Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ang gamit ng fetal cell lines sa vaccine research

Habang patuloy rollout ng gobyerno ng Pilipinas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa target nitong 70 milyong katao, kinakalat naman ng anti-vaccine advocates ang isang maling social media post noong Mayo na nagsasabing ang mga COVID-19 vaccine ay naglalaman ng fetal tissue. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: COVID-19 vaccines do NOT contain ‘chopped parts’ of aborted fetuses)

By VERA Files

Jun 2, 2021

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Habang patuloy rollout ng gobyerno ng Pilipinas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa target nitong 70 milyong katao, kinakalat naman ng anti-vaccine advocates ang isang maling social media post noong Mayo na nagsasabing ang mga COVID-19 vaccine ay naglalaman ng fetal tissue. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: COVID-19 vaccines do NOT contain ‘chopped parts’ of aborted fetuses)

Mga katulad na hindi totoong istorya ang kumalat noong pang Nobyembre 2020 sa maraming mga bansa, na pinapahina ang tiwala sa pagbabakuna gamit ang mga argumento na nakabatay sa moralidad. Ang iba ay nagsabi na ang mga jab ay ginawa mula sa lung tissue o mga fetal cell mula sa pinalaglag na mga fetus.

Ang mga ito ay nagmula, higit sa lahat, sa mga maling kuru-kuro sa paggamit ng fetal cell lines sa vaccine development at testing.

Ano nga ba ang fetal cell lines, at paano ito ginagamit ng mga scientist sa vaccine research? Narito ang tatlong bagay na kailangan mong malaman:

1. Ano ang fetal cell lines?

Fetal cell lines ay cells na pinarami at lumaki sa laboratoryo na nagmula sa tissue ng mga di-sapilitang nilaglag na fetus noong 1960s at 1970s. Ang isang fetal cell ay maaaring maparami at ma-freeze, at magamit para sa pagsasaliksik at development ng mga bakuna.

“Ang fetal cell lines na ito ay hindi tissues. Hindi sila tinadtad na mga bahagi… Walang scientist na lumalabas at gumagamit ng mga tinadtad na bahagi ng mga tissue sa paggawa ng [bakuna],” sinabi sa Ingles ng scientist na si Isagani Padolina, isang miyembro ng Vaccine Expert Panel ng Department of Health, sa isang pakikipanayam sa VERA Files Fact Check.

“Hindi ito lumalaki na isang tao. Ito ay nananatili lamang bilang cells,” dagdag niya.

Sinabi ni Padolina, na pinuno rin ng research and development sa Pascual Pharma Corp., na ang fetal cell lines ay ideal sa vaccine research sapagkat madali itong paramihin kung tama ang kondisyon, pagkain, at medium.

Idinagdag pa niya na ang fetal cell lines ay madali ring ma-transfect, na nangangahulugang madali silang maturukan ng DNA na magdadala ng mga tagubilin upang lumikha ng mga partikular na uri ng protina na ginagamit para sa pagsasaliksik at paggawa ng bakuna.

Ang paggamit ng fetal cell lines para sa vaccine research ay nag umpisa kay Leonard Hayflick, isang Amerikanong cell culture expert na nagawang kumuha ng cells mula sa lung tissue ng isang tatlong buwan na babaeng fetus na pinalaglag ng isang Swede noong 1962.

Noong hindi pa ginagamit ang fetal cell lines, cells ng mga hayop ang gamit ng mga scientist sa pag debelop ng mga bakuna at pagsasagawa ng pagsasaliksik sa cancer. Ang gastos sa pagpatay sa mga hayop, pati na rin ang pagkakaroon ng mga potensyal na sakit sa mga cell ng hayop, ang nag udyok sa paghahanap ng paraang makabuo ng isang “malinis” na cell line mula sa mga di-sapilitang nilaglag na fetus.

2. Ano ang papel ng fetal cell lines sa mga bakuna?

Fetal cell lines ang ginagamit sa alinman sa tatlong stages ng pag debelop ng bakuna, ayon sa Amerikanong infectious disease expert na si James Lawler ng Nebraska Medicine:

Ang mga cell na lumaki sa lab ay ginamit upang lumikha ng mga bakuna para sa mga karamdaman tulad ng rubella, rabies, hepatitis A, bulutong-tubig, at ang orihinal na shingles.

Para sa COVID-19 vaccines, ang ilang biopharmaceutical companies ay gumamit ng fetal cell lines para sa kanilang mga testing at development phase.

Ang fetal cell line HEK 293, na nagmula sa kidney tissue ng isang pinalaglag na human embryo noong 1973, ay ginamit para subukan ang pagiging epektibo ng mga bakunang Pfizer at Sinovac.

Samantala, ang Gamaleya Research Institute ay gumamit ng HEK 293 para makagawa ng human adenovirus vector, na siyang pangunahing sangkap ng bakuna nito sa COVID-19. Ang parehong cell line ay ginamit upang subukan ang pagiging epektibo ng Sputnik V.

Ang fetal cell lines ay maaaring gamitin para mapalago ang huminang mga virus na inilalagay sa ilang mga bakuna, na makakatulong sa pagbuo ng immunity laban sa mga sakit.

Maliban kay Gamaleya, ang AstraZeneca ay gumamit din ng HEK 293 para makagawa ng isang humina at hindi nagagayang bersyon ng adenovirus na sanhi ng karaniwang sipon sa chimpanzees, na na-program na may mga tagubilin na lumikha ng mga protina na makakatulong sa katawan ng tao na labanan ang virus na sanhi ng COVID-19.

Upang masubukan kung gumagana o hindi ang kanilang bakuna, ang AstraZeneca ay gumamit ng MRC-5, isa pang fetal cell line na orihinal na nakuha mula sa lung tissue ng isang 14-na-linggong fetus na na-abort noong 1966.

3. May mga bahagi ba ng katawan ng sanggol ang mga COVID-19 vaccine?

Ang mga COVID-19 vaccine ay walang mga cell o tissue mula sa mga nilaglag na fetus.

Ang mga bakuna na nabuo sa tulong ng mga fetal cell line, tulad ng Astrazeneca at Gamaleya, ay gumagamit ng purification process upang matiyak na walang mga fragment ng fetal cell line na mananatili sa gamot.

Posibleng makita ang natitirang DNA mula sa mga fetal cell line, ngunit hindi sila makikilala bilang DNA ng tao, ayon sa mga public health expert mula sa Health Lab ng teknolohiya ng nonprofit na Meedan.

“‘Pag pinurify mo na siya hindi ka na nagtuturok ng cell line sa katawan mo,” ani Padolina sa halong Ingles at Filipino.

“Kung gumawa ka ng serbesa, hindi mo nakikita ang maraming yeast cells sa beer dahil nasala na ito. Ang mga bakuna ay sumasailalim sa isang mas mahigpit na purification process dahil ginagamit namin ito sa mga tao,” dagdag niya sa Ingles.

 

Mga Pinagmulan

Department of Health (Philippines) Official Facebook Page, [VACCINE ROLLOUT UPDATE: 26 May 2021]…, Accessed May 31, 2021

CNN Philippines, Gov’t keeps 70M vaccination target by year-end, eyes ‘better Christmas’ for Filipinos, March 18, 2021

First Draft News, Vaccine trials are leaving misinformation in their wake, Dec. 2, 2020

Reuters Fact Check, Fact check: Lung tissue of an ‘aborted male foetus’ is not in the vaccine for coronavirus, Nov. 17, 2020

Reuters Fact Check, Fact Check-Johnson & Johnson’s COVID-19 vaccine does not contain aborted fetal cells, April 2, 2021

The Children’s Hospital of Philadelphia YouTube Channel, How Can We Still Use a Fetal Cell Line from the 1960s to Make Vaccines Today? Jan. 13, 2020

Isagani Padolina, personal communication, May 21, 2021

The Children’s Hospital of Philadelphia, News & Views: Why Were Fetal Cells Used to Make Certain Vaccines? April 25, 2017

National Geographic, The Strange History of Vaccines—And Why People Fear Them, Feb. 26, 2017

The Conversation, Cells from human foetuses are important for developing vaccines – but they’re not an ingredient, March 27, 2021

Nebraska Medicine, You asked, we answered: Do the COVID-19 vaccines contain aborted fetal cells?, March 2, 2021

The History of Vaccines, Human Cell Strains in Vaccine Development, Jan. 10, 2018

American Type Culture Collection, 293 [HEK-293] | CRL-1573™, n.d.

Nature, Genome dynamics of the human embryonic kidney 293 lineage in response to cell biology manipulations, Sept. 3, 2014

Charlotte Lozier Institute, Update: COVID-19 Vaccine Candidates and Abortion-Derived Cells, March 3, 2021

National Medicines Research Authority of Sri Lanka, Evaluation Report for Emergency Use Permission | COVID-19 Vaccine (SPUTNIK V), March 4, 2021

Meedan Health Desk, What is the context behind the misinformation about fetal cells used in the AstraZeneca COVID-19 vaccine?, Nov. 16, 2020

University of Oxford Vaccine Knowledge Project, COVID-19 vaccines, March 3, 2021

American Type Culture Collection, MRC-5 | CCL-171™, n.d.

Coriell Institute for Medical Research, AG05965-C | Fibroblast from Skin, Lung, n.d.

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.