Ang satirical content na pinabulaanan ng VERA Files Fact Check ay halos nag-triple ngayong 2022 kumpara noong nakaraang taon.
Ang mga satirical page at satirist sa Pilipinas ay kadalasang ginagaya ang mga news graphics, quote card, at branding ng mga lehitimong organisasyon ng balita. Dahil dito, maraming mga Pilipino ang nagbahagi ng mga satirical post na iniisip na totoo ito.
Narito ang tatlong tip para malaman kung ang isang online post ay satirical o hindi:
I. Maghanap ng SATIRE ONLY na disclaimer
Ang mga satire ay kadalasang may mga label na nagsasaad ng kanilang satirical nature. Ang mga ito ay maaaring mga tekstong nakasulat sa mga graphics, mga hashtag sa mga caption, at mga disclaimer sa kanilang introduction at About page.
II. Tingnan kung may imitasyon ng mga graphics at font ng mga organisasyon ng balita
Ang satire na balita ay isang popular na format sa Pilipinas, at marami ang nahuhulog dito dahil ginagaya ng mga satirical page ang mga lehitimong organisasyon ng balita.
Upang maiwasang mahulog sa pangungutya na nagkukunwaring balita, tingnan ang mga pagbabago sa mga pangalan, logo, at tagline. Ispatan ang mga mali sa grammar sa quote at sa post — ang mga aktwal na organisasyon ng balita ay maingat para hindi gumawa ng gayong mga pagkakamali.
III. Mag-ingat sa katawa-tawa o eksaheradong nilalaman
Kung masyadong katawa-tawa ang isang post, kumuha ng parirala mula dito at ilagay ito sa search bar ng Google. Minsan, lumalabas ang mga search query na ito sa mga artikulo ng fact check na nagsasabi na ang post ay mali o satirical.
Maghanap ng hindi bababa sa tatlong artikulo ng balita upang i-verify kung totoo o hindi ang nakatatawang post.
Ang mga biro ay sadyang nakatutuwa. Gayunpaman, kailangang malaman ng mga netizen kung paano maispatan ang mga satirical post para maiwasan na makapanlinlang ng iba o mag share ng hindi tama at pekeng impormasyon.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Inquirer.net, May mensahe si Queen Elizabeth II sa mundo sa gitna ng coronavirus pandemic, April 6, 2020
Reductress, Cute! Queen Elizabeth’s Corgis Prepare to Be Buried Alive With Her, Sept. 8, 2022
NPR, Queen Elizabeth II’s corgis will go to her son Prince Andrew and his ex-wife, Sept. 11, 2022
Reader’s Digest, Why Did Queen Elizabeth II Own So Many Corgis—and What Will Happen to Them Now?, Oct. 21, 2022
Africa Check, No, queen Elizabeth’s corgis won’t be buried alive with her, Sept. 14, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)