Nang hilingin na linawin ang ilang mga pagkakaiba-iba sa mga bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), iginiit ng Presidential Spokesperson Harry Roque ang maling datos na nauna niyang ipinakita sa media at mali pang sinabi na ang mga ito ay para sa member-states ng Western Pacific region ng World Health Organization (WHO).
PAHAYAG
Sa kanyang June 29 press briefing, pumalag si Roque sa mga ulat ng balita na nagbabanggit ng mga datos mula sa WHO na nagpapakita na ang Pilipinas ang may “pinakamabilis” na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Western Pacific region ng samahan. Sinabi niya:
“Now (Ngayon), ang sabi ng WHO tayo daw (sic) ang pinakamabilis na tumaas na kaso sa buong Western Pacific Region. Totoo ba ho ito? We beg to disagree (Hindi kami sang-ayon). Siyempre po kung titingnan natin iyong pagtaas ng kaso, dapat iyan in relation to your population (may kaugnayan sa iyong populasyon). Bakit tayo ikukumpara sa Singapore eh ang Singapore limang milyon lang po iyan? Isang siyudad lang po iyan, hindi pa siyudad ng Quezon City o Manila.”
Sinabi pa niya:
“Pero kung idi-divide ninyo iyong kaso sa per million population (sa bawat milyong populasyon), ito po ang lalabas — ang pinakamataas sa Western Pacific: India – 549,197; followed by Pakistan – 202,955; Bangladesh – 137,787; Indonesia – 54,010; Singapore – 43,459; tapos po ang Pilipinas at 35,455. So, kung idi-divide ninyo po ang kaso per million population (sa bawat milyon na populasyon)…malinaw po, hindi po magsisinungaling ang datos. Hindi po tayo ang pinakamabilis na dumami ng kaso sa Western Pacific Region. Hahayaan na po namin ang datos sumagot doon sa report (ulat) ng WHO.”
Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Hunyo 29, 2020, panoorin mula 7:39 hanggang 9:24
Nang pasinin ni GMA 7 reporter Joseph Morong na mga maling bansa ang binanggit, iginiit ni Roque na ang India, Pakistan, at Bangladesh ay “inuri bilang mga bansa sa Western Pacific” sa data ng WHO. Ang iba pang mga bansa na ipinakita niya bilang bahagi ng Western Pacific region ay ang Singapore, Indonesia, Philippines, Vietnam, Malaysia, Thailand, at South Korea.
ANG KATOTOHANAN
Ang mga pahayag ni Roque ay mali sa dalawang punto:
Una, ang COVID-19 data na ipinakita ni Roque ay hindi batay sa mga kaso bawat milyong populasyon ng mga bansa na binanggit, kung hindi sa kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso na naitala noong Hunyo 28 at 29 sa araw-araw na mga situation report ng WHO at sa ilang mga ulat sa balita.
Insert screenshot of report
Ang datos mula sa ulat noong Hunyo 28 ng WHO ay nagpapakita ng kabuuang mga kaso ng Pakistan (202,955), South Korea (12,715), Thailand (3,162), at Vietnam (335), habang ang mga kaso sa Bangladesh (137,787), Malaysia (8,634), Singapore (43,459), at Pilipinas (35,455) ay ipinakita sa Hunyo 29 tally. Maraming mga ulat sa balita noong Hunyo 29 ang nakasaad na ang India ay mayroong 549,197 mga taong nahawahan ng virus.
Noong Hulyo 6, naunahan na ng Pilipinas ang Singapore sa pagkakaroon ng pangalawang pinakamataas na bilang ng mga impeksyon sa mga bansa sa WHO Western Pacific region na may 46,333 kabuuang kaso, batay sa ulat ng Department of Health. Ang Mainland China, ground zero ng COVID-19 outbreak, ay nananatiling pinakamaraming impeksyon sa rehiyon na may higit sa 85,000 mga kaso hanggang Hulyo 5, ayon sa WHO.
Pangalawa, lima lamang sa 10 mga bansa na ipinakita ni Roque na mula sa Western Pacific region ng WHO, na may tanggapang panrehiyon sa Pilipinas, na namamahala sa 37 na mga miyembrong bansa at lugar. Kasama sa rehiyon na ito ang mga bansa at teritoryo mula sa Central Asia hanggang sa Pacific, tulad ng Mongolia, South Korea (Republic of Korea), Pilipinas, at New Zealand.
India, Bangladesh, Indonesia, and Thailand are part of the WHO South-East Asia region, while Pakistan is classified under the Eastern Mediterrenean region.
Ang India, Bangladesh, Indonesia, at Thailand ay bahagi ng WHO South-East Asia region, habang ang Pakistan ay naiuri sa ilalim ng Eastern Mediterrenean region.
Ayon sa WHO, ang 194 member-states nito mula sa buong mundo ay nahahati sa anim na regional na mga pangkat: Eastern Mediterrenean, Europa, South-East Asia, ang Americas, Africa, at Western Pacific. Ang regional gruoups ay may sariling mga tanggapan sa rehiyon na pinamamahalaan ng kinauukulang regional committee na gumagawa o nangangasiwa sa mga patakaran o aktibidad ng kalusugan, bukod sa iba pa, sa rehiyon nito, sinabi ng konstitusyon ng WHO.
“Ang mga rehiyon na ito ay organizational groupings at, habang ang mga ito ay batay sa geographical terms, ay hindi magkasingkahulugan sa geographical areas. Tandaan na ang mga rehiyon ng WHO ay hindi pareho sa United Nations, ”sabi ng WHO.
Walang assessment report mula sa WHO
Itinanggi ni WHO Representative to the Philippines Rabindra Abeyasinghe noong Hunyo 30 na nagtasa ang ahensya ng mga bansa sa Western Pacific region at nakitang ang Pilipinas ay nangunguna sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus. Sinabi ni Abeyasinghe:
“The World Health Organization does not compare countries or make such assessments. All that assessment was done by (a) journalist attached to the Inquirer in the Philippines using the data that we have in our dashboard like many other dashboards that are globally available.
(Hindi kinukumpara ng World Health Organization ang mga bansa o gumagawa ng mga nasabing pagsusuri. Lahat ng pagtatasa na ito ay ginawa ng (a) mamamahayag na taga sa Inquirer sa Pilipinas gamit ang datos na mayroon sa aming dashboard tulad ng maraming iba pang mga dashboard na magagamit sa buong mundo.)”
Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH Episode # 90 People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City Hunyo 30, 2020, panoorin mula 12:12 hanggang 12:36
Tinutukoy ni Abeyasinghe ang isang artikulo ng Inquirer.net na inilathala noong Hunyo 28 na pinamagatang “WHO: PH has fastest rise in virus cases in Western Pacific.” Binanggit lang ng artikulo ang datos mula sa WHO na nagpapahiwatig ng bansa ang nangunguna sa tally mula noong Hunyo 16, ngunit hindi ang assessment report na mula sa WHO.
Sa kanyang June 30 press briefing, pinasalamatan ni Roque si Abeyasinghe sa paglilinaw, sinabing, “Kung hindi mo binawi iyon, lalabanan kita.”
Mga Pinagmulan
RTVMalacanang, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 6/29/2020, June 29, 2020
World Health Organization, WHO Eastern Mediterenean region, Accessed July 1, 2020
World Health Organization, WHO South-East Asia region, Accessed July 1, 2020
World Health Organization, WHO Western Pacific region, Accessed July 1, 2020
World Health Organization, COVID-19 Situation in WHO – Western Pacific Region
World Health Organization, Countries, Accessed July 4, 2020
World Health Organization, Regional offices, Accessed July 4, 2020
Inquirer.net, WHO: PH has fastest rise in virus cases in Western Pacific, June 28, 2020
World Health Organization, WHO Constitution, Accessed June 30, 2020
World Health Organization, Working with the regions, Accessed July 1, 2020
World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19) Situation Report No. 160, June 28, 2020
World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19) Situation Report No. 161, June 29, 2020
COVID-19 cases in India
- PTC News, Global coronavirus death toll crosses 500,000-mark, June 29, 2020
- G News Network, Global coronavirus cases cross 10-million mark, kill over half a million, June 29, 2020
- Express, India on the brink as New Delhi hospitals struggle to cope with surge in cases, June 29, 2020
Rappler, Laging Handa public briefing on coronavirus in the Philippines | Tuesday, June 30, June 30, 2020,
RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 6/30/2020, June 30, 2020
World Health Organization, China: WHO Coronavirus Disease (COVID-19) Dashboard | WHO Coronavirus Disease, Accessed July 6, 2020
John Hopkins University Medicine Coronavirus Resource Center, COVID-19 Map – Johns Hopkins Coronavirus Resource Center, Accessed July 6, 2020
Department of Health, LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #114, July 6, 2020
Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH Episode #90 People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City June 30, 2020, June 30, 2020
Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)