Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT SHEET: 3 mga katotohanan tungkol sa depression

Ang depression ay hindi gawa-gawa lamang ng isip -- ito ay isang pangkaraniwan at nagagamot na karamdaman.

By VERA Files

Oct 10, 2017

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang depression ay hindi gawa-gawa lamang ng isip — ito ay isang pangkaraniwan at nagagamot na karamdaman.

Sa linggong ito, ipinagdiriwang ng bansa ang National Mental Health Week at hinihimok ng Department of Health ang mga Pilipino na maging bukas at alamin pa ang tungkol sa kalusugan ng kaisipan.

Naging usap-usapan ang depresyon noong nakaraang linggo nang sabihin ng komedyanteng host na si Joey de Leon sa pambansang telebisyon na ang sakit ay kathang-isip lamang ng mga tao na nagsasabing nakararanas sila nito.

Agad na binatikos online si De Leon. Noong Okt. 6, humingi siya ng paumanhin sa publiko sa pang tanghaling palabas na Eat Bulaga.

“Kung may maidudulot mang mabuti ang aking kasalanan, eh sana’y mabuksan nito ang maraming pinto sa pag-uusap sa isyu na ‘to– yung tungkol sa depresyon. Hindi ko alam na ganun kalawak at kalalim pala yun. Akala ko, stress lang, ganyan-ganyan.”

Pinagmulan: Eat Bulaga Facebook page. Panoorin mula 2:15 – 2:35

Pinuri ni Sen. Risa Hontiveros, punong may-akda ng Mental Health Act of 2017, si De Leon sa Twitter dahil sa kanyang pag-amin ng pagkakamali. Una niyang sinabi na ang depresyon ay hindi dapat ipawalang-halaga kundi unawain.

Narito ang tatlong mga katotohanan tungkol sa depresyon.

Ang depression ay isang medikal na karamdaman

Sa International Classification of Diseases ng World Health Organization ang depresyon ay itinuring na isang mood disorder/sumpong na may posibilidad na maging/maaaring pabalik-balik.

Ang anumang tuluy-tuloy na kalungkutan, pagkawala ng interes sa mga gawaing normal na tinatangkilik at ang kawalan ng kakayahan na isagawa ang pang-araw-araw na mga gawain sa loob ng higit sa dalawang linggo ay nagpapakita ng depresyon. Maaaring pagsimulan ng mga indibidwal na insidente ng depresyon ang matindi/mabigat na mga kaganapan o sitwasyon.

Kinikilala ng ICD ang iba’t ibang uri ng sakit, karamdaman, pinsala at iba pang kaugnay na kondisyon sa kalusugan, at itinuturing na pandaigdig na pamantayan para sa pag-uulat ng mga sakit at mga kondisyon sa kalusugan. Ginagamit ng DOH ang ICD upang subaybayan ang iba’t ibang mga sakit sa bansa.

Ayon sa DOH, ang sinumang tao na nagpapakita ng mga sumusunod na sintomas ay maaaring may depresyon:

-Malaking pagbawas ng timbang o dagdag ng timbang

-Hirap sa pagtulog o labis na pagtulog

-Matinding pagod o pagkawala ng enerhiya

-Pisikal at mental na pagkabalisa o kabagalan

-Labis-labis na pakiramdam ng pagkamakasalanan o ng pagkawalang-halaga

-Bawas na kakayahang mag-isip o tumutok o di-makapagdesisyon

-Paulit-ulit na pag-iisip ng kamatayan

-Paulit-ulit na pag-iisip ng pagpapatiwakal

Gayunpaman, ang iba pang mga medikal na kondisyon tulad ng mga problema sa thyroid, kakulangan ng bitamina o tumor sa utak ay maaaring may katulad na mga sintomas ng depresyon.

Ang sakit ay nauugnay din sa iba pang mga kondisyon sa pag-iisip tulad ng bipolar affective disorder. Sa matinding mga kaso, ang depresyon ay maaari ring masamahan ng psychotic na mga sintomas tulad ng mga guni-guni at delusyon.

Ang genetics ay maaaring may kinalaman sa depresyon

Nililista ng American Psychiatric Association (APA) ang ilang mga sanhi ng depresyon. Kabilang dito ay dala ng kapaligiran tulad ng pagkakalantad sa pang-aabuso, pagpapabaya at karahasan, personalidad ng indibidwal at pagkakaiba ng ilang mga kemikal sa utak ng isang indibidwal.

Ang depresyon ay maaari ring umiral sa mga pamilya. “Halimbawa, kung ang isang magkamukhang kambal ay may depresyon, ang isa ay may 70 porsiyento na posibilidad na magkaroon din ng karamdaman,” ang sabi ng APA.

“Ang mga taong may mababang pagpapahalaga sa sarili, na madaling mapabagsak ng stress, o sa pangkalahatan ay madaling masiraan ng loob ay mukhang mas malamang na makaranas ng depresyon,” idinagdag pa nito.

APA ang naglalathala ng Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders, isang mapagkukunan ng impormasyon na ginagamit ng mga propesyonal sa larangan ng kalusugan ng kaisipan sa buong mundo sa pagsusuri sa 250 sikolohikal na karamdaman, kabilang ang depresyon.

Ang depresyon ay naiiba sa kalungkutan

Ang mga nakababahalang mga pangyayari sa buhay tulad ng pagkamatay ng isang minamahal o pagtatapos ng isang relasyon ay karaniwang nauuwi sa matinding kalungkutan o pagdadalamhati, ngunit binibigyang diin ng APA ang pagkakaiba nito sa depresyon.

 

Pighati

Depression
Ang masakit na damdamin ay dumarating na parang mga alon Ang sumpong o interes ay nababawasan kadalasan ng

hindi bababa sa dalawang linggo

Ang pagpapahalaga sa sarili ay hindi karaniwang apektado Mga damdamin ng kawalang-halaga at

at galit sa sarili ay karaniwan

Sa buong mundo, mahigit sa 300 milyong katao ang nabubuhay ngayon na may depresyon, ayon sa WHO.

Dagdag nito na ang mga babae ay mas malamang na maapektuhan ng depresyon kaysa sa mga lalaki, lalo na sa kanilang pagtanda, sa edad na 55 hanggang 74.

Ang depresyon ay ang pinakamalaking sanhi ng kapansanan sa buong mundo at maaaring humantong sa isang pang-ekonomiyang kawalan ng US$1 trilyon bawat taon. Gayunpaman, sinabi ng WHO na sa pangkalahatan, tatlong porsiyento lamang ng badyet ng pamahalaan ang pondo para sa kalusugan ng kaisipan.

“Ang kakulangan ng suporta para sa mga taong may karamdaman sa pag-iisip, kasama ang takot sa kahihiyan, ang pumipigil sa marami sa pagpapagamot na kailangan nila upang mabuhay nang malusog at masagana,” ang sabi ng WHO.

Noong Mayo, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pang huling pagbasa ng Mental Health Act of 2017 na naglalayong mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa kalusugan ng kaisipan sa bansa. Ang katuwang na panukala sa House ay hindi pa naipapasa.

Ang National Mental Health Care Delivery System ay isa sa 28 priority bill na inirekomenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council sa administrasyong Duterte.

Mga pinagkunan:

Ciccarelli, S. and White, J. (2015). Psychology (4th Ed). USA: Pearson

Depression and Other Common Mental Disorders: Global Health Estimates

International Classification of Diseases

LEDAC approves legislative agenda for 17th Congress

Mental disorders fact sheet

mhGAP Intervention Guide

Other significant mental health complaints

Proclamation No. 452

Proposed “Comprehensive Mental Health Act” gets House backing

Senate approves Mental Health Act. Philstar.com.

Senate Bill 1354

Senate OKs mental health bill. Inquirer.net.

Senate passes Mental Health Act. CNN Philippines.

University of Michigan Depression Center

What causes depression?

WHO Depression: Let’s talk

 

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.