Nagbitaw si Pangulong Rodrigo Duterte ng maraming maling mga pahayag noong 2018.
Ang kanyang mga hindi tumpak na pahayag, mga agarang palpak na komento at mga flip-flop ay isa sa bawat limang fact-check ng VERA Files para sa taon, higit sa sinumang pampublikong personalidad.
Tatlong bagay ang lumitaw mula sa aming mga ulat.
Si Duterte ay gumawa ng maraming maling pahayag tungkol sa kanyang giyera laban sa droga
Gustong gusto ng pangulo na pag-usapan ang giyera laban sa iligal na droga na kanyang inilunsad mula nang mahalal noong 2016.
Gayunpaman sa kabila ng pagiging centerpiece na patakaran ng gobyerno, sa isyung ito siya may pinakamaraming pagkakamali.
Noong Marso, sinabi ni Duterte na 1,000 na mga tagapagpatupad ng batas ang napatay sa mga operasyon laban sa bawal na gamot. Inulit niya ang pahayag noong Agosto.
Ang bilang niya ay malayo sa at hindi sinusuportahan ng Real Numbers PH, ang opisyal datos ng pamahalaan pagdating sa digmaan laban sa droga.
Sa isang Agosto 17 press briefing, sinabi ng tagapagsalita ng pulisya na si Benigno Durana Jr. na 87 na mga tagapagpatupad ng batas ang napatay sa mga operasyon laban sa droga. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: ‘Real Numbers PH’ update contradicts Duterte’s claim)
Patuloy din ng pangulo sa pagbabago ng kanyang bilang ng mga Pilipinong gumon sa droga.
Noong Marso, sinabi niya na mayroong 1.6 milyon; sa mga talumpati sa South Korea at sa Jerusalem, tatlong milyon; at sa mga sumunod na talumpati, alinman sa 1.5 milyon o 1.6 milyon. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: How many drug addicts are there in PH? Let Duterte do the counting)
Isang survey sa buong bansa ng Dangerous Drugs Board na inilabas noong 2016 ay nagsabing mayroong 1.8 milyong gumagamit ng bawal na gamot sa bansa.
Tila hindi rin masabi ni Duterte ng tama kung saan niya kinukuha ang kanyang datos.
Sa pagbanggit na ang pinagkunan (niya ng impormasyon) ay ang kanyang dating police at correction chief na si Ronald “Bato” Dela Rosa, sinabi ng presidente na mayroong 1.6 milyong sumuko bunga ng giyera laban sa droga.
Ito ay 1.3 milyong surrenderees, ayon sa bilang ni Dela Rosa. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: ‘Bato’ Dela Rosa, Duterte make contradicting claims on drug war surrenderees)
Iba’t iba ang pahayag ni Duterte para sa iba’t ibang mga tagapakinig
Lalo na tungkol sa kanyang mga pangako noong kampanya, si Duterte, depende sa kanyang tagapakinig, ay gumagawa ng mga masaklaw na pahayag sa ilang mga talumpati na pagkatapos, sa ibang pagkakataon, ay babale-walain o babawiin.
Ang kanyang salaysay kontra sa katiwalian ay nagbabago rin.
Sinabi niya sa kanyang State of the Nation Address at sa mga overseas Filipino worker sa Malaysia, hindi niya kukunsintihin “kahit na mahinang amoy” ng korapsyon sa kanyang termino, ngunit pagkatapos ay sinabihan ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na kanyang babawasan lamang ang katiwalian. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: In his own words: Duterte’s anti-corruption drive)
Ang kanyang agenda sa kapayapaan sa Communist Party of the Philippines ay nag-iiba-iba rin, depende sa kanyang tagapakinig.
Sa ilang mga talumpati, sinabi ni Duterte na bukas ang kanyang pamahalaan sa pagpapatuloy ng mga negosasyon, sa kabila ng kasalukuyang hindi pagkakasundo sa usapang pangkapayapaan, pero kanyang inatake ang mga komunistra sa mga talumpati sa harap ng mga miyembro ng militar.
Ang paninindigan ni Duterte sa pagtatapos ng kontraktwalisasyon ng paggawa ay nagbago din mula nang siya ay nanunungkulan noong 2016.
Mula sa matatag na paninindigan na tapusin ang endo, si Duterte ay pumayag sa “pag-kompromiso sa mga kapitalista” sa isang talumpati sa ibang pagkakataon.
Inuulit niya ang mga maling pahayag, ilang beses sa iisang talumpati
Si Duterte ay hindi lamang ang pinakamadalas na fact-check na pampublikong personalidad ng VERA Files sa 2018.
Siya rin ang opisyal ng gobyerno na may hawak ng kaduda-dudang karangalan na may pinakamaraming maling pahayag sa iisang talumpati, ayon sa aming bilang.
Sa isang talumpati noong Nob. 11, nagbitaw ang presidente ng siyam na maling pahayag tungkol sa International Criminal Court, sa giyera laban sa droga, sa hustisya para sa kabataan, aid ng US, at unang oil field sa bansa.
Inulit niya ang limang hindi totoong pahayag noong Disyembre 5 at gumawa ng tatlong maling pahayag tungkol sa ICC noong Nob. 15.