Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Transport chief Tugade bumaligtad, ngayon sinasabing walang krisis sa trapiko

Mula sa pagtawag sa kasikipan ng trapiko sa Metro Manila noon na isang "krisis" na nangangailangan ng emergency powers para sa pangulo, tinatawag na lang ngayon ni Transport Secretary Arthur Tugade ang sitwasyon na "problema."

By VERA Files

Oct 25, 2019

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagtawag sa kasikipan ng trapiko sa Metro Manila noon na isang “krisis” na nangangailangan ng emergency powers para sa pangulo, tinatawag na lang ngayon ni Transport Secretary Arthur Tugade ang sitwasyon na “problema.”

PAHAYAG

Sa pagtugon sa hamon ng grupo ng kabataan na Anakbayan na siya ay gumamit ng pampublikong transportasyon, sinabi ni Tugade na kanya na itong ginagawa.

Sinabi niya pagkatapos:

“Komo ba may transport problem (problema sa transportasyon), may transport issue (isyu sa transportasyon), mayroon nang transport crisis (krisis sa transportasyon)? Hindi pa ho dumadaan sa ganiyan ‘yan. Kasama ‘yan sa exacerbating the situation (pagpapalala ng sitwasyon)…Magtulungan po tayo.”

Mga Pinagmumulan: ABS-CBN News, Transport chief declines ‘public transport challenge,’ says there’s no crisis yet, Okt. 10, 2019, Tugade has another approach in showing empathy on commuters’ woes, Okt. 10, 2019, at Radyo.Inquirer.net, Tugade sa hamong magcommute: “I have been doing it anyway,” Okt. 11, 2019

ANG KATOTOHANAN

Noong Hunyo 2016, tinawag ng papasok na hepe ng transportasyon na si Tugade ang sitwasyon sa trapiko sa Metro Manila bilang isang “krisis” nang ipaliwanag niya ang plano ni President-elect Rodrigo Duterte na humiling ng emergency powers mula sa Kongreso:

“‘Di ba everyday we spend more time in the streets rather than at home, taking a ride (Di ba araw-araw gumugugol tayo ng maraming oras sa mga lansangan kaysa sa bahay, para makasakay)? ‘Di ba nababoy na ang quality of life (kalidad ng buhay) natin dahil sa traffic (trapiko) saka transportation (transportasyon)? ‘Di ba pinagtatawanan na tayo ng buong mundo dahil sa traffic (trapiko) at ayaw nang pumunta ng mga negosyo dito? Tell me (Sabihin mo sa akin) madam, sir, if that is not a crisis (kung hindi iyan krisis), what is a crisis (ano ang krisis)?”

Pinagmulan: Rappler.com, Duterte eyes emergency powers vs traffic ‘crisis,’ Hunyo 20, 2016

Idinagdag niya:

“Ang hinihingi lang namin, ideklara na may crisis (krisis) para magkaroon ng emergency powers (kapangyarihang pang-emergency).”

Ang pagbibigay ng emergency powers sa pangulo ay “agad na magpapahintulot sa pagkakaroon ng direksyon ng mga polisiya na karaniwang nangangailangan ng nakauubos-oras na susog sa mga umiiral na mga batas at ordinansa,” sinabi ng Department of Transportation (DOTr) sa isang pahayag noong Setyembre.

“Mapabibilis rin nito ang pamimili, pagkuha ng right-of-way, proseso ng relokasyon, at pahintulot para sa agarang pagsisimula ng mga pangunahing proyekto sa loob ng isang mas maikling panahon at o pagpapatupad ng bahagyang pagpapatakbo,” dagdag nito.

Nabanggit din ng DOTr sa pahayag nito ang Senate Bill 213, na isinampa sa ika-18 Kongreso, na naglalayong bigyan ng awtoridad ang pangulo “para sa isang limitadong panahon at sumasailalim sa ilang mga paghihigpit, na gumamit ng mga pang-emergency na kapangyarihan upang malutas nang maayos ang krisis sa at kasikipan ng trapiko” sa Metro Maynila, Metro Cebu, at iba pang maunlad na siyudad.

Apat na beses na tinawag ni Sen. Francis Tolentino, ang may-akda ng panukala, ang sitwasyon ng trapiko sa bansa na isang “krisis” sa kanyang paliwanag na tala. Sinasabi nito na:

The Philippine transportation infrastructure has indisputably been unable to keep up with the demands of a rising economy and growing population…The traffic congestion crisis must be considered a national emergency due to its detrimental effects to life, economy, and productivity

(Ang imprastraktura ng transportasyon ng Pilipinas ay walang pag-aalinlangan na hindi makasunod sa mga hinihingi ng isang umuunlad na ekonomiya at dumaraming populasyon … Ang krisis sa pagsikip ng trapiko ay dapat isaalang-alang na national emergency dahil sa masamang epekto nito sa buhay, ekonomiya, at pagiging produktibo).”

Pinagmulan: Senate.gov.ph, Senate Bill 213, Hulyo 2, 2019

Sa Sec. 6 ng iminungkahing panukalang batas, itatalagang “traffic crisis czar,” ang transport secretary na “awtorisado na gumamit ng lahat ng mga kapangyarihan na kinakailangan, gumamit ng lahat ng mga kinakailangan, gumamit ng kapangyarihan ng pulisya at eminent domain, at gumamit ng mga aksyon at hakbang ng ehekutibo.”

Isang pag-aaral noong 2019 ng Asian Development Bank ay nagpakita na Metro Manila ang nangunguna sa listahan ng karamihan sa mga masikip na lungsod na may populasyon na hindi bababa sa limang milyon sa umuunlad na lugar sa Asia.

Sinabi ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa 2018 annual report nito na ang Pilipinas ay nawawalan ng P3.5 bilyong piso araw-araw sa produksyon noong 2017 dahil sa pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila. Mas mataas ito kaysa sa pagtantiya ng grupo na P2.4 bilyon noong 2014.

Kung hindi matutugunan, sinabi ng JICA na ang mga mawawala sa ekonomiya mula sa mga problema sa trapiko ay maaaring tumaas ng hanggang sa P5.4 bilyon kada araw sa pagdating ng 2035.

 

Mga Pinagmulan

ABS-CBN News, Transport chief declines ‘public transport challenge,’ says there’s no crisis yet, Oct. 10, 2019

Manila Bulletin, Tugade has another approach in showing empathy on commuters’ woes, Oct. 10, 2019

Radyo.Inquirer.net, Tugade sa hamong magcommute: “I have been doing it anyway,” Oct. 11, 2019

Rappler.com, Duterte eyes emergency powers vs traffic ‘crisis,’ June 20, 2016

Department of Transportation, DOTR firm on stand: Emergency power will help address traffic woes, Sept. 10, 2019

Senate of the Philippines, Senate Bill 213, July 2, 2019

Asian Development Bank, Asian Development Outlook 2019 Update: Fostering Growth and

Inclusion in Asia’s Cities, September 2019

Japan International Cooperation Agency, Partners in Nation Building: Annual Report 2018

National Economic and Development Authority, Roadmap for Transport Infrastructure Development for Metro Manila and Its Surrounding Areas (Region III & Region IV-A), March 2014

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.