Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ban pagpasok sa US totoo; secretary of state ang tutukoy sa mga nag akusa kay De Lima na hindi papapasukin sa US

Umani ng pagbatikos mula sa administrayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpirma kamakailan sa 2020 budget ng Estados Unidos dahil sa matinding implikasyon nito para sa ilan: isang entry ban sa US para sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na sangkot sa detensyon ng senador ng oposisyon na si Leila de Lima, na nakakulong sa Camp Crame ng higit dalawang taon dahil sa kasong may kinalaman umano sa droga.

By VERA Files

Dec 30, 2019

5-minute read

Basahin sa Ingles.

ifcn badge

Share This Article

:

Umani ng pagbatikos mula sa administrayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpirma kamakailan sa 2020 budget ng Estados Unidos dahil sa matinding implikasyon nito para sa ilan: isang entry ban sa US para sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na sangkot sa detensyon ng senador ng oposisyon na si Leila de Lima, na nakakulong sa Camp Crame ng higit dalawang taon dahil sa kasong may kinalaman umano sa droga.

Sa Dis. 28 Manila Bulletin column, tinawag ang ban na “pekeng peke na balita” ni pro-Duterte blogger na si RJ Nieto, na nagpapatakbo sa Facebook page na Thinking Pinoy. Sinabi niyang walang malinaw na pagbanggit sa batas tungkol sa nakakulong na senador. Maaaring nakaabot ang artikulong ito sa higit sa apat na milyong katao sa online.

Gayunpaman, si Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa pakikipag-ugnay kay Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez, ay kinumpirma noong Dis. 29 sa isang panayam sa radyo na ang entry ban ay “totoo.”

Narito ang dalawang bagay na kailangan mong malaman tungkol sa sugnay sa pagbabawal sa pagpasok sa U.S. 2020 budget.

Inaprubahang 2020 U.S. appropriations Act kasama ang entry ban sa mga opisyal ng PH

Ang ban sa mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa “maling pagkakabilanggo” kay De Lima — tulad ng nakasaad sa ulat sa U.S. Senate bill sa State Department budget – ay nasasakop sa inaprubahang U.S. Appropriations Act of 2020, na nilagdaan noong Dis. 20 ni U.S. President Donald Trump.

Bagaman ang Batas mismo ay hindi tahasang binanggit ang ban, nakasaad sa section 4 ng batas ang kasamang paliwanag na magkakaroon ng “magkaparehong epekto patungkol sa paglalaan ng mga pondo at pagpapatupad.”

Kasama dito ang Division G ng paliwanag, na tumatalakay sa paglalaan ng pondo ng Department of State, Foreign Operations, at mga kaugnay na programa. Sa ilalim ng seksyong ito, ang mga ahensya ng U.S. Federal government ay inatasan na “sumunod sa mga direktiba, mga kinakailangan sa pag-uulat, at mga tagubilin” ng mga ulat na kasama ng mga panukalang paglalaanan ng pondo ng State Department ng parehong House at Senado.

Sa U.S. Senate Committee Report 116-126, na kasama ng Senate Bill 2583, malinaw na ipinagbabawal ang pagpasok sa:

“…government officials about whom the Secretary [of State] has credible information have been involved in the wrongful imprisonment of…Senator Leila de Lima who was arrested in the Philippines in 2017.

(…mga opisyal ng gobyerno na ang Secretary [of State] ay may kapani-paniwalang impormasyon na kasangkot sa maling pagkabilanggo kay … Senador Leila de Lima na inaresto sa Pilipinas noong 2017.)”

Pinagmulan: U.S. Congress, S. Rept. 116-126, Set. 26, 2019

Ang entry ban ay ipatutupad din sa mga opisyal ng estado sa Turkey, Egypt, at Saudi Arabia na napatunayang kasangkot sa “maling pagkulong” ng mga mamamayan ng Amerika, nasyonalidad, o lokal na kawani ng diplomatikong misyon ng Estados Unidos. Bukod kay de Lima, ang pahayag ay malinaw na nag-uutos ng isang entry ban sa mga indibidwal na kasangkot sa pagkabilanggo ng Amerikanong si Mustafa Kassem, na kasalukuyang ikinulong ng pamahalaang Egypt.

Ang U.S. Secretary of State ang magpapasya kung sino ang hindi papayagang makapasok sa US sa mga tagausig ni De Lima

Si U.S. Secretary of State Mike Pompeo ang magpapasya kung sino sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbabawalang makapasok sa U.S.

Alinsunod ito sa mga probisyon ng Anti-Kleptocracy and Human Rights, o section 7031 ng Department of State, Foreign Operations, and Related Programs Appropriations Act, na nagsasaad na:

“…officials of foreign governments and their immediate family members who have been involved in significant corruption or a gross violation of human rights (including unjust or wrongful detention) are ineligible for entry into the United States, subject to specified exceptions and waivers.

(… ang mga opisyal ng mga dayuhang gobyerno at ang kanilang mga kagyat na miyembro ng pamilya na nasangkot sa talamak na korapsyon o matinding paglabag sa mga karapatang pantao (kabilang ang hindi makatarungan o maling pagkulong) ay hindi karapat-dapat sa papasukin sa Estados Unidos, napapailalim sa tinukoy na mga partikular na eksepsiyon at pagtanggi.)”

Pinagmulan: U.S. Congress, Department of State, Foreign Operations, and Related Programs and Appropriations Act

Ang probisyon ng entry ban ay ipinanukala nina US senators Dick Durbin at Patrick Leahy alinsunod sa Global Magnitsky Human Rights Accountability Act, na nagpapahintulot sa pangulo ng U.S. na magpataw ng mga kaparusahan — tulad ng pagtangging papasukin, at pag freeze ng mga ari-arian sa U.S. — sa mga taong “responsable sa extrajudicial killings, torture, o iba pang matinding paglabag sa mga karapatang pantao na kinikilala sa buong daigdig” laban sa mga indibidwal sa “alinmang dayuhang bansa.”

Inihayag ni Panelo sa isang press briefing noong Dis. 27, isang linggo matapos na pirmahan ni Trump ang US budget law, na inutusan ng gobyernong Duterte ang Bureau of Immigration na huwag papasukin ng Pilipinas sina Durbin at Leahy, na tinukoy ng tagapagsalita bilang “palalo, walang alam at utu-utong mga Amerikanong mambabatas.”

 

Mga Pinagmulan

U.S. Congress, H.R.1865, Dec. 20, 2019

Manila Bulletin, Sen. De Lima, official docs show US entry ban is as fake as fake news gets, Dec. 28, 2019

GMA News, Envoy confirms existence of entry ban vs. PHL officials —Palace, Dec. 29, 2019

Philippine Star, Palace: Provision barring De Lima jailers from US actually exists, Dec. 29, 2019

Inquirer.net, BREAKING: Palace says entry ban of PH officials in US is ‘true,’ Dec. 29, 2019

U.S. House of Representatives, Explanatory Statement submitted by Mrs. Lowey, Chairwoman of the House Committee on Appropriations Regarding H.R. 1865, Dec. 16, 2019

U.S. House of Representatives, Division G – Department of State, Foreign Operations, and related programs Appropriations Act 2020, Dec. 16, 2019

U.S. Congress, S.2583, September 26, 2019

U.S. Congress, Prohibition on Entry, Section 7022 of S. Rept. 116-126, September 26, 2019

U.S. Department of State, Anti-Kleptocracy and Human Rights, 7031c – Transmittal Letter, 2018

U.S. Congress, Sec. 7031 of H.R.3362, July 24, 2017

U.S. Government Information, Section 1261 of Public Law 114-328, Dec. 23, 2016

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, Dec. 27, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.