Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Sino sa mga umaasang mananalo sa 2022 ang nagkalat ng maling impormasyon?

May 572 naghahangad makabingwit ng pambansang posisyon sa 2022 elections ang naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) mula Okt. 1 hanggang 8 sa Garden Tent, Hotel Sofitel sa Pasay City.

By VERA Files

Oct 14, 2021

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

May 572 naghahangad makabingwit ng pambansang posisyon sa 2022 elections ang naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) mula Okt. 1 hanggang 8 sa Garden Tent, Hotel Sofitel sa Pasay City.

Sinusubaybayan ng VERA Files Fact Check kung sino sa mga nais maging presidente (97), vice president (29), at senator (270) ang nag flip-flop o pinagmulan ng mis- at disinformation mula Abril 2016, nang simulan nito ang fact-checking initiative.

Tingnan dito kung ano ang ginawa ng mga gustong manalo sa 2022:

President

Vice President

Senator

Anong susunod?

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Law Department Director John Rex Laudiangco sa isang media briefing noong Okt. 8 na ang listahan ng mga kandidato ay mananatiling pansamantala hanggang Nob. 15, ang huling araw para sa pagpapalit ng mga kandidato. Batay sa Philippine Omnibus Election Code, maaaring magbago ang listahan kung:

1. Ang naghain ng kandidatura ay umatras, namatay o na disqualify

Pagkatapos ng huling araw ng paghahain ng COC, sinumang gusto kumandidato na umatras, namatay o na disqualify ay maaaring palitan hanggang Nob. 15 ng isang taong sertipikado mula sa parehong partidong pampulitika. Hindi maaaring palitan ang mga naghain ng COC bilang independent.

Maaaring ma disqualify ang isang tao kung siya ay idineklarang baliw o incompetent ng isang karampatang awtoridad, o nasintensiyahan sa huling paghatol sa kasong subversion, insurrection, rebellion, o anumang pagkakasala na may parusang higit sa 18 buwan, o dahil sa isang krimen na kinasasangkutan ng “moral turpitude.”

Para sa mga kaso hinggil sa nabanggit na paghatol ng korte, ang Omnibus Election Code ay nagsasaad na ang nais na kumandidato ay pinagbabawalan na tumakbo para sa anumang posisyon, maliban kung siya ay binigyan ng pardon sa plenaryo o nabigyan ng amnestiya.

Kung ang naghahangad kumandidato ay namatay o na disqualify ー na tinutukoy bilang isang “involuntary withdrawal” ー pagkatapos ng Nob. 15, siya ay maaaring palitan “hanggang sa katanghalian ng araw ng halalan” ng isang taong may parehong apelyido, ayon kay Comelec spokesman James Jimenez.

2. Ang nais kumandidato ay idineklarang panggulo

Sa ilalim ng Section 69 ng Omnibus Election Code, maaaring kanselahin ng Comelec ang COC kung nakita na ang sertipiko ay inihain upang “kutyahin ang proseso ng halalan,” upang magdulot ng kalituhan sa mga botante sa pamamagitan ng pagkakapareho ng mga pangalan ng mga rehistradong kandidato, o ang tao ay “walang bona fide intention” na tumakbo para sa pwesto.

Ang mga pangalan ng mga panggulo ay aalisin sa pansamantalang listahan ng mga kandidato. Kung ang isang nais kumandidato ay pumunta sa Korte Suprema at hindi makakuha ng positibong resolusyon, sinabi ni Laudiangco na siya ay “permanenteng aalisin sa listahang iyon” para sa 2022 na halalan.

Pinaalalahanan ng komisyon ang mga nais kumandidato na ang deadline para iwasto ang typographical o clerical errors ay sa Nob. 8. Ang pansamantalang listahan ng mga kandidato ay inaasahang magiging available sa katapusan ng parehong buwan.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

ABS-CBN News, Comelec holds press briefing regarding last day of filing of COCs, Oct. 8, 2021

Official Gazette, Omnibus Election Code of the Philippines

Commission on Elections, Rules of Procedures

Commission on Elections, Resolution No. 10717, Aug. 18, 2021

Commission on Elections, COC Daily Report

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.