VERA FILES FACT CHECK: Badoy inulit ang mapanlinlang na pahayag tungkol sa desisyon ng SC noong 2015
Ito sinabi ng Korte Suprema sa Zarate vs. Aquino noong 2015: Ang “pagmimiyembro lamang sa mga organisasyon o sektor” na binanggit sa kaso – kasama ang mga progresibong grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Karapatan, at Bayan Muna – ay “hindi maaaring itumbas ng aktwal na banta na mangangailangan ng iisyu ng writ of amparo.”