VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Galvez na naabot ng PH ang vaxx target kailangan ng konteksto
Iginiit ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., pinuno ng National Task Force Against COVID-19, na nakamit ng gobyerno ang layunin nitong ganap na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino laban sa sakit na coronavirus bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30. Ang pahayag na ito ay nangangailangan ng konteksto.