Sa Mayo 13, gaganapin ang ikaapat na automated na halalan sa bansa mula noong 2010. Gayunman, ang mga kuwento-kuwento na may kinalaman sa eleksyon ay patuloy na nakalilito sa mga botante.
Tinukoy ng abugadang si Rona Ann Caritos, executive director ng election watchdog na Legal Network for Truthful Elections (LENTE), ang ilang karaniwang maling impormasyon sa proseso ng pagboto na dapat bantayan ng mga botante.
Narito ang limang maling palagay na kailangan mong malaman.
1. Ang voter’s ID ay kinakailangang para makaboto: HINDI TOTOO
Hindi na kailangang magpakita ng Voter’s ID ang mga botante sa kanilang mga presinto dahil ang Commission on Elections (Comelec) ay huminto na sa pag-isyu ng mga ID noong Disyembre 2017 sa pag-aasam sa naaprubahang Philippine Identification System Act. Kinakailangan lamang ang mga botante na magpakita ng isang ID kung hinahamon ng Electoral Board (EB) ang kanilang pagkakakilanlan.
Ang mga sumusunod na ID ay maaaring ipakita sa EB:
- Passport
- Social Security System ID
- Government Service Insurance System e-Card
- Professional Regulation Commission ID
- Integrated Bar of the Philippines ID
- Overseas Workers Welfare Administration ID
- Senior Citizen’s ID
- Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card
- Company ID
- Postal ID
- Student ID or library card, signed by the school authority
- Driver’s license
- National Bureau of Investigation/Philippine National Police clearance
2. Ang undervoting ay magpapawalang-bisa sa iyong balota: HINDI TOTOO
Ang undervoting, o ang pagboto nang mas kaunti sa pinakamataas na bilang na pinapayagan para sa isang posisyon, ay hindi magpapawalang-bisa sa isang balota. Gayunpaman, ang overvoting, na tumutukoy sa pagboto ng higit sa pinahihintulutang bilang ng mga puwesto para sa isang posisyon, ay magiging dahilan para hindi bibilangin ng vote counting machine (VCM) ang mga boto para sa partikular na posisyon. Ang overvoting ay magpapawalang-bisa lamang sa boto para sa isang partikular na posisyon at hindi mismo sa balota.
3. Ang iyong boto ay hindi kumpidensyal: HINDI TOTOO
Labag sa batas na makita ninuman ang iyong balota o pilitin kang ihayag kung sino ang iyong binoto.
Ang ballot secrecy folder ay inilalagay sa bawat upuan sa presinto ng botohan upang protektahan ang iyong boto sa pagiging lantad. Tanging ang mga VCM at mga election management system server ang, sa pamamaraang teknikal, magagawang “makita” ang iyong binoto.
Ang mga tagapangasiwa ng mga taong may kapansanan, mga senior citizen o mga buntis ang pinapayagang makita ang kanilang mga boto sa ilalim ng mga patakaran ng Comelec.
4. Ang mga balotang hindi namarkahan sa Overseas Absentee Voting ay maaaring mapunan ng mga poll watcher: HINDI TOTOO
Ang mga overseas absentee voter lamang ang may karapatan sa markahan ang kanilang mga balota at hindi ang mga overseas poll watcher. Ang mga poll watcher na itinalaga ng mga kandidato ay maaari lamang sumubaybay sa proseso ng halalan.
5. Ang tinta ng marker ay tatagos sa likod ng balota: HINDI TOTOO
Ang tinta ng marker ay hindi tatagos sa likod ng balota at magmamarka sa pangalan ng ibang kandidato. Pinasinungalingan na ng Comelec ang pahayag na ito na nag viral (Basahin: VERA FILES FACT CHECK: FAKE warning on ‘bleeding’ ballots spread on FB, Twitter).
Mga hindi kabilang sa ilang mga patakaran ng Comelec:
Pinapayagan ang mga kamera sa loob ng mga presinto ng botohan
Ang mga botante ay hindi pinapayagan na kumuha ng mga litrato sa loob ng mga lugar ng botohan. Maaari lamang gawin ito ng mga poll watcher, para itago bilang katibayan sakaling magkaroon mga protesta sa eleksyon.
Ang mga balota ay maaaring dalhin sa labas ng presinto
Ang mga botante ay hindi pinapayagan na dalhin ang kanilang mga balota sa labas ng presinto ng botohan. Gayunpaman, sa Accessible Polling Places (APPs) at Emergency Accessible Polling Places (EAPPs), maaaring makapaglabas ng hanggang 10 balota sa lugar ng botohan sa bawat oras ang Department of Education Supervisor Offcial EAPP Support Staff (DESO EAPP Support Staff) para ipasok sa VCM.
Hinikayat din ni Caritos ang mga botante na i-scan ang Computerized Voters List sa kanilang presinto sa araw ng halalan upang suriin ang mga pangalan ng sinumang namatay na mga kamag-anak. Kung makakita sila ng sinuman, dapat silang maghain ng isang petisyon sa Comelec na ipawalang-bisa ang pagiging botante ng namayapa na at pigilan ang mga “ghost” na botante.
Inihayag ng Comelec noong Mayo 10 na handa nang gamitin ang precint funder matapos maayos na ang mga problema na iniulat ng mga botante na sumubok gamitin ito sa nakalipas na dalawang araw
Ang mga presinto ng botohan ay bukas mula 6 ng umaga hanggang 6 ng gabi, at maaaring magbigay ng palugit sa ilang mga lugar upang mapagbigyan ang mga botante na nasa lugar na bago magsara ang botohan.
Mga pinagmulan:
ABS-CBN News Youtube, Don’t overvote, Comelec warns anew, May 4, 2019,
ABS-CBN News, SC urged to compel Comelec to allow use of cellphones in polling places, April 24, 2019
Commission on Elections Website, Philippine Identification System Act
Commission on Elections Website, Republic Act. 8189: The Voter’s Registration Act of 1996
Commission on Elections Website, Resolution No. 10156
Commission on Elections Website, Resolution No. 10486
Commission on Elections Website, Resolution No. 10488
Commission on Elections Website, Resolution No. 10516
Commission on Elections Website, Resolution No. 10522
Commission on Elections Website, Resolution No. 10528
Commission on Elections Website, Resolution No. 8803
Commission on Elections Website, Voter ID Card
Commission on Elections Website, Voter ID Generation and Distribution
Inquirer.net, No need for ID to vote — Comelec, February 13, 2019
National Citizens’ Movement for Free Elections, Commission on Elections Resolution No. 9623
National Citizens’ Movement for Free Elections, Rules and Laws Pertaining to the 2019 National and Local Elections
Official Gazette, Republic Act No. 10366
Official Gazette, Republic Act No. 10367: Mandatory Biometrics Voter Registration
Official Gazette, Republic Act No. 9189: The Overseas Absentee Voting Act of 2003
Philippine News Agency, Voters warned vs. disinformation ahead of May polls, February 13, 2019
Philstar.com, Comelec no longer issuing voters’ IDs, July 11, 2018
Philstar.com, Comelec to monitor bloggers, influencers, February 14, 2019