Categories
Fact Check Filipino

VERA FILES FACT SHEET: Sa gitna ng mga bagong variant ng COVID-19 virus, narito ang maaaring gawin para maiwasan ng Pilipinas ang isa pang surge

Nagbago ang novel coronavirus nang higit sa 10,000 beses mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Karamihan sa mga mutation, o pagbabago sa virus, ay may maliit na epekto. Gayunpaman, ang iba ay nagbubunga ng mga variants of concern (VOCs) — o mga bersyon ng virus na nagdadala ng mga mutation na maaaring maging sanhi ng pagbilis ng transmission, mas matinding sakit, o isang nabawasang sa efficacy ng paggamot at bakuna. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Paano nadidiskubre ng Pilipinas ang mga bagong SARS-CoV-2 variant)

Ang Philippine Genome Center sa University of the Philippines ay nakakita ng tatlong VOC sa bansa na unang kinilala sa Brazil, South Africa, at United Kingdom.

Ang ika-apat ay naidagdag ngayong buwan: ang B.1.617 variant, unang kinilala sa India noong Oktubre 2020.

Dapat bang mag-alala nang husto ang mga Pilipino sa bagong variant na ito? Alamin sa video na ito kung paano nakakaapekto ang pangyayaring ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak sa Pilipinas.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

World Health Organization, COVID-19 Weekly Epidemiological Update, May 9, 2021

RTVMalacanang, Part 2 Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19 5/17/2021, May 18, 2021

Department of Health confirms cases with variant first identified in India

On the Indian variant

Philippine Television Network, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, April 26, 2021

World Health Organization, Philippines receives additional vaccines through COVAX facility – Philippines, May 11, 2021

National Task Force Against COVID-19 Facebook Page, May 22, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)