministry of Health ng Indonesia) na nakagamit na ito ng higit sa 24.7 milyong mga dosis ng bakuna, ang pinakamarami sa rehiyon hanggang Mayo 22. Pumangalawa ang Pilipinas, na may halos 4.1 milyong bakuna.

BACKSTORY

Upang makamit ang herd immunity, ang mga bansa ay nagtakda ng isang target na bilang ng kanilang populasyon na kailangang ganap na mabakunahan sa pagtatapos ng 2021.

Inilarawan ng World Health Organization ang herd immunity bilang isang hindi direktang proteksyon ng mga tao laban sa isang nakakahawang sakit kung ang isang populasyon ay immune sa pamamagitan ng pagbabakuna o sa pamamagitan ng nakaraang impeksyon.

Una nang sinabi ng mga opisyal ng kalusugan at gobyerno na target ng bansa na mabakunahan ang 70% ng populasyon ng Filipino — halos 70 milyong katao — upang makamit ang herd immunity. Ngunit noong Mayo, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na ang target na pagbabakuna ay ibinaba sa 50 milyon dahil sa kakulangan sa supply bunga ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa India.

Ito ay muling pinagtibay sa isang press briefing noong Mayo 26, kung saan sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ang target sa pagbabakuna ay na adjust sa 50% hanggang 60% ng populasyon ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2021 o sa unang bahagi ng 2022.

Isang memorandum mula sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang na-leak noong Abril 27 mga isang buwan bago lumabas ang ulat ng PNA na nangangailangan ng konteksto. Ipinapakita nito ang isang direktiba mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos sa mga platform ng media ng gobyerno na magbigay ng regular na mga update tungkol sa COVID-19 global data, “partikular na iparating sa publiko na ang Pilipinas ay mas mahusay kaysa sa maraming iba pang mga bansa sa pagtugon sa pandemic.”

Kinumpirma ni PCOO News and Information Bureau (NIB) Director Virginia Arcilla-Agtay ang pagkakaroon ng memo makalipas ang isang araw, na sinabing wala siyang nakikitang problema sa “pagpapaigting ng mga katotohanan” tungkol sa pagtugon ng administrasyong Duterte sa krisis sa kalusugan.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Philippine News Agency, About the Agency, Accessed May 28, 2021

Philippine News Agency, PH ranks No. 2 in Covid-19 vax rollout in Southeast Asia (Archived), May 23, 2021

Bongbong Marcos official Facebook page, Ang Pilipinas ay kabilang sa nangunguna sa pagbabakuna sa Southeast Asia (Archived), May 25, 2021

Bongbong Marcos official Twitter account, Ang Pilipinas ay kabilang sa nangunguna sa pagbabakuna sa Southeast Asia (Archived), May 25, 2021

Indonesian Ministry of Health official Facebook page, Update on the progress of COVID-19 vaccination in Indonesia, as of May 22, 2021, May 22, 2021

National Task Force Against Covid19 official Facebook page, 4M Vaccine Doses Administered, May 23, 2021

Tony Leachon MD Twitter account, This is the way to report the vaccination status…, May 25, 2021

World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the media briefing on COVID-19, October 12, 2020

Esquire Philippines, What Is Herd Immunity and When Will the Philippines Achieve It? March 19, 2021

Philippine Daily Inquirer, ‘Better Christmas’ ‍seen as PH gets herd immunity by November, May 15, 2021

ABS-CBN News, Herd immunity? Duque says PH may achieve it in 2022 if vaccines delayed, April 30, 2021

Llanesca T. Panti Twitter account, This is the leaked PCOO memo…, April 28, 2021

Philippine News Agency, Nothing wrong with ‘amplifying’ facts on PH Covid-19 response, April 28, 2021

Philippine Daily Inquirer, Palace to gov’t media: Stress PH ranking in COVID-19 fight, April 29, 2021

ABS-CBN News official Twitter account, PCOO’s News and Information Bureau (NIB) Director Virginia Arcilla-Agtay…, April 28, 2021

Table 1 sources

Brunei:

Cambodia:

Indonesia:

Laos:

Malaysia:

Myanmar:

Philippines:

Singapore:

Thailand:

Timor-Leste:

Vietnam:

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.