Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Si Quezon ang unang majority president ng Pilipinas, hindi si Marcos Jr. gaya ng sinasabi ni Gadon

Manuel L. Quezon ang unang majority president ng bansa nakakuha ng 695,332 boto, o humigit-kumulang 68% ng mahigit 1.02 milyong boto noong 1935 elections.

By VERA Files

Aug 19, 2023

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang sinabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon, isang Marcos loyalist, sa isang media forum noong Ago. 8 na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang unang majority president sa kasaysayan ng mga eleksiyon sa Pilipinas.

Taliwas sa pahayag ni Gadon, si Manuel L. Quezon ang unang majority president ng bansa nakakuha ng 695,332 boto, o humigit-kumulang 68% ng mahigit 1.02 milyong boto noong 1935 elections.

Nauna nang pinabulaanan ng VERA Files Fact Check ang dalawang magkatulad na pahayag ni Marcos Jr. sa kanyang talumpati noong Hunyo 2022 at sa pagbisita sa Cambodia makaraan ang limang buwan na nasungkit niya ang “pinakamalaking electoral mandate” sa kasaysayan ng Pilipinas dahil nakuha niya ang pinakamaraming bilang ng mga boto sa nakaraang eleksyon. Ang mga opisyal na talaan ay nagpapakita na si Marcos ay nanalo na may 31.63 milyong boto o 58.77% ng 53.81 milyong kabuuang mga boto na noong Mayo 2022 polls.

(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos Jr. na siya ay may ‘pinakamalaking mandato sa halalan’ nangangailangan ng konteksto at VERA FILES FACT CHECK: Marcos inulit ang pahayag na nakakuha siya ng pinakamataas na bilang ng mga boto, kailangan ng konteksto)

PAHAYAG

Tinanong kung ang kanyang appointment bilang presidential adviser ang dahilan kung bakit siya mahinahong nagsalita sa isang forum noong Ago. 8, sumagot si Gadon, isang disbarred na abogado na kilala sa pagbubuga ng mga bulgar na pananalita na humantong sa kanyang diskwalipikasyon bilang abogado:

Ngayon [n]analo si President Bongbong Marcos, ‘di tiklop yong mga bibig nila (critics). In fact, for the first time in the history of Philippine elections, ngayon lang tayo nagkaroon ng majority president. In all other national elections, puro plurality lang, kaya hindi talaga makuha ‘yong suporta ng buong bayan. Eh, ngayon you have a majority president garnering more than 31 million votes.”

(“Ngayon [n]analo si President Bongbong Marcos, ‘di tiklop ‘yong mga bibig nila (kritiko). Ang totoo, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng mga eleksiyon sa Pilipinas, ngayon lang tayo nagkaroon ng majority president. Sa lahat ng iba pang national elections, puro plurality lang, kaya hindi talaga makuha ‘yong suporta ng buong bayan. Eh, ngayon meron kang majority president na nakakuha ng higit 31 million na boto.”)

 

Pinagmulan: Kamuning Bakery Forum official Facebook page, Pandesal Forum with Sec. Larry Gadon, Ago. 8, 2023, panoorin mula 48:04 hanggang 48:32

ANG KATOTOHANAN

Bagama’t nakuha ni Marcos Jr. ang pinakamataas na bilang ng mga boto sa kasaysayan ng halalan sa pagkapangulo ng Pilipinas, si Quezon ang unang pangulo na inihalal ng mayorya ng mga Pilipino na may 67.99% ng kabuuang mga boto noong 1935, habang si Ramon Magsaysay ang may hawak ng rekord para sa pangulo na nanalo na may pinakamataas na porsyento na 68.90% na kanyang natamo noong 1935 na halalan.

#VERAFIED: Si Quezon ang unang majority president ng Pilipinas, hindi si Marcos, taliwas sa sinabi ni Gadon Si dating pangulong Manuel L. Quezon ang unang majority president na may 695,332, o tinatayang 68% ng mahigit 1.02 milyong boto noong 1935 elections. Bagama’t si Marcos Jr. ang may pinakamataas na boto sa kasaysayan ng presidential elections ng bansa, pangatlo lang ang porsyento ng boto (58.77%) na nakuha niya, sumunod kina Ramon Magsaysay (68.90% in 1953) at Quezon (67.99% in 1935).

Ang majority president ay nakakakuha ng higit sa 50% ng kabuuang mga boto, batay sa kahulugan ng majority election system ng Encyclopedia Britannica at ACE Electoral Knowledge Network. Gayunpaman, sa Pilipinas ang presidente at iba pang mga elective na posisyon, hindi kasama ang party-list representative, ay nalalagay sa posisyon sa pamamagitan ng pinakamataas na bilang ng mga boto o sa plurality system, hindi nang pinakamataas na porsyento ng vote share.

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

Kamuning Bakery Forum official Facebook account, Pandesal Forum with Sec. Larry Gadon, Aug. 8, 2023

Supreme Court official website, Court Unanimously Disbars Atty. Lorenzo “Larry” Gadon for Misogynistic, Sexist, Abusive and Repeated Intemperate Language, June 27, 2023

Presidential Communications Development and Strategic Planning Office official website, Philippine Electoral Almanac Revised and Expanded (Archived file), 2015

Philippine Presidency Project official website, Results of the Past Presidential & Vice-Presidential Elections (archived webpage), accessed on Aug. 18, 2022

House of Representatives official website, CONGRESS PROCLAIMS BBM-SARA AS DULY ELECTED PRESIDENT, VP, May 25, 2022

Official Gazette of the Philippines, Resolution of Both Houses No. 1, June 9, 2010

Senate of the Philippines, Resolution of Both Houses No. 1, May 30, 2016

Senate of the Philippines, Resolution of Both Houses No. 1, May 24, 2022

Official Gazette of the Philippines, PBBM appoints Atty. Larry Gadon as Presidential Adviser for Poverty Alleviation, June 26, 2023

Manuel L. Quezon III official Twitter account, As the numbers come in, its the percentage of the total that will matter, May 9, 2022

ACE Electoral Knowledge Network official website, Majority Electoral Systems, accessed on Aug. 17, 2023

Encyclopedia Britannica official website, Election – Representation, Voter Choice, Accountability., accessed on Aug. 17, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.