Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Tutok Erwin Tulfo napagkamalang bago ang mga airport sa mga airport project ng gobyerno

Sinabi ng broadcaster na si Erwin Tulfo, sa kanyang news and public affairs program, na halos 200 na bagong mga airport ang maitatayo sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mali.

By VERA Files

Nov 25, 2019

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ng broadcaster na si Erwin Tulfo, sa kanyang news and public affairs program, na halos 200 na bagong mga airport ang maitatayo sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mali.

Ang pahayag ni Tulfo ay isang maling interpretasyon sa bilang ng mga nakumpleto at patuloy na airport projects sa Build, Build, Build infrastructure program ng gobyerno.

Ang ulat ay naging batayan ng isang nakaliligaw na istorya na nagiging viral sa social media, na inilathala ng isang online network na may kasaysayan ng paggawa ng maling impormasyon.

PAHAYAG

Sa episode noong Nob. 2 ng kanyang programa na Tutok Erwin Tulfo Weekend Edition, ipinakita ni Tulfo ang ulat nito sa pagsisimula ng pagtatayo ng unang paliparan ng Bukidnon sa Don Carlos, isang first class na munisipalidad. Sa panimula, sinabi niya:

“Simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, aabot na sa mahigit 60 paliparan ang naipagawa habang mahigit 100 naman ang ginagawa pa at gagawin pa sa ilalim pa rin ng Build, Build, Build program ng pamahalaan. Ang halos 200 bagong paliparan inaasahang mapapakinabangan na ng publiko sa iba’t ibang panig ng bansa bago bumaba si Pangulong Duterte sa 2022.”

Pinagmulan: Erwin Tulfo official YouTube page, ANG KAUNA-UNAHANG PALIPARAN NA ITATAYO SA BUKIDNON, Nob 2, 2019, panoorin mula 0:01 hanggang 0:32

Ang video, unang nai-post noong Nob. 2 sa parehong opisyal na Facebook at YouTube pages ni Tulfo, ay orihinal na naka-caption na “walang pangulo sa kasaysayan ang makapagtatayo ng 200 bagong international at domestic airports” sa oras na siya ay bumaba, maliban kay Duterte.

ANG KATOTOHANAN

Ang datos mula sa Department of Transportation (DOTr) ay nagpapakita na sa ilalim ng programang Build, Build, Build, mayroon na ngayong 64 na natapos at 133 na patuloy na mga airport projects, hindi mga bagong paliparan.

Sa isang pakikipanayam sa VERA Files, ipinaliwanag ni DOTr Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Libiran na kasama sa mga proyektong paliparan ang anumang trabaho na ginawa sa isang airport:

That includes runway extension, building of a new passenger terminal building (Kasama dito ang pagpapalawak ng runway, pagbuo ng isang bagong gusali ng terminal ng pasahero), night rating. Iyong mga ganoon. So (Kaya’t) puwedeng sa isang airport (paliparan), may tatlong project (proyekto) or (o) dalawa.”

Pinagmulan: Pakikipanayam kay DOTr Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Libiran, Nob. 13, 2019

Sa kasalukuyan, mayroon lamang 88 na paliparan sa bansa, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na “nagpapatakbo at nagpapanatili ng pambansang paliparan, air navigation at iba pang mga katulad na pasilidad.”

Ito ang:

  • 11 internasyonal na paliparan na ginagamit para sa mga international flight;
  • 14 na mga principal class 1 airport para sa mga domestic flight na may higit sa 100 mga pasahero;
  • 19 na mga principal class 2 airport para sa mga domestic flight na wala pang 100 ngunit higit sa 19 ang pasahero;
  • 42 mga community airport na ginagamit para sa pangkalahatang paglipad; at
  • dalawang bagong paliparan na hindi pa classified.

Ang P9 trilyon na Build, Build, Build infrastructure program ay iba’t ibang mga proyekto mula sa “kumplikadong mga network ng kalsada, mahabang mga tulay, flood control at mga sistema ng tubig sa lungsod, (sa) pampublikong transportasyon, daungan, paliparan, at mga pamumuhunan sa riles,” kabilang ang nasimulan sa nakaraang mga administrasyon, ang ilan noon pang panahon ni Pangulong Ramos.

Sa isang press release noong Hulyo 9, iniulat ng DOTr na natapos ng administrasyong Duterte ang pagtatayo ng “dalawang bagong international airport.” Ito ang Lal-Lo International Airport, na pinasinayahan noong Marso 2018 na may na-upgrade na runway para sa mas malaking sasakyang panghimpapawid, at ang Bohol-Panglao International Airport, na sinimulan ang feasibility study noong 2000 at ang pagtatayo noong 2015 bago ito pinasinayahan noong Nobyembre 2018.

Noong Set. 12, sinabi ng DOTr sa isa pang press release na ang dalawang bagong paliparan sa Bicol at Bulacan ay “itinatayo at binubuo.” Pasisinayahan din ng ahensya ang bagong renovated na Sangley Airport sa Cavite matapos itong magkaroon ng operational dry run noong Oktubre, bilang pagsunod sa utos ni Duterte na gamitin ito para sa general aviation at cargo operations para “makatulong sa paggaan ng air traffic” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang maling ulat ni Tulfo ay na-repost, na may isang netizen na pumapalakpak sa “200 paliparan 60 paliparan” na “tapos na sa loob ng 3 taon!” Ang ulat ay nakita ng higit sa 112,000 beses sa YouTube.

Ang website FILIPIKNOW TIMES, na naglathala din ng isang artikulo na may maling pamagat na nagsasabing ang administrasyong Duterte ay nagpagawa ng “200 internation (sic) at domestic airport (sic)” at ginamit ang caption ng Tutok Erwin Tulfo bilang katawan ng ulat nito. Naglagay din ito ng tinanggal nang Facebook video ng palabas. Ang maling artikulo ng FILIPIKNOW TIMES ay maaaring umabot sa higit sa 841,000 mga gumagamit ng social media at nai-share ng hindi bababa sa 36 Facebook pages at groups.

Ang website na ito ay may parehong code ng Google AdSense (ca – pub – 5268733337890276) bilang pinolitika.com, isang kasalukuyang expired na domain na may kasaysayan ng pagbabahagi ng mga mali at nakaliligaw na mga istorya.

 

Mga Pinagmulan

Erwin Tulfo official Facebook page, TUTOK ERWIN TULFO RELOAD | ANG KAUNA-UNAHANG PALIPARAN NA ITATAYO SA BUKIDNON, Nov. 2, 2019

Erwin Tulfo official Youtube channel, ANG KAUNA-UNAHANG PALIPARAN NA ITATAYO SA BUKIDNON, Nov. 1, 2019

Official Gazette, Republic Act 9497

Interview with Department of Transportation Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Libiran, Nov. 14, 2019

Interview with Department of Transportation Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Libiran, Nov. 22, 2019

Department of Trade and Industry, Cities and Municipalities Competitiveness Index-Don Carlos

Department of Transportation official Facebook page, AN OPEN LETTER TO SENATOR FRANKLIN DRILON, Nov. 14, 2019

Civil Aviation Authority of the Philippines, Civil Aviation Authority of the Philippines’ response to VERA Files’ query on the Freedom of Information portal, Nov. 19, 2019

Civil Aviation Authority of the Philippines, Mandates and Functions

Department of Transportation, BOHOL-PANGLAO INTERNATIONAL AIRPORT INAUGURATED, REPLACES TAGBILARAN AIRPORT, Nov. 28, 2018

Department of Transportation, DOTR-CAAP INAUGURATES IMPROVED PASSENGER TERMINAL AT TUGUEGARAO INTERNATIONAL AIRPORT, March 14, 2018

Department of Transportation-Philippines, Dear Senator Poe, Sept. 12, 2019

Freedom of Information portal, Location of Airports, March 10, 2017

FILIPIKNOW TIMES, MAKA-SAYSAYAN ANG GINAWA SA PILIPINAS! DUTERTE ADMIN. NAKAPAGPATAYO NG 200 INTERNATION AT DOMESTIC AIRPORT.

Official Gazette, Aquino Administration projects to be completed during the next administration

Presidential Communications Operations Office, THE PRESIDENT’S MID-TERM REPORT TO THE PEOPLE 2016-2019, 2019

National Economic and Development Authority, 19 Accelerating Infrastructure Development

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.